"Mommy. Hindi pa kami. Soon, maybe" sabi ni XanderKumunot naman ang nuo ko at WHAT THE HELL? Soon maybe?
"Ayos ka lang??" Sinagawan ko sa Garden nila si Xander matapos namin makausap ang nanay niya.
"Bakit?"
"Soon? Alam mo pwede bang walang makaalam nitong pagpapanggap natin. Bukod sa mga kaibigan mo? Pwede bang wag idamay ang parents?" Nanliit ang mata ko sakanya at umirap ako.
"Chill! It's not like sasabihin ko sa kanila. Masyado tataas ang hope nila na magkakatuluyan tayo someday."
"Bakit sa sinabi mo hindi ba?"
"Okay okay sorry dun. Pero anong magagawa ko?"
Anong magagawa niya? Ha? Ahh baka naman ano magagawa niya sa sinabi niya na. Oo tama un nga! Pero wait teka!! Mataas na ung hope nila samin dalawa ni Xander?
"Xander, gusto ba talaga nilang magkatuluyan tayo?" Sabi ko. Ewan ko nacucurious ako.
"Oo, kaya nga may bago silang negosyong gagawin ehh." Sabi niya. Kaya pala kami tinutulungan ni Tita Lorraine.
"Ahhhh. Ganon pala" sabi ko
"Ate Ria?" Tawag sakin ni Clowie nung nakita niya kami ni Xander na naguusap dito sa Garden nila. Nakabihis na siya tapos na ata sila magswimming. Malamang Jam nakabihis na siya diba. Gusto ko pa sanang tanungin si Xander. Madami akong gustong tanungin. Bakit ako? Bakit ako ang gusto ni Tita Lorraine sa kanya? Ano ba ginawa ko? Ano ba nanyare?
"Bakit Clowie?" Hinayaan ko nalang yung mga tanong sa utak ko ng bumaling ako kay Clowie.
"Tara ate Ria. Tulungan mo na po ako. Pauwi na din po kasi mga kaklase ko eh" sabi niya
"Okay sige." Tumayo na ako sa inuupuan ko tapos hinawakan ni Clowie ang kamay ko kaya sabay kaming pumasok sa bahay nila. Di ko na pinansin si Xander at pumasok na ako agad.
Medyo hindi ko napansin na gabi na pala. Pagkatapos kong turuan si Clowie sa Alegbra. Hinatid na ako ni Xander sa bahay. Hindi na ako nakikain sa kanila kasi sabi ni Mama na dun na ako sa bahay kumain.
"Sure ka ba na di ka na kakain dito?" Sabi ni Tita Lorraine
"Opo, tita. Thank you po" sabi ko sabay ngiti sa kanya
"Nagbake nga pala ako kanina ng cookies." Sabay abot sakin ng isang nakatupperware na cookies."para sainyo yan. Ay nga pala! Kailan uwi ng tatay mo?"
"Hindi ko pa po alam eh. Itatanong ko nalang po kay Mama" sabi ko ng nakangiti.
6:00 pm na din ako nakabalik sa bahay at dating gawi. Walang imikan kami ni Xander pero nagulat ako nung nagsalita siya nung nasa harap na kami ng bahay ko.
"Ano oras class mo bukas?"sabi niya.
"Bukas? 10am. Bakit?" Sabi ko. Ano nanaman ba balak nito?
"Ahh sige. Anong oras umaalis ng bahay."
"Secret! Basta. Bye!" Sabi ko at bumaba na ako agad. Dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Di ko din sasagutin tanong niya.
Pagkatapos namin kumain ay nagstay na ako sa kwarto at nagmuni muni. Tumawag sakin si Clowie at nagkwentuhan lang kami about sa mga bagay bagay. Katulad ng pagkakacrush niya dun sa isa sa classmate niyang snob daw at magaling kumanta.
"Bakit ano bang nanyare?"
"Kasi naman ate Ria. Mag hehello palang ako susungitan na ako pero ayos lang naman un. Kasi dahil sa pagkasungit niya dun ko siya naging crush."
Tapos kinuwento niya din sakin ung kay Ericka at Xander. Pero ayaw niya daw kay Ericka kasi medyo may pagkamaldita daw talaga. Pero sabi ko parang di naman kasi nung nakita ko siya nagsmile pa siya sakin.
"Ayoko talaga kay ate ericka. Alam mo ba lagi din niyang sinasaktan si Kuya nun. O ewan ko hindi ko naman alam mga nanyayare nun eh. Pero feeling ko hindi talaga sila meant to be" sabi ni Clowie
"Mukha naman mahal pa ni Ericka si Xander eh. Tsaka nung nagkita kami nun nagsmile naman siya. Tsaka mukha siyang mabait."
Hindi ko alam. Pero baka pakitang tao niya lang un. Tsaka dapat wala naman akong pakielam dun
"Clowie sige matutulog na ako hindi ko namalayan ung oras eh may klase pa ako bukas eh. Good night!"
"Sige good night ate Ria" masigla niyang pagkakasabi.
Bago ako matulog biglang tumunog ang cellphone ko.
"Bakit naman kaya tumatawag tong Xander na to?" Sabi ko sa sarili ko
"Icancel ko kaya?" Haha cinancel ko. Pero wala pang isang minuto ay nagring nanaman ang phone. Cancel ulit. Tapos sa bandang pang 4 na tawag sinagot ko na.
"Bakit?"
"Alam mo ikaw lang ang nagbaba sakin ng phone!" Pasigaw niyang sinabi.
Binaba ko ung phone. Hahaha magagalit un pero matutuwa naman ako. Tumawag siya ulit
"Bakit?"
"Wag mo nga ibaba!" Sabi niya. Pero taliwas sa sinabi niya ung ginawa ko haha. Binaba ko ulit. Pero tumawag ulit siya.
"Hello?" Sabi ko
"Ano ba!" Pasigaw niyang sinabi. Kaya binaba ko ulit. Umuusok na ata tenga nito eh. Tumatawag siya ulit.
Sa oras na to hindi na ako sumagot.
"Jam!" Sigaw ni Xander sa kabilang linya
"Bakit?" Sabi ko
"Wag mo na ibaba please" malumanay na sabi ni Xander
"Hahaha okay" sabi ko
"Ano bang trip mo?"
"Wala lang. Bakit ka napatawag?"
"Ano oras ka aalis sainyo bukas?"
"7am mga ganon"
"Diba 10 pa class mo. Aga naman!"
"Di naman kasi ganon kalapit ang school namin noh! Di katulad sa school mo!" Ano ba binabalak nito? Nagaadik nanaman to!
"Okay!" Sabi niya at binaba niya agad ung phone. Kung di ba naman sinto sinto tong kausap ko. Nagaadik nanaman ata. Pag siya tinatanong ayaw sumagot pero pag ako na ang nagtanong kailangan sagot agad!
"Jaaaaaaam!"
"Jamellaaaaaaaaa!"
"Jam!" Ang aga aga ang ingay ingay ano ba yan! Bakit naman kasi "5am palang!!" Sigaw ko kasi 6am ung gising ko tapos 7:30am alis ko.
Biglang bumukas ang pintuan sa kwarto ko pero mas pinili kong matulog parin. Si mama lang naman siguro un. Pero nagulat ako ng may tumabi sakin sa kama.
"Ma-" nagulat ako ng nilingon ko ung taong nasa gilid ko.
"Xander??" Sabi ko. Antok kong sinabi. Antok na antok pa ako kaya akala ko panaginip lang ang lahat.
"Sabi ng Mama mo akyatin nalang daw kita kasi aalis na daw siya." Sabi niya.
"Ha?"
"Sabi mo 7:00 ka aalis bakit di ka pa nakahanda?" Sabi niya. Pero nakapikit pa din ako. "Matutulog na nga lang din ako." Sabi niya. Baka panaginip lang to. Pati ba naman sa panaginip sumasama si Xander?
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...