Bumalik kami ni Xander sa kanya kanya naming cottage. Pagkabalik ko dun ay lumapit agad sakin si Luke. Binigyan niya ako ng pagkain at inumin. Si Kuya Austin naman ay tumabi sa gilid ko.Habang nagkakanahan sila ay bigla akong napatingin kay Xander. Masaya ako kasi kaibigan ko na siya. Masaya ako kasi siya nakipagkaibigan sakin.
"Guys! Picture!!" Sigaw ng isa kong classmate kaya agad kami tumayo at picture. Masaya naman ang mga nanyare sa araw na un. Hindi ko nalang pinahalata na nasasaktan ako sa mga nanyayare. Syempre crush ko pa din si Xander kahit papaano.
Pagkatapos nun ay nagaya sila Teddy kay Luke at sakin na magswimming sa wave pool. Niyaya ko na din ang mga kaklase ko at pinakilala ko sa kanila. Nakadikit pa din si Luke sakin. Ayoko magassume pero minsan iniisip ko nalang may gusto ba to sakin?
Bandang 5pm ay pauwi na kami. Sasabay ulit sakin ung iba at ihahatid ko ulit sila sa Santolan. Nakabihis ako ng shorts at personalized na shirt na nakalagay ay Super Junior na kulay blue na print at white ang kulay ng shirt.
"Sabay ka na?" Sabi ni Luke sakin. Umiling ako bago magsalita.
"May dala akong sasakyan" sabi ko ng nakangiti. Tumango naman siya baho magsalita.
"Okay. Ingat ka sa pagdadrive" naglalakad kami ngayon papunta sa kotse ko nasalikod namin sila Yannie at katabi ko naman si Luke. Pagkadating ko dun sa kotse ko ay hinug ako ni Luke. Nakita ko naman na nakatingin si Xander at Kuya Austin samin kaya humiwalay agad ako.
Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay agad sa sasakyan ko. Tumili naman sila Yannie habang ako ay bumuntong hininga.
"Wah! Look oh! So bagay!" Sabi ni Yannie habang pinapakita ung picture namin ni Luke habang naglalakad at nung hinug ako ni Luke.
"Team Austin pa din ako!" Sabi naman ni Anne.
"Team Xander! Look mas bagay sila!!" Pinakita naman ni Mae ung picture namin ni Xander nung nasa olympic size pool kami. Hala! Sumunod pala sila sakin nun! Nanlaki ang mata ko sa picture pero kesa magreact binayaan ko nalang sila.
"Basta ako team Austin! Look niyo to! Bagay din naman sila ah!" Sabi naman ni Anne. At pinakita ung pagalalay sakin kanina ni Kuya Austin at nung naghihilaan sila ni Luke kanina. Mga baliw talaga tong kaibigan. Gumawa ba naman ng sariling team.
"Pero alam niyo tanging si Jam lang makakapagsabi kung sinong team siya.. Kasi puso niya lang makakapagdecide kung sino ba talaga." Sabi naman ni Sandy
"Ewan ko sainyo! wala! Wala akong pipiliin kasi wala naman nanliligaw sakin at walang nagsasabing gusto nila ako." Sabi ko sa kanila at umiling iling at nagdrive na papunta sa LRT station.
Kinabukasan ay naghahanda na ako para sa pagpunta namin sa Cebu dun kami magpapasko buong pamilya at babalik dito sa bahay bago mag New Year.
Habang nagaayos ako ng gamit ko ay may natanggap akong 3 text mula sa iba't ibang tao. Mula kay Kuya Austin, Yannie at Luke.
Binasa ko muna yung kay Yannie
Yannie : Oi! Jam! Nood tayo sine!!
Nireplayan ko naman siya na hindi ako pwede kasi aalis kami bukas at kailangan ko maghanda.
Luke : Good Morning!
Nireplyan ko din si Luke ng Good Morning. Walang mintis ang Text niya sakin ng Good Morning simula nung sinundo niya ako nung isang araw.
Kuya Austin : Good Morning Jam!
Nagreply din ako kay Kuya Austin ng Good Morning. Di ko lang magets kung bakit ganon din si Kuya Austin lagi akong pinapansin lagi akong tinetext. Oo aminin ko dati may gusto ako sa kanya. Pansinin niya lang ako kinikilig na ako. May kung ano na sa sistema ko ang hindi maayos o laging nagkakagulo. Pero ngayon hindi ko alam. Siguro may mga feelings talaga na nawawala dahil sa tagal ng panahon na hindi ito napapansin.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...