32

290 7 1
                                    


Nakatunganga ako sa dress na binigay ni Xander. Susuotin o hindi?

"Jam! Dalian mo na dyan!" Sigaw ng pinsan ko habang kinakatok yung pintuan ko.

"Oo sige! Mauna na kayo dun!" Sabi ko.

Papunta kami sa bagong bahay nila Xander ngayon sa may Beverly Hills sa may Lahug lang din yun. Alam ko papunta dun pero hindi ko nga lang alam kung saan banda bahay dun nila Xander.

"Sigurado ka?" Sabi ni Ciara

"Wait! Intayin niyo ko sa baba." Sabi ko.

Sinuot ko na yung damit na binigay ni Xander. Sinuot ang necklace na binigay niyo noon na hindi ko pa rin tinatapon.

"Tara!" Sabi ko.

"Wow! Couz! Bongga ka jud!" Sabi ni Fionna.

"Ewan ko senyo!" Sabi ko.

"Sino nagbigay?" Sabi ni Ciara.

"Syempre si Xander!" Sabi ni Fionna.

"Si Cj?" Sabi ko.

"Nasa sasakyan na with Clowie." Sabi ni Ciara.

"Tara na!" Sabi ko.

Pumunta na kami sa sasakyan kami sa gitna nila Ciara samantalang sa frontseat naman si Clowie at si Cj ang magdadrive.

Mula sa gate na napakalaki ay tanaw mo na kung gano kalaki ang bahay. Kulay puti ito at kulay brown ang gate nila na gawa sa kahoy.

Bumisena si Cj para malaman ng guard na may tao sa labas. Agad naman lumabas ang guard at nagpakita lang si Clowie at pinapasok agad kami. Sa gilid ng bahay ay may swimming pool. Na makikita mo agad pagkapasok ng gate. Sabi ni Clowie ay dalawa daw ang gate dito pero baka daw puno na ng kotse dun sa kabila kasi dun banda yung garden kung saan kami magcecelebrate ng new year.

"Kadagko!" Sabi ni Ciara.

"Oo nga! Ang laki ng bahay niyo!" Sabi ni Fionna.

"Tara na?" Sabi ni Clowie.

Naglakad kami papasok sa loob ng bahay at ang ganda ng bahay nila Ciara. Makikita mo talaga kung gano sila kayaman. Sa gitna nito ay may lamesa at may nakalagay na flower vase tapos may stairs na malawak paakyat sa second floor. Para akong nasa hotel. Puro gold, puti at red ang nakikita ko sa loob ng bahay nila. Nakakahiya umapak sa sahig baka madumihan.

"OMG! Jam!" Sabi ni ate Coreen.

"Ate Coreen!" Sabi ko at bumeso ako sa kanya.

"Jamie! Ate Ria is here!" Sigaw ni Ate Coreen at agad naman lumapit samin si Jamie. Tumangkad si Jamie at makikita mo talaga ang kagwapohan ng batang ito. Madami tong papaiyaking babae.

"Ate Ria!" Sabi nito sakin at bumeso.

"Ate Ria is mine!" Sabi ni Clowie.

"I hate you! Ate Clowie is bad! I hate her!"

"I also hate you!" Sabi ni Clowie

"Shhh! Bad yan! You should love your tita! jamie.." Sabi ko.

"Ate Ria naman! Tita? Hindi ako ganon katanda para tawaging tita!" Sabi ni Clowie.

"Haha! Tara na nga! Puntahan nalang natin si Tita Lorraine." Sabi ko at hinila ko si Clowie at Jamie.

"Jam!" Tawag sakin ni Mama. Nakita ko sila Tita Lorraine at dad ni Xander. Nakita ko din si Papa na kausap yung Daddy ni Xander.

"Wait lang ahh." Sabi ko kay Clowie at Jamie.

"Nasan na ang mga pinsan mo?" Sabi ni Mama.

"Nandyan lang po sila." Sabi ko. Hindi ako sure kung saan sila banda ngayon masyadong malawak ang bahay nila Xander at nahiwalay ako sakanila. Ang daming tao nga kamaganak nila Xander at kamaganak ko.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon