"My mom wants you for me.." paulit ulit na sinasabi ng utak ko parang prinoprocess ang bawat salita na sinabi ni Xander. I think that explains everything. That's why..
"Hoy! Ayos ka lang?" Sabi ni Anne sakin.
"Kanina pa yan tulala" si Mae naman ang nagsalita. Habang kumakain ng fries.
Nasa may cafeteria kasi kami ngayon. Wala lang pampalipas ng oras may 2hrs break kami at tapos na kami maglunch.
"May nanyare ba?" Sabi naman ni Yannie
"Wala naman. Ewan ko nakakapagtaka lang. Lahat kasi sila sinasabi na gusto ako ni ganto para sa ganyan. Eh si ganyan ayaw naman sakin. Ayaw ko na din sa kanya!" Iritado kong sinabi. Hindi ko naman dapat isipin un pero bakit bumabakabag sakin.
"Ganto..ganyan.. Ano?" Sabi ni Yannie. Sabay tawa nila at sigaw sakin.
"HINDI KA NAMIN MAINTINDIHAN!" Sabay na sinabi ni anne at mae
Kinuwento ko sakanila ung mga nanyare nung nagdaan araw. 2 days na din kasi nakakalipas un pero kasi hindi maalis sa isip ko ung pinagusapan namin ni Xander
"Pero kahit gusto ka ng parents ko para sakin. May iba akong gusto kaya wag kang umasa." sabi ni Xander
Napatingin ako sa kanya ng masama. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tumaas ang isang kilay ko. Naiinis ako sa kanya! Yabang! Oo gwapo siya pero wag naman niyang isipin na magugustuhan ko siya at aasa ako na magkakatuluyan kami kasi gusto ng nanay niya. Baliw ba siya?!
"Sino ba may sabing aasa ako? Ha?" Sa isip isip ko lang ang yabang yabang talaga nitong lalaking to. Sobrang yabang! Argh! "Salamat sa paghatid. Pero sana wag kang magassume na magugustuhan kita. Kasi feeling mo ang gwapo mo." Sinabi ko bang ang feeling niya? Umiling ako. Ewan ko. Kung ano ano nalang lumalabas sa bibig ko sa sobrang asar ko sa kanya. Sa mga sinabi niya.
"Wala akong sinasabing ganon. Pero ayoko lang umasa ka. We can be friends but more than that. It will never happen. Gusto ko lang klaruhin na may iba akong gusto." I get it! No! I don't think na kahit kaibigan! Hinding hindi kita magiging kaibigan! Ever!
"Sige umalis ka na thank you!" Hindi ko na siya muli nilingon at bumaba na ako sasakyan niya at pumasok sa loob ng bahay.
"Ahhh! So ganon pala ang nanyare.." sabi ni Yannie
"San ba nagaaral si Xander?" Sabi ni mae
"Gwapo ba un?" Sabi naman ni anne
"Ilang taon na siya?" Tanong ni Yannie.
Ilang pang tanong ang tinanong nila sakin bago sila nanahimik. Kinuha ko nalang ung phone ko at pumunta sa facebook na app tapos sinearch ang pangalan ni Xander.
"Hmmm. Oh tignan niyo." sabi ko sabay pakita sa FB account nung Xander. Inaadd ako ni Luke at ni Xander sa FB pati na din nung iba pang nakilala ko sa birthday party niya. Nagulat na nga lang din ako na pati ung Ericka inadd ako.
"Gwapo teh!" sabi ni Yannie
"Tapos sa Enderun pa nagaaral!" sabi naman ni Anne
"Ano naman ngayon?" Mataray ko na pagkasabi.
"Un nga lang di ka type.."sabi ni Mae na tumatawa pa. Alam ko naman un eh sapakin ko kaya to!
"No comment. Wala na akong pakielam dun!" Sabi ko.
"Weeeeeh?!" Sigaw nilang tatlo sakin.
"Wala ka ba talagang nararamdaman dun??"matalim na tingin ni Mae sakin. Na parang pinapaamin ako.
"W.A.L.A" sabi ko
"Jam.. May tumatawag sayo oh." Sabi ni Anne. Nakapatong na kasi ung phone ko sa lamesa namin. Hindi ko napansin na may tumatawag kasi naka-silent ito.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...