29

204 6 0
                                    


"Ayos ka lang?" Tanong ni Ma'am Alice.

"Opo.." Kanina pa kasi ako inaantok. Walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng speaker. *yawn* Ang late ko na din kasi nakauwi kahapon hindi ko napansin yung oras tapos hindi pa ako makatulog. Tadhana nga naman akalain mo nga naman katabi pa ng room ko ang room ni Xander. Bakit hindi ko siya nakikita?

"Alam mo pumunta ka nalang muna sa hotel. Matulog ka. Total naman may attendance ka na. Bumalik ka mamayang tanghali."

"Ayos lang po?"

"Oo.."

Tumango ako at ngumiti kay Ma'am Alice. Umalis na ako kasi kahit naman nandun ako ay hindi ko din naman maiintindihan pinagsasabi ng speaker. Grabe inaantok talaga ako. Hindi ko kaya ng walang tulog. Nakadagdag pa yung sobrang lamig dito.

Pagkadating ko sa room ay natulog agad ako. Wala ng bihis bihis at nagtanggal nalang ako ng jacket. Nagalarm ako ng 11am para makapagayos muna ako bago makapunta ulit doon.

*knock~ knock~*

Ilang katok pa ay nagising ako.

"Sino ba to?! Istorbo naman!"

Inayos ko ang buhok ko bago ko binuksan ang pintuan.

"Bakit?!" Sabi ko.

"Akala ko may seminar kayo ngayon?"

"Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa kumakatok?"

"Baka may tao kaya kumatok ako."

"Ako lang magisa dito, Xander. Sino naman sa tingin mo ang magbubukas ng pintuan kung nasa seminar ako ngayon."

"Edi wala. Buti nalang nandyan ka. May nagbukas ng pintuan" sabi niya ng nakangisi.

"Ewan ko sayo! I have an hour to sleep." Sabi ko at akmang isasara ko na ang pintuan ng pinigilan niya ito. Pumasok siya ng walang tanong tanong at humiga sa kama ko. Aba matinde!

"Hoy! Ano ginagawa mo dyan?"

"Edi matutulog din. Dali matulog ka na ako na gigising sayo."

"Ayoko nga! Ano ba! May sarili kang room dun ka matulog!" Tinutulak ko siya palayo kaso masyado siyang malakas eh.

"Nagtabi na tayo matulog ngayon ka wag ka ng maarte dyan!" Natatawa niyang sinabi.

Nako! Kung hindi ka lang gwapo kanina pa kita nasapak lalaki ka!

"Matutulog ka ba o titignan mo lang ako?" Sabi ni Xander. Inirapan ko siya at natulog ng nakatalikod sa kanya. Bahala siya inaantok pa ako.

Nagising ako sa alarm ko at pagkagising ko ay wala akong Xander na katabi. Panaginip ba yung kanina o totoo?

Naghilamos ako at nagpalit ng jacket at nagayos bago bumalik doon sa seminar. Maraming tanong sa sarili ko. May mga bagay na nagaalangan pa din saakin. Sabi nila bago mo makakaya na magmahal ng iba ay kailangan walang pagaalinlangan. Kasi hindi mo makakaya magmahal ng iba pag marami ka pang tanong na hindi nasasagot.

Walking distance lang yung place kung saan ang seminar kaya naglakad nalang ako. Pagkarating ko dun ay may inabot na lunch sa kanila. Binigyan naman ako ni Ma'am Alice ng food.

"Kinuhanan na kita." Sabi niya sakin.

"Salamat mam!" Sabi ko at kinuha yung pagkain at inumin.

Gusto ko talaga mga pagkain dito. Tapos hindi pa ako tumataba kahit ang dami kong kainin. Kahit kasi kumain ako ng madami hindi ako nataba kasi malalayo din yung nilalakad ko. Kahit sabihin kong malapit lang ang isang lugar ay sobrang layo na ito sa mga hindi pa sanay maglakad ng ganto kalalayo.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon