Tumalikod na lang kami ni Xander at nakaakbay parin siya saakin. Binuksan ni Xander ang pintuan ng sasakyan at pinauna akong pinasakay."Manong sa may global nalang po. Sa condo ko." Sabi ni Xander sakin.
"Uuwi na ba ako?" Sabi ko kay Xander.
"Hindi pa dun ka muna sa condo ko ako na maghahatid sayo pauwi. Uuwi din naman ako. May kailangan lang tayong pagusapan."
Napatingin ako kay Xander. T-teka! Bakit kailangan sa Condo niya pa kami magusap?
"I know what you think. At hindi un! Green head! Maguusap lang tayo!"
"Ahh okay.." Tumango tango nalang ako.
Bakit parang ang malumanay ko magsalita. Okay. Basta ung plan ko kailangan ko. Yun ang dapat gawin!
"Ay teka bakit kailangan ikaw pa ung maghatid sakin?"
"Ang kulit mo din diba nga sabi ko sayo na kailangan natin magusap?"
"Yeaaah... right." Nagirap nalang ako sakanya. Nagtatanong ng maayos ang taray taray.
Dumating kami sa condo na iniistayan ni Xander. Sa palagay ko isa ito sa mga mamahaling condo dito. The fact na itong condong ito nakalagay dito sa Global. Walang isip isip mahal to.
Pagkapasok ko ng Condo isa lang masasabi ko. Wooooow! As in wooow!
Wooooow. Ang ganda. Ang linis. Parang isang buong floor na namin to sa bahay at kalahati o 1/4 sa bahay nila.
"Ilang babae na nadala mo dito?"
"My mom, Clowie, Coreen, tita Cla-" hindi ko na siya pinatapos kasi hindi naman un ung gusto kong sagot sa tanong ko.
"Bukod sa family at malapit na kaibigan"
"Ahhh. Di mo naman kinaklaro. Si Ericka at.. ikaw palang" ahh si Ericka naman pala. Ano asa pa? Haha baliw Jam baliw! Pinagiisip mo Jam!
"Bukod kay Ericka wala na?"
"I dont bring them here. Ayoko lang ng hassle na may biglang kakatok sa room ko tapos magdradrama."
Ahh yun naman pala. Baka sa motel o sa hotel niya dinadala. WTF?! What am i thinking?!
"So ano paguusapan natin?"
"About our plan and good job kanina." plain niyang sagot.
"Alam mo I dont think you still need me. I mean, as what I have seen mukha naman may gusto sayo si Ericka"
"Pero iniwan niya ako dati."
"Ha?" Panlilito kong tanong.
"Naging kami ni Ericka, Jam. Pero niloko ko siya at pinagsisisihan ko yun. Ngayon na pagnakita niya na nagseryoso na ako sa isang tao. Tingin ko magseselos siya at magmamakaawa siyang balikan ko siya."
"Ahhh. One more chance lang ang peg o di kaya ung napanood ko nun na kay pangalan nito. Basta may gantong story na akong napanood. " sabay tawa ko.
"Ano un?"
"Filipino movie."
"Ahh that's why.. Hindi ko alam."
"Gusto mo panuorin?"
"No thanks.."
"Okay." Diretso kong sagot. Kung ayaw wag pilitin baka pumayag. Pero naging sila. Pero ayaw na ni Ericka sa kanya? Bakit kaya?
"Ano nga pala plano mo?"
"3 months lang naman. Pag hindi nagwork. Hindi na kita gagambalain." 3 months lang Jam. Fine. Pwede ko din magamit si Xander para tigilan na ako ng mga lalaki sa school samin haha! Good idea Jam! Mag-gamitan kayo! Very wrong...
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...