9

199 5 0
                                    


Pagkatapos ng birthday ni Ericka. Mas lalo akong naging busy sa lahat. Sa org ko, sa school at extra-curricular activities.

"Jam, kayo muna pumunta sa meeting ah." Sabi ng president namin sa org.

"Okay."

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From : Xander

Busy?

Hindi ko nalang pinansin. Ayoko kasi talaga pumunta dun sa sinasabi niya kaya lahat ginagawa ko para iwasan siya.

7pm ang uwian namin. Nasa bago kaming building. Nagulat ako ng pagbaba namin ng hagdanan ay nakita ko ung sasakyan ni Xander. Kasama ko ung mga kaklase ko at nagulat sila ng napahinto ako.

"Jam.." Sabi ni Yannie.

"Si Xander ba un?" Pabulong na sinabi ni Anne

Hindi ko sila napansin kasi nakatingin ako kay Xander. Ano ginagawa niya dito?

"Bakit?" Lumapit ako sa kanya. Sa labas ng sasakyan niya nakasandal siya. Feeling model!! Pero gwapo naman talaga siya. Kaya ung mga babae at ibang pababa ng building namin ay nakatingin sa kanya. Naka white vneck shirt siya at maong pants lang pero kapansin pansin na siya. Oo na binabawi ko na sinabi ko kanina na feeling model siya. Para talaga siyang nasa photoshoot ngayon. Sa tindig niya palang.

"Ngayon lang tayo ulit nagkita yan na ang pambungad mo sakin." Sabi niya.

"Natural! Bakit ka nga nandito?"

"Sinusundo ka.. Ano pa nga ba?" Sabi niya.

"Bakit mo sinusundo?" Sabi ko.

"Ehem! Ehem!" Dami kong tanong kaya hindi ko napansin ang mga kaibigan ko. Nasa likod ko pala.

Narinig ko pa ung ibang di na kakakilala kay Xander. Yung mga bulong bulungan nila kung boyfriend ko ba un.

"Xander mga kaibigan ko pala.." Sabay pakilala ko sa kanila. Andami pala namin dito kanina pa pala sila nakatayo sa likuran ko. "Tapos syempre kilala mo na sila Yannie, Anne at Mae" sabi ko

"Hello!" Bati nila at nginitian lang sila ni Xander.

"Wala ka na bang ibang kaibigan o kapatid na kasing gwapo mo?" Sabi ni Mae na ikinabigla ko. Kaya siniko siya at pinandilatan.

Natawa naman si Xander kay Mae.

"Haha! Meron naman gusto mo ipakilala kita?"

"Sure!" Sabi ni Anne.

"Nako magtigil nga kayo!" Sabi ko. "Guys sige kay Xander na ako sasabay. Bye! Alis na kami ahh!" Dugtong ko sakanila at nagpaalam na din sila sakin. Tignan ko sila umalis at sumakay na ako sa saksakyan ni Xander.

"Ganon pala ung mga kaibigan mo no??" Sabi ni Xander

"Anong ganon?" Sabi ko.

"Hindi mataray. Pano kaya nila nasasabayan katarayan mo?" Napatingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay.

"Ewan ko sayo! Alam mo ba kung gano katraffic dito?" Sabi ko

Tinext pa ako ni mama na si Xander na daw magsusundo sakin. Aba!

"At sinabihan mo na din pala si Mama na ikaw magsusundo sakin?? Ano nanaman ba? Kung tungkol to dun sa party na sinabi mo. no pa rin"

"Sige na please" napabuntong hininga ako. Sabi na nga ito nanaman un. Sa sabado na kasi un tapos thursday na ngayon.

Hindi ako umimik kaya pinaandar niya ung sasakyan. Sabi na eh traffic. Nararamdaman ko na nakatingin siya sakin. Kaya napatingin din ako sa kanya.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon