Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa. :)
Medyo naging busy lang po talaga ako kaya medyo na tagalan ang pagupdate. So ito na po talaga un. Sana po nagustuhan niyo :)
Baka po maglagay pa ako special chapter pagkatapos nito pero POV naman ni clowie pagisipan ko pa haha. Thank you po talaga! 💙-----------------
Xander's POV
"Ma! Sabi sayo gusto ko ng simpleng party at sa 21th birthday nalang engradehan." Sabi ko. Ayoko lang nang gantong mga handaan.
"Xander alam mo naman na gusto namin laging engrade ang mga birthday niyo kasi minsan lang magsama sama ung buong de la vega at gonzales noh!" Sabi ni Mommy.
Napatingin ako dun sa babaeng kasama ni Mommy. Lagi nalang simula nung nagbreak kami ni Ericka lagi nalang siya may pinapakilala sakin.
"Sino siya?" Sabi ko.
"This is Jam, Xander. Siya si Xander, Jam" sabi ni mommy.
"Hello!" Sabi nung Jam. Nagabot siya nang kamay kaya tinanggap ko ito ayoko naman maging rude.
Kilala ko si Mommy lahat gagawin nun para paglapitin kami ni Jam. Kaya simula nun binalaan ko na siya. Alam kong gustong gusto ng nanay ko si Jam para sakin.
Pupuntahan ko ngayon si Jam sa Recto. Sa totoo lang unang beses ko pupunta doon. Sa south kasi kami lagi at wala naman dahilan para pumunta doon. Buti nalang kasama ko si Luke pero dahil kaming dalawa ay hindi namin alam kung pano pumunta doon ay naligaw kami.
Ang daming street foods na nagbebenta sa labas ng school nila. Ngayon ko lang nakita ang mga ganto. Ewan ko pero parang ang gulo gulo dito.
To : Jam
Tapos ka na? Baka gusto mo bilisan.
Grabe tong babaeng to ang bagal at ayaw pang magreply!
"Dude! Kalma! Nagreply na ba si Jam?" Sabi ni Luke.
"Hindi pa nga eh."
"Lalabas lang ako." Sabi ni Luke.
"Sige bahala ka."
Nakita ko na pinagtitinginan ng mga tao si Luke. Siguro ako din paglumabas ako dito sa sasakyan ko ay pag tinitinginan din ng mga tao. Sasakyan ko pa nga lang eh. Nakita ko si Jam kasama nung mga lalaki. Wala ba siyang kaibigan na babae at puro lalaki kasabay nito.
"Jam! Hindi ka dyan uupo. Sa frontseat ka na!" Sabi ni Luke na nakangisi.
Nakasimangot naman si Jam na pumasok sa sasakyan ko.
Maganda si Jamella. Hindi nga lang ganon katangkad pero maganda siya. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong mararamdaman na kahit ano sa kanya. Kaya siya napili ko na magpapanggap bilang girlfriend ko.
"Kuya! Pwede magtanong?" Sabi ni Clowie.
"Sure!" Sabi ko habang nakaupo kami dito sa harap ng pool area.
"Hindi mo ba gusto si Ate Jam?"
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang? I liked her. Sana siya nalang maging girlfriend mo wag na si Ericka."
"She's nice. I might like her." Sabi ko.
Dumaan ang araw at sa paglipas ng mga araw ay parang nilunok ko lahat ng mga sinabi ko na hindi ko siya magugustuhan.
"30 mins na at hindi pa tayo umaalis! Tara na!" Sabi ko at naglapag ako ng pera tapos hinila ko ang kamay niya. Lumabas kami ng bar ng nakaholding hands. Agad ko siyang sinakay sa sasakyan ko at napatulala siya tapos tumingin sa akin ng nakapasok na ako.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...