33

152 6 1
                                    

Chapter 33

"Yehey!!!" Sabi ni Tita Lorraine habang pumapalakpak siya. Nakita ko sila lahat sa gilid ng pool na nakangiti at pumapalakpak.

"Sa wakas! Kayo na din!" Sabi ni naman ni Fionna.

"Yehey! Sila naaaaa!" Sigaw naman ni Clowie.

"Tara, dun na tayo sa kabila magcelebrate. Kayong dalawa sumunod na kayo." Sabi ng daddy ni Xander at nakangiti siya samin.

"Opo." Sabi ko ng nakangiti.

Humawak sa baywang ko si Xander.

"Ang saya saya ko." Sabi niya sakin ng pabulong malapit saaking tenga.

"Alam ko." Ngumisi ako sa kanya.

"I love you.." Sabi niya sakin at hinarap niya ako.

Ngumiti ako at alam ko nagbablush ako. "I love you too." Hinug ako muli ni Xander.

"Tara na.." Sabi ko at magkahawak kamay kaming pumunta dun sa may garden.

Nang makita kami ni Ericka ay lumapit siya samin kasama si Luke. Nakapulupot ang braso ni Ericka sa braso ni Luke. Nakangiti siya samin.

"Congrats!" Sabi ni Ericka.

"Congrats, bro!" Sabi naman ni Luke kay Xander.

"Buti nakaattend kayo ng wife mo!" Sabi naman ni Xander.

"Nung kinasal kayo. Andun si Xander?" Sabi ko. Nacucurious lang kasi ako.

"Oo, kasama lahat ng mga friends namin. Nandun nga yung isa mong friend eh. Kasama ni Harold, malayong kamaganak pala namin si Harold. Tapos si Kuya Austin at si Ate Dianne nandun din. Ininvite ko sila at ni Luke. Sayang talaga wala ka." Sabi ni Ericka. Walang bahid nakaplastikan niyang sinabi.

"Hindi kasama ni Sean si Yannie?" Sabi ko.

"Hindi eh.. Kasama ni Sean si Trisha." Sabi naman

"Break na sila?" Gulat kong sinabi.

"Hindi ko alam.. Wala naman sinasabi sakin si Trisha about Sean and Yannie eh. I really don't know. I think you should call, Yannie." Sabi ni Ericka.

"Si Trisha na ba at Sean?" Sabi ko.

"A-alam ko sila." Sabi niya.

Ano nanaman kaya ginawa nung Trisha na un! Ngayon palang hindi ko pa alam ang rason sa mga nanyayare ay naasar na ako. What more kung malaman ko pa?

Pero bakit kaya hindi sakin sinabi ni Yannie. Nakaplano na ang pagbalik ko ng Manila sa February. Isa kasi nanaman ako sa pinadala ng kompanya para umattend sa isang seminar nanaman doon. Magandang opportunidad na din ito dahil madami akong natutunan.

Ilang araw matapos ang nanyare ay nakapagusap din kami nila Yannie. Mukha naman siyang masaya at maayos. Pupunta daw sila nila Anne at Mae sa Baguio sa makalawa.

"Waaah! Nakakainggit naman kayo!" Sabi ko.

"Bumalik ka na din kasi dito sa Manila!" Sabi ni Yannie.

"Pero seryoso Yannie. Ayos ka na?" Sabi ko.

"Ayos lang ako, Jam. Pumunta ka na kasi sa Manila. Promise, ikukwento ko lahat ng nanyare. Pero alam mo, Jam. Wala na akong pakielam eh. Isaksak ni Trisha si Sean sa baga niya. Nakakapagod na din kasi lumaban ng ikaw lang magisa ang lumalaban. Wala akong magagawa kundi magparaya, wala eh may past sila eh." Sabi niya sakin.

"Promise, masaya ka na?"

"Oo naman! Ako pa! Oi! Magoonline daw si Mae skype daw tayo!" Sigaw niya sakin sa kabilang linya.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon