Bumalik na kami sa Manila at mas nauna ang flight namin kila Luke at magkaiba din ng airlines kaya hindi talaga kami magkakasabay. Bumili na din ako kahapon ng mga pasalubong para kila Clowie kahit medyo gabi na. Buti at may nabilan ako.
"Ate Riaaaa!" Sabi sakin ni Clowie ng makarating kami ni Mama sa bahay. Nilapitan niya ako at hinug. Sinalubong din ako ni Tita Lorraine ng hug at samantalang si Xander naman ay nakaupo sa sofa. Tumayo lang siya ng napatingin ako sa kanya.
"Hi!" Sabi ko ng lumapit siya. Naghi siya sakin pabalik. Niyaya ko sila umupo muna sa sofa.
Kausap naman ni Tita Lorraine si Mama kaya kasama ko ngayon sila Xander at Clowie. Binigay ko sa kanila yung pasalubong na agad naman kinain ni Clowie.
"Kamusta Cebu?" Sabi ni Xander.
"Ayos naman. Ang kukulit nga lang ng mga pinsan ko pero ayos lang kasi namiss ko naman sila." Sabi ko. Tumango si Xander at tinikmanniya yung dried mangoes
"Grabe ate Ria, ang sarap talaga nito!" Sabi ni Clowie
"Ah.. Jam.." Tawag sakin ni Xander. Kung normal ako sa pansalabas at normal ang paguusap ko kay Xander. Sa panloob ay hindi. Ubod ubod ng kaba ang nararamdaman ko.
"Bakit?" Sabi ko
"Sasama ba kayo samin?" Sabi ni Xander na pinagtaka ko. Sasama saan?
"Saan?" Sabi ko ng may pagtataka sa aking mukha.
"Sa baguio ate Ria. Dun kasi kami magnenew year and sabi ni Mommy na isama kayo at sila Tita Clare." Sabi ni Clowie habang kumakain pa din.
"Baguio?" Sabi ko at tumingin ako kay Clowie. Tumango siya at nagsalita naman si Xander
"May rest house kasi kami dun." Sabi ni Xander.
"Depende pa kay Mama ehh. Every new year kasi ang mga Salvador may Party din. Kaya hindi ko alam kung sasama kami." At magiging torture yun. Ayoko makasama ang dalawa sa iisang bahay. Si Luke na kaaamin lang saakin na gusto niya ako at si Xander na hindi ko mawalawala sa puso ko. Gusto ko magmura. Gusto ko malayo sa kanila.
Para kanta lang. Sino ang pipiliin ko ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko. MalaKZ tandingan na song lang!
*kring kring kring kring kring*
"Palaka nga naman!" Sigaw ko ng may biglang tumawag sakin. Lately, nagiging magugulatin ako. Tulala at laging may iniisip. Ano bang nanyayare sakin.
"Bakit ka napatawag Christian James Ramos?" Sabi ko sa pinsan kong tumawag. Christian James ang ibig sabihin ng CJ.
"Couz! Pupunta daw kami manila sa New Year! Sasama kami sa baguio. Yun lang! Bye!"
"Tumawag ka para sabihin yun?"
"Oo sabi sakin ni Ciara tawagan daw kita para sabihin yun. Sige na may gagawin pa akong projects Bye!" Sabi niya at tuluyan niya ng pinutol ang linya.
Tulala ako. Ang dami dami ko pang dapat gawin pero mi-isa ay wala pa akong nasisimulan. Bukas ang dating ng mga pinsan at Tito't Tita ko. Tapos diretso na kami sa baguio.
Hindi ko pa naayos ang mga dadalhin ko para bukas. Nakatunganha pa din ako sa kwarto ko sa isang poster ng Super Junior. Yakap yakap ko ang domokun na binigay ni Luke.
Hindi nagbabago. Laging ganon pa din. Tinetext pa din ako ni Luke ng good morning araw araw at paminsan minsan naman si Kuya Austin nagtetext sakin kung anong ginagawa ko.
Jam : Naghahanda po para bukas nagbabaguio daw po kami eh.
Sabi ko sa text ko kay kuya Austin. 5 days kami sa Baguio. Dec. 29 hangang January 2 kami dun. 4 na jeans isang skater skirt at isang dress ang dala ko. Puro sweater at simpleng blouse ang dala ko.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...