17

202 3 0
                                    

Nauna akong nagising kila Ciara at Fionna kaya naman bumaba agad ako at pumunta sa pool area. Tinext ako kagabi ni Mama na dun muna siya kila Tita matutulog at dun na sa room namin sila Fionna, Ciara at Cj matulog.

Nakasuot ako ngayon ng one-piece na swimsuit na kulay puti at itim na boardshorts. Pabalik balik nanaman ako sa magkabilang dulo ng pool. Pagkatapos kong pagurin ang sarili ko sa kalalangoy ay umupo ako sa isang beach chair. Sinuot ko ang sunglass ko at nagpahinga.

Iniisip ko lang bakit ba hindi nalang si Luke ang gustuhin ko? Pero teka mapipili ko ba yun? Masasabi ko ba yun sa puso ko na si Luke nalang? Ay hindi! Bakit mo sasabihin sa puso mo? Love mo na ba si Xander? No!

"Hoy!" Sabay tulak braso ko ni Fionna.

"Ay Xander!" Napahawak ako sa bunganga ko sa nasabi ko.

"Sino si Xander?" Pagtatakang tanong ni Ciara. Habang naglalakad papunta samin.

"Wala wala iniisip ko lang kasi yung susunod na mangyayare sa forevermore." Pagpapalusot ko.

"Haha ang lalim ng iniisip mo tapos yung palabas lang sa forevermore?" Sabi ni Ciara

"Oo nga! Diba yung bida dun si Xander. Oo tama si Xander!" Sabi ko.

"Ewan ko sayo Ria! Kanina ka pa ba dito? Di mo man lang kami ginising." Sabi ni Fionna.

"Tulog mantika kayo eh." Sabi ko naman. Hinanap ko si Cj kung anjan din ba siya kaso mukhang tulog pa ata.

"Tulog pa si Kuya. Nagtext sakin si Mommy kanina na dun daw tayo magdidinner sa waterfront. Tapos babalik dito para matry yung mga activities dito." Sabi ni Ciara. Tumango nalang ako at tinignan ko ang nagtext sakin.

Luke : Good Morning!

Hindi ko nireplyan si Luke at nagswimming nalang ulit ako. Nakapang swimming na din yung dalawa kong pinsan. Si Fionna naka blue na two-piece at si Ciara naman one-piece na kulay Black. Slim ang dalawa kong pinsan kumpara sakin. At kahit mas matanda ako kay Ciara ay mas matangkad siya sakin.

Habang picture kami ng picture at si Ciara naman ay pinopost agad sa Instagram niya ang mga pictures namin ay bumaba si Cj sa may pool area.

"Ngayon ka lang nagising?" Sabi ni Fionna. Magdadalawang oras na ako dito samantalang sila isang oras palang. Kaya nakikita ko na ang tan line ko.

"Medyo.. Aga aga naman swimming agad" mataray na sinabi ni Cj

"Nakaupo kami ni Fionna sa beach chair at si Ciara naman nakababad sa pool kaya si Cj na nakatayo sa harapan namin ay binasa ni Ciara. Nagsitawanan kami at nagpasyang maglaro nalang muna sa tubig. Pagkatapos namin magswimming ay umakyat na kami sa room namin para maghanda pumunta sa waterfront.

Nakaputing dress ako at suot ko ang kulay green na close shoes ko. Sinuot ko din ang rilakkuma na necklace ko. Samantalang si Ciara ay naka crisscross crop top na puti at skater skirt na kulay itim. Si Fionna naman na skinny jeans at white see through blouse at naka sando sa loob na itim. Si Cj naman ay naka navy blue v-neck shirt at jeans.

"CJ! Bakit hindi ka nakaputi?" Sabi ni Fionna

"Kailangan ba?" Sabi maman ni Cj

"Para nga pereperehas tayo eh!" Sabi ni Fionna

"Eh! Hayaan mo na! Kayo nalang mag picture akin na!" Sabi ni Cj

"Fine!" Sabi ni Fionna

Nagpicture muna kami bago umalis. Hindi ako mahilig magonline kaya si Ciara na ang nagpost at tinag nalang kami.

Tinext ni Ciara ang mommy niya na nasa waterfront na kami. Ang akala kong mommy niya ang susundo saamin ay nagkakamali ako. Si Luke na naka polo na kulay navy blue at naka jeans lang. Simple lang siya pero makikita mo ang kagwapuhan niya.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon