Bigla nalang tumulo ang luha ko habang naririnig kong nagumpisa itong kantang Almost.
"Can you tell me
How can one miss what she's never had
How could I reminisce when ther is no past
How could I have memories of being happy with you boy
Could someone tell me how can this be
How could we celebrate a love that's to late
And how could I really mean the words I'm bout to say... "
Bawat salita ay damang dama ko.
"I miss the love that was almost there.."
Almost..
Tuwing napapankingan ko itong kantang to. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa din ako. Kung bakit kailangan maaalala ko pa din siya.
Ngayon na balitaan ko mula kay Tita Lorraine na pupunta sila dito kung nasaan ako ay natatakot ako na baka makita ko tong lalaking naiisip ko tuwing naririnig ko ang almost.
Hindi ko naman sinasadya na magustuhan ko siya. Na sabihin ko sa harapan ng mahal niya na gusto ko din si Xander. Ayokong masira ang isang relasyon na ako ang sanhi. Pero natatakot akong makita siya kasi GUILTY ako. May Guilt pa din akong nararamdaman. Kasi feeling ko dahil sakin kaya naging malabo ang lahat.
Nakahiga pa din ako sa kama ko. Nagiisip. Sumisikip at sumasakit ung puso ko pag iniisip ko siya. Yung parang hindi ka makahinga. Yung unting push nalang lalabas na ung luha na pinipigilan mo. Hindi ko na alam gagawin.
"Jam!" Sigaw ni manang galing sa baba.
"Bakit po?" Sigaw ko naman pabalik.
"Kain na!" Sabi niya. Nasa Cebu ako ngayon. Magdadalawang taon na din ako dito nagtatrabaho.
"Pababa na po!" Sabi ko ng pasigaw.
"May tumawag nga pala dito kahapon." Sabi niya ng pinaghahanda ako ng pagkain.
"Sino po?"
"Lorraine ata. Oo tama Lorraine ang pangalan." Sabi niya.
"Si Tita Lorraine po?" Gulat ko itong sinabi. Medyo matagal na din kami hindi nagkikita ni Tita Lorraine. Siya ung mommy ni Xander. Bago ko makilala si Xander ay naging close ko na si Tita Lorraine at ung kapatid niyang si Clowie at ate Coreen.
"Hindi ka daw kasi niya macontact sa phone mo. Kaya dito na daw siya tumawag. Bilin niya pupunta daw dito ung buong pamilya nila sa Cebu. Sana daw makita ka niya at ang mommy mo kasi miss ka na daw nila."
"Pati si Xander pupunta dito?" Pabulong ko na sinabi. Alam kong pupunta sila dito pero pati kaya siya kasama?
"Ha?" Sabi ni manang.
"Ahh wala po." Sabi ko.
"Good morning, couz!" Sabi ni Ciara. Ang pinsan kong mas bata pa sakin. Kasama niya si Fiona. Isa ko pang pinsan siya pinakamatanda samin magpipinsan. Pero ayaw niyang tinatawag siyang ate.
"Oh? Ano ginagawa niyo dito?" Sabi ko.
"Uhmm. Gala tayo!" Sabi ni Ciara.
"Anong nanyare sayo? Bakit para kang balisa dyan?" Sabi naman ni Fionna.
"Pupunta sila dito." Sabi ko naman na nakatulala.
"Who?" Maarteng sabi ni Ciara.
"Sila Xander??" Pasigaw na sinabi ni Fionna. Na parang shock na shock.
"Hindi ko alam kung kasama siya pero pupunta sila Tita Lorraine dito." sabi ko.
"It's been what? 2 years. Do you think naalala niya pa un?" Sabi ni Ciarra.
Kinuwento ko kasi sa kanila ang lahat at minsan na nilang nakilala ang buong Dela Vega. Iniwan ko si Xander simula ng nalaman niya na may gusto at nararamdaman na ako sa kanya. Pilit ko mang iniwasan hindi ko magawa kasi pag ako na ang umiwas, siya naman ung lumalapit sakin. At nung nagkabalikan sila. Aaminin ko nasaktan talaga ako, kaya mas pinili kong lumayo. Nadamay pa kasi ung bestfriend niya eh. Kaya I have no choice. Kahit sabihin nasa iisang bansa lang kami. Gusto ko mapalayo muna sa kanya.
Ngayon baka magkita pa kami ulit. Hindi ko na alam gagawin ko. 2 years ago na pero bakit ganto pa din. Matagal kong hiniling na sana hindi nanyare ung Isang Umaga na un. Para hindi ganto.
"Pano nga ulit kayo nagkakilala ni Xander?" Sabi ni Ciarra.
"Dahil kay Tita Lorraine.."
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...
