May mga tao na ayaw na magmahal o sumubok ulit na magmahal kasi paulit ulit ulit na silang magmahal. May mga tao naman na hindi sumusuko hangang mahanap si Mr. Right. Pero ako alam ko na nakita ko na si Mr. Right.
Pagkatapos ng lahat lahat ng nanyare sa Manila ay bumalik na ako ng Cebu. Nagpasya kami ni Xander na dun muna siya Manila para asikasuhin ang trabaho niya at mailipat lahat ng gawain niya sa Cebu. Isang linggo lang naman daw eh. Kaya hinayaan ko na.
Si Yannie, bago ako umalis sa Manila ay nagpromise siya na titigilan niya ang pagiyak sa isang taong walang kwenta. Nagpagupit din siya at lalong lumabas ang kagandan niya. Makakahanap din yan si Yannie ng ibang mas okay ung taong hindi siya sasaktan at ipagpapalit.
"Yannie, pagnagkita ulit kayo nila Trisha. Kumalma ka ah! Baka ikaw lang mapahamak pag ano eh." Sabi ko.
"Promise! Hindi na ako mananabunot or what. Hindi ko na din aalahanin si Sean. Wala na akong pakielam sa kanila. Hindi sila worth it." Sabi ni Trisha.
Si Anne naman at Mae, masaya sa kanya kanya nilang lovelife nung umalis ako ibinilin ko na din na wag muna nila iwan si Yannie para maging masaya dalin sa public ba lugar at makipagmeet.
Isang buong linggo na wala si Xander sa tabi ko ay para sakin ay tahimik na linggo. Walang nangungulit at bumubuntot sakin. Naging busy ako sa trabaho kasi isa ako sa mga nagprepresent sa mga clients ngayon. Kasama pa din ako sa isang team kaso napagdesisyonan ng team na ako nalang ang magpresent. Naging maayos naman un.
Tumawag sakin si Xander na hindi daw siya makakauwi agad. Na madami pa daw siyang inaasikaso ngayon. Sinabi din sakin ni Tita Lorraine na busy nga si Xander.
"Kailan ba talaga balik mo?" Sabi ko kay Xander.
"Babalik din ako, medyo busy lang talaga."
"Bakit? Nagagawa mo naman yan dito ah!" Sabi ko.
"Ang dami kong kailangan ipatransfer at kailangan nandito ako."
"Namiss lang kasi talaga kita." Sabi ko.
"Miss mo na ako? Teka magpapabook na ako ng flight!" Sabi ni Xander sa kabilang linya.
"Weh?!" Sabi ko.
"Promise! Babalik din ako. Magugulat ka nalang isang umaga nandyan na ako sa tabi mo." Sabi nito sakin. Akala ko naman babalik na siya dito sa Cebu. Sinubukan kong hindi maging clingy pero kasi miss ko na talaga siya eh.
Isang buwan, isang buwan na siya sa Manila. Monthsary namin ay tanging skype lang.
Ginawa ko nalang busy ang sarili ko kesa isipin ng isipin kung kailan ba talaga balik ni Xander kasi miss na miss ko na siya! Yung isang linggo nga eh isip na ako ng isip sa kaya. Mag dadalawang buwan pa kaya na malayo ako sa kanya? Di kaya may iba to? Di naman siguro! Subukan lang niya! Nako! Nako!
"Good Morning.." Sabi ni Xander. Panaginip ba un o totoo? sa panaginip ko ay kiniss pa ako ni Xander.
"Gising na.." Sabi ni Xander. Ha? Teka totoong nandito ba siya? Ayoko! Ayoko dumilat! Baka mawala siya.
"Oi! Jam! Gising na.." Sabi naman niya ulit. Dahan dahan kong minulat ang mata ko.
"XANDER?!" Totong nandito na siya ulit? Hindi panaginip. Kinusot ko ang mga mata ko at nakita ko siya. Kinurot kurot ko pa ang pisnge ko baka kasi na nanaginip lang ako.
"Xander!" sabi ko sabay hug sa kanya.
"Namiss mo ko?" Sabi ni Xander.
"Sobra!" Sabi ko.
"Ako din!" Sabi niya sakin.
"Akala ko may iba ka na. Akala ko iiwan mo na ako." Sabi ko.
"Hindi un kailan man mangyayare! Aalis tayo kaya maligo ka na." Sabi ni Xander.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Fiksi RemajaSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...