Nakablue siya na Jacket yung mahaba parang sa mga Koreans siya. Tapos sa loob nun ay nakahoodie siya. Ang gwapo niya pa din ay hindi mas lalo siyang gumwapo."X-xander?"
Ngumiti siya sakin bago magsalita.
"Nandito ka din pala.." Sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Binibisita ang Ntower at nagbabaka sakaling makita ang babaeng nagsabing pinakagusto niya tong lugar na to." Sabi niya.
Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso at nakatingin siya sakin na nakangiti. Mi-hindi ko nga magawang ngumiti eh. Pano ba naman kasi ang tagal kong iniwasan dito ko pa makikita mismo sa Ntower kung kailan birthday niya pa.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin? O nakalimutan mo na?" Sabi niya.
"Uhmm.. Happy Birthday." Sabi ko.
"Tara? Samahan mo na ako." Sabi niya. Sabay pakita niya sakin ng ticket sa teddy bear museum.
Hindi na niya ako pinagsalita at hinawakan niya ang kamay ko sabay hila papunta sa Teddy Bear Museum.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako dun sa kamay namin magkahawak. Totoo ba to? Kasama ko dito si Xander?
Pagpasok namin doon ay shop muna makikita mo tapos sa entrance may dalawang lifesize na bear. Kinuha nung nasa entrance ang ticket namin at pumasok na kami. Nauuna sakin si Xander at hawak niya pa din ang aking kamay.
Habang nakatingin siya sa mga teddybear. Ay hinawakan ko ang braso niya at pilit ko siyang hinaharap sakin. Nang makaharap na siya ay hinawakan ko ang mukha niya.
"Xander? Ikaw ba talaga yan? Hindi ba ako nanaginip? Kasama ba talaga kita dito?" Sabi ko habang pinipisil pisil ko ang pisnge niya.
Bigla niyang pinisil ng malakas ang aking pisnge.
"Aray naman!!" Sabi ko.
"Sorry.. Masakit diba?? Ibig sabihin totoo. Magkasama tayo." Sabi niya sakin.
"Bakit ka nandito?"
"Sinusundan ka."
"Pano mo nalaman? Pano mo nalaman na andito ako?"
"Wala ka sa Cebu ng pumunta kami. Umalis ka daw sabi nila Ciara. Sinabi agad nila kung nasan ka. Kahapon ako dumating dito sa Seoul. Nagdecide ako na sa birthday ko nalang ako pupunta sa Ntower kanina pa ako dito actually nagbabakasakaling pupunta ka dito."
"Pano pag hindi ako pumunta?"
"Edi babalik ako araw araw para magbakasaling makita ka."
"Bakit ngayon mo lang ako hinanap?"
"Baka kasi sapat na yung 2 taon para maging deserving ako sayo. Para masabi ko na mahal na mahal pa rin kita. Wala ng ibang taong masasaktan kasi lahat ng tao ay nakalimot na."
"Pero natiis mong hindi ako makita."
"Sinong nagsabi sayo? Kung alam mo lang."
"Na?"
"Tara gala nalang muna tayo.." Sabi niya sakin pero pilit ko siyang pinipigilan wag umalis hanggat hindi niya sinasabi sakin.
"Ano nga?!" Sabi ko.
"Na.. Kahit nasa Cebu ka alam ko kung anong ginagawa mo. Minsan pumupunta ako sa Cebu pero hindi kita nilalapitan. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan ka. Pangit man pakinggan pero huminge ako ng sign. Na kapag nakita kita dito. Hinding hindi na kita iiwan at papakawalan pa."
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...