27

251 6 0
                                    


"Umalis ka nalang bigla?" Sabi ni Ciara. Tumango ako.

"Eh akala ko ba inamin mo sa kanya na mahal mo siya?" Sabi naman ni Fionna.

"Oo inamin ko. Sumulat ako sa kanya bago ako umalis papunta ng airport. Dinaan ko sa bahay nila." Sabi ko.

"Anong nakalagay??" Sabi ni Fionna.

"Nakalimutan ko na yun! Ano ba? It's been what? 2 years ago?"

"Pero wait! Akala ko ba nagbalikan si Xander at Ericka kaya ka pumunta dito sa Cebu??" Sabi ni Ciara.

"Nung huli naming pagkikita ay gabi din nun at nalaman ko mula kay Janice na nagkabalikan nga sila. Sinabi din ni Teddy na hindi daw masaya si Xander kay Ericka na parang pinipilit lang niya ang sarili niya mahalin ang isang taong hindi naman niya na talaga mahal." Sabi ko sa kanila.

"Eh pano yun! Pupunta sila Tita Lorraine dito. Kasama si Xander??" Sabi ni Fionna.

Nagkibitbalikat ako. Hindi ko alam kung bumalik na ba siya galing Davao. Hindi ko din alam kung asan si Luke. Simula nun, hindi siya nagpakita.

"Kamusta na nga pala si Luke??" Sabi ni Fionna.

"Laging busy yun!" Sabi ni Ciara. Dumating si Cj habang nagkukwentuhan kami.

"Napadaan ka?" Sabi ko kay Cj.

"Tara kain!" Sabi ni Fionna. Actually, kanina pa kami kain ng kain dito. Wala na nga kaming ginawa kundi kumain ng kung ano ano eh.

Mahirap na masaya ang naging simula ko dito sa Cebu. Nakakaintindi ako ng bisaya pero hindi lahat naiintindihan ko. Pamali mali pa ako mg direction minsan. Sa isang buwan kong stay dun buti nalang nakabisado ko din! Maliit lang naman ang Cebu pero syempre hindi pa rin ako magaling sa directions. Matapos ang isang term na nawala ako sa Manila. Sila Mae sa Manila ay grumaduate na, kaya wala pang isang taon ay bumalik ako muli sa Manila. Tatlong araw lang ako doon at babalik nanaman ako ng Cebu. Busy ako sa trabaho ko at madami pang kailangan idesign. Team kasi kami, kung saan gumagawa kami ng android application at may isang bahala sa UI (user interface). Tulad ng sabi ko dati na hindi ako mahilig magprogram. Mas gusto ko magdesign ng magdesign.

Nandito ako ngayon sa paaralan kung saan ako grumaduate. Naalala ko tuloy yung pagsundo sakin ni Xander at Luke malapit sa gate 4 na lagi silang nakapark dun.

Nakadress ako ng kulay puti at nilagyan ko mg kulay pulang belt bilang accessory ng aking damit. Tapos naka-itim ako na pumps. Nakapakulay ako ng buhok na kulay brown at nagpakulot ng natanggap ko ang pangalawang sweldo na nakuha ko. Patapos na ang graduation ng dumating ako dun. Masyado kasing traffic kaya sobrang late ako. Ayoko naman magtrain kaya nagdala ako ng sasakyan ko. Namiss ko din ang Manila kahit ilang buwan palang akong aa Cebu.

"Waaah! Jamella Ria Salvador! OMG! You are sooooo late!" Sabi ni Anne sakin sabay yakap. Niyakap ko din si Mae at Yannie. Namimiss ko sila!

"Traffic teh!" Sabi ko sa kanila.

"Hay nako talaga!" Sabi naman ni Mae.

"Tara na! Teka! Kanino ka aattend ng celebration? Kila Anne o Mae?" Sabi ni Yannie. Napatingin ako sa kanya. Hala! mamimili ako? Kumunot tuloy ang noo ko sa sinabi niya.

"Syempre joke lang! Si Mae hindi muna magcecelebrate kasi sa Batangas pa bale bukas ang uwi nila sa Batangas. Kaya.. Kila Anne muna tayo. Tapos mamaya mag Eastwood tayo! Kailan nga pala balik mo sa Cebu?" Sabi ni Yannie.

"Bukas agad ng gabi." Sabi ko.

"Ibig sabihin hindi ka makakasama sa Batangas?" Sabi ni Anne.

Umiling ako at malungkot ang naipakita ko sa kanila.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon