Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinabi ko sa ibang tao ang nararamdaman ko kay Xander.Tumango lang si kuya Austin at ngumiti.
"Wag kang susuko ahh. Hindi pa siguro ngayon.. Pero wag mong susukuan ang nararamdaman mo sa kanya.." Sabi niya at tumayo. Naglakad siya papasok at naiwan akong nagiisip. Ano yung sinabi ni Kuya Austin? Bakit? Ha?
Tulala lang ako dun at nung narealize ko na nagugutom na ako ay nagdecide ako pumunta ng kusina. Naabutan ko sa dinning table na nakaupo na sila. Isang mahabang lamesa ang nandoon at madaming upuan. Kumaway sakin si Ciara at tumabi ako sa kanila. Nakafocus lang ang mga mata ko sa kanila. Kasama na nila si Clowie doon at mukhang magkaaway si Clowie at Cj.
Iniirapan pa ni Clowie si Cj. Problema nitong dalawa?
"Anyare?" Sabi ko kay Ciara ng makatabi ako sa kanya.
"Inaasar ni Cj si Clowie kaya napikon. Nagaaway."
"Cj! Tigilan mo yan ahh!" Sabi ko.
Tinignan ako ng masama ni Cj at umirap. Inirapan ko nalang din siya kahit hindi siya nakatingin sakin. Kumain lang kami at tanging maingay lang ay tita't tito ko na kausap ang mga De La Vega at Ramos.
Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang paglalandi ni Ericka kay Xander at sige subo ng pagkain nito kay Xander
"Ano ba yan! Para naman hindi marunong kumain.." Sabi ni Fionna.
"True ka dyan! Couz!" Sabi naman ni Ciara.
"Marinig kayo.. Ano ba!" Sabi ko.
Hindi ko nalang sila pinansin ni Xander. Mi-hindi ko nga matignan o matiis man lang ang kasweetan nila.
Nagdadalawang isip ako kung aakyat na ako o hindi pa. Kasi medyo bastos naman kung aalis na ako agad. Tinignan ko nalang ang aking plato na wala ng laman at pinaglaruan ito.
Mi-isang beses ay hindi pa ako kinakausap ni Luke. Dahil ba dun sa nanyare? Hindi ako sanay na hindi ko siya makausap. Syempre naging kaibigan ko din siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.
Ako : Galit ka?
Tinignan ko siya at nakita ko na kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang nagtext sa kanya. Sumimangot ako ng tinago niya lang muli ang cellphone niya.
Ako : oi! Bakit?
Hindi niya tinignan ang cellphone niya. Siguro alam niya na ako yun. Haay. Sige kung ayaw niya magreply di wag.
Ilang saglit pa ay natapos ang lahat kumain. Madilim na din kaya nagpasya ang iba na magmovie marathon nalang kami. Yung iba naman gusto mag bonfire.
Ako. Gusto ko magkulong sa kwarto at matapos na tong araw na to. Ano pa ba ang mas lalala sa sakit na nararamdaman ko? Makita ang gustong gusto ko na may mahal na iba o makitang umiiwas saking ang isang taong nagkakagusto sakin matapos niyang sabihin gusto niya ako.
"Tara! Bonfire nalang!" Sabi ni Ericka.
"Ayoko nga!" Sabi ni Clowie.
Nung wala na yung mga matatanda at kami nalang ang mga teens dito ay nagsamasama kami at naguusap usap kung anong gagawin namin. Si ate Coreen at ang kanyang asawa ay hindi sumama kasi sinabi niya na hindi pwede pa sumama si Jamie. Hiniyaan nalang namin sila at nagpaalam sa cute na cute na si Jamie.
"Eh, what do you want to do ba?" Sabi ni Ericka ng medyo mataray siguro naiinis na siya kay Clowie kanina pa kasi siya tinataray ni Clowie.
"Ate Ria! Let's watch a movie!!" Sabi ni Clowie sakin sabay hawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...