11

221 5 0
                                    


Isang tanong na hindi ko masagot. Gusto ko pa ba siya?

"Sa totoo lang Xander. Hindi ko din alam." Sabi ko.

Tuluyan na ako bumaba ng sasakyan ni Xander at nagpaalam ako kila Kuya Austin at Luke. Si Xander naman ay hinawakan ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya at hinug ako. Tapos may binulog siya sakin.

"Alam mo kung gusto ka din niya dapat ngayon palang masama na ang mukha niya at galit siya sakin. Wag kang umasa masyado sa kanya ayaw kitang makita na masasaktan dahil sa kanya." Sabi niya sakin na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung namumula na ako pero ang alam ko ngayon ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung dun ba sa sinabi niya o sa lapit namin sa isa't isa.

Humiwalay na siya sakin at nakatayo lang ako dun nakatigtig sa kanya. "Sige pumasok ka na, bye babe!" Sumakay na siya sasakyan niya pagkatapos niya bumeso sakin. Kumindat at ngumisi naman si Luke sakin at pumasok na siya sa loob ng sasakanyan. Si Kuya Austin naman ay nagpaalam na din sakin.

Hinila na ako ng dalawa para umakyat na sa building namin. Bumalik ako sa ulirat ng bigla silang tumili.

"Waaaaah! Ang sweet niya naman ni xander!!" Sabi ni Anne

"Oo nga girl!! Akala ko ba ayaw niya sayo??" Sabi ni Mae

"Anong nanyare?? Waaah! Kinikilig ako" sabi ni Anne

"Sa wakas! May boyfriend ka na talaga hindi na pantasya lang hindi na kpop, anime, books galing ang boyfriend mo girl!" Sabi ni Mae.

"Baliw! Manahimik nga kayo!" Sabi ko at nauna ako maglakad papunta sa elevator sa kanila. Nilabas ko ang phone ko at nakita ko ang text ni Xander.

From : Xander

Pano ba yan? Mas nauna kang nakaoo sakin. Meaning sakin ka sasama sa sabado.

"Sh*t!" Sabi ko nung nasa elevator na kami. Pero syempre mahina lang yun. Oo nga pala! Naging balisa ako ng makarating kami sa floor namin. May 1 oras pa ang vacant kaya umupo kami sa hallway.

"Ayos ka lang?" Sabi ni Anne.

"Anyare kay Jam?" Sabi naman ni Yannie.

"Hindi ako makakasama sa gig nila kuya Austin sa sabado Anne." Sabi ko.

"Hala! Bakit?" Sabi naman ni Mae.

"May lakad nga pala kami ni Xander. Nakalimutan ko. Sorry, gusto niyo kayo nalang." Sabi ko.

"Ayyy. Gabi pa naman un ahh. Baka naman umaga lakad niyo?" Sabi ni Anne.

To : Xander

San ba ung sa sabado??

Ilang minuto lang ay nagreply siya.

From : Xander

Sa batangas. Overnight un.

Mas lalo akong naging balisa sa sinabi niya.

"Overnight daw guys eh.." Sabi ko sa kanila.

"Pupunta ka pa?" Tanong ni Mae kay Anne.

"Punta tayo!" Sabi ni Anne.

"Okay.. Videohan nalang namin si Kuya Austin para sayo Jam!" Sabi ni Mae.

"Loka! Wag na!" Sabi ko.

"Ano nga pala ung nanyare kanina? Guys" sabi ni Yannie ng nagtataka. Kinuwento ng dalawa ung mga nanyare samin kanina. Napansin din nila na parang nagseselos si Xander. Mukha nga daw gustong gusto na ako ni Xander eh. Ung akala nila na hindi ako gusto ni Xander dati. Bakit daw ganon makakilos un ngayon.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon