Nagising sa gulo ng kama na may tumatalon. "Rise and Shine Ate Ria!" Sigaw ni Clowie. Masakit ang aking mata at mabigat. Late na ako nakatulog sobrang late. 3am kami natapos at tinignan ko ang clock na nakasabit sa wall. Seriously? 7am in the morning."Clowwwwiiieee! Let me sleep first! Will you?!" Sabi ko at tinakpan ko ng kumot ang aking mukha.
"Ate Ria! Kakain na po. We have to go down stairs na." Sabi niya at ginugulo ako.
Dahan dahan akong tumayo. Humikab ako at kinusot ang aking mga mata. Pumunta muna ako sa CR para mag hilamos at mag ayos ng mukha. Sinuot ko ang aking jacket na kulay itim na may nakalagay na HBA. Pagkatapos akong gisingin ni Clowie ay ginising naman niya ang mga pinsan kong tulog na tulog na tulog pa.
Ginulo niya ito at natatawa pa ako ng nagising yung dalawa. Dalaga na si Clowie. Pero minsan hindi siya dalaga magisip. Batang isip pa din minsan. Parang ako lang mature magisip minsan. Minsan hindi.
Kumain kami ng breakfast at unti lang ang nakain ko. Gagala daw kami ngayon at pupuntahan ang Burnham Park, at Mines View Park.
Ilang beses ko na ito na puntahan. Simula bata palang ako. Ilang years din akong hindi na nakabalik dito. Last kong punta sa baguio ay nung retreat namin. Pero hindi naman kami naggala.
Sumakay kami ng boat pagdating doon. Kasama ko ang dalawa kong pinsan at si Clowie si Luke, Cj at Kuya Austin. Si Kuya Austin at Luke ang nagpapagalaw nitong bangka. Ang ginawa lang namin ay magpicture ng magpicture natatawa pa nga kami minsan kasi kung san san namin pinapapunta yung dalawa.
Hindi ko naman maiwasan na tinignan si Xander at Ericka na nasa iisang bangka na may hugis dove at kulay puti ito. Lumalapit pa yung pinsan ni Xander para picturan silang dalawa. Umiling nalang ako at umiwas ng tingin. Mukhang nakakaisang oras na kami kaya bumalik na kami.
Pagkatapos dun ay nagikot ikot muna kami at nakita namin ang mga bike. Hindi ako marunong magbike. Kaya hinayaan ko nalang sila.
"Turuan kita magbike?" Sabi ni Luke sakin.
"Talaga?" Sabi ko at makikita sakin na masaya ako.
Tumango siya at pinasakay ako sa bike. Hinawakan niya ang likod ng bike at habang nagpepedal ako ay hawak niya pa din ang likod nito. Ilang minuto at nakaya kong magbalance. Pero syempre nahuhulog hulog pa din ako. Minsan natatawa nalang.
"Salamat Luke!" Sabi ko nung natuto ako magbike. Nagrenta pa siya ng isa pang bike at sabay kami nagbibike. Maya maya pinuntahan ko ang mga pinsan ko naenjoy na enjoy sa mga ginagawa nila.
"Ang cute niyo!" Sabay pakita sakin ni Fionna ng picture namin ni Luke habang nagbabike.
"Pero mas bagay pa din sila ni Kuya Xander." Pagtataray ni Clowie.
Nanahimik lang ako at pumunta sa tabi ko si Kuya Austin at si Luke.
"Oh." Sabay abot sakin ng softdrinks at chips nilang dalawa.
"Uhmm.." Salamat! Sabi ko at kinuha ko ito ngunit nung kukunin ko na yung kay Kuya Austin ay kinuha niya ito pabalik.
"Kay Luke nalang kainin mo. Haha. Fionna oh! Share kayong tatlo!" Sigaw ni Kuya Austin at binigay doon. Natawa nalang ako at kinain yung binigay ni Luke. Medyo gutom na din ako.
"Tara na!" Sigaw ng mga pinsan ni Xander samin. Sumakay kami sa mini bus at pumunta na sa mines view park.
Pagkapunta namin doon ay naaliw ako sa mga aso na malalaki. May bayad kung magpapapicture ka doon pero wala akong paki. Gusto ko mahug yung dog.
"Dapat may Solo ako!" Sigaw ko sa kanila. Sa lahat kasi ng shot ko at ako ang nagbayad ay sumasama sila. Meron pa dun na pinagpilitan nilang magpicture kami ni Luke at Kuya Austin.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Fiksi RemajaSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...