Hindi nanaman ako nakatulog ng maayos. Nakatunganga lang ako at hawak hawak ko ang aking labi. My first kiss is a big mistake. My first boyfriend is fake. Gusto ko umiyak kaso ayaw lumabas ng mga luha ko. Nakatulala lang at madaming pumapasok sa utak ko na mismo ako ngayon ayoko na isipin.Tulala pa din ako habang nagiikot kami sa baguio. Sumakay ako sa kabayo kasama si Clowie pero hindi ako kasaya. Hindi ko tinitignan si Xander. Nakauwi kami ng tanghali at iniiwasan ko pa din si Xander. Makasalubong ko man siya pumupunta nalang ako sa kabilang direction. Mali ang nanyare. May girlfriend siya. Kahit san mong tignan mali ang lahat.
Tulala pa din ako habang nagvivideoke sila. Naalala ko nung nagpunta kami sa batangkas at kumanta si Xander. Yung kanta para kay Ericka. Natapos ang pagpapanggap. Naging close kami ni Luke. Sumama man ako o hindi nun. Si Ericka at Xander pa din ang magkakatuluyan. Pero mas maganda siguro kung hindi na ako sumama nun.
Mamaya ay New Year na. Naghahanda na sila at may nakita pa akong buffet sa malapit bonfire.
Nasa loob ako ng bahay sa kwarto ni Clowie. Nagpaiwan muna ako dito. Unang beses ko na hindi magnewnew year sa bahay namin. Unang beses din na makakasama ko mga pinsan ko sa New Year pero ito ako nagkukulong sa kwarto. Kahit anong gawin kong basa dito ay walang pumapasok sa utak ko. Tanging si Xander lang nasa isip ko.
"Ate Riaaaaa!" Galing sa hagdanan ata sumisigaw si Clowie.
Bumukas ang pintuan at nakasuot si Clowie ng dress at nakapumps siya na red tapos white dress na may black na polka dots.
"Tara naaaa." Sabi niya sakin.
"Clowie magbibihis lang ako." Sabi ko sakanya at kumuha ng damit sa bagahe ko at nagpunta sa CR.
Nagsuot ako ng kulay dark green na long sleeves na dress at puting high heels lang suot ko. Malamig sa labas sigurado ako. Nagtali ako ng buhok at sinuot ko yung necklace na binigay ni Xander.
Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko si Clowie na nagaantay sakin.
"Tara na?" Sabi ko at tumango siya. Sabay kaming bumaba at lahat sila ay nakaayos na. Ang dalawa kong pinsan ay nakadress din. Si Luke naman ay naka v-neck shirt lang at naka cardigan. Si Kuya Austin naman ay simpleng polo lang. Hinanap ko si Xander at wala pa siya dun. Wala din si Ericka siguro magkasama sila.
"Bumaba ka din!" Sabi ni Fionna.
"Nandito na sila Xander!" Sigaw ni Tita Clare.
"Tara kumain na tayo kahit konti tapos mamaya kain ulit!" Sigaw naman ni Tita Lorraine na ikinatawa nila.
May letchon, salad, menudo, at iba iba pang filipino foods ang nandun.
Light meals lang kinain ko katulad ng salad at kumuha ako ng saging at mangga. Mamaya ako babawi. Tsaka hindi pa naman ako ganon ka gutom kaya mamaya nalang siguro ako kakain.
May karaoke pala dun at nagsimula silang kumanta. Pinilit pa nila ako kumanta. Lalo na yung mga pinsan ko.
"Riaa! Kanta ka na! Diba nung grade school you really love to sing! Gusto ko ulit marinig voice mo but this time in live. Hindi na sa video lang!" Sabi ni Ciara.
Ilang beses na ako kumanta sa harap ng madaming tao nung gradeschool ako. Sumali ako sa popularity contest nun at kumanta ako para sa talent portion. Ilang beses din ako pinakanta sa iba't ibang event noon. Pero nung naghigh school ay hindi na ako kumakanta.
"Okay. Fine. Kakanta ako." Sabi ko at kinuha ang mic at kinuha ang book kung saan nakalagay ang mga kanta hinanap ko agad ang kantang akma sa saakin. Kanina ko pa to naisip. Ang ikikatakot ko. Gumising ako isang umaga na mahal ko na siya. Itong araw na to. Gusto ko iwan ang taon kasama ng nararamdaman ko kaso mahirap gawin iyon kasi nakikita ko siya.

BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...