1

611 10 1
                                    

What : Zumba
Every saturday, 7:00am
@Country club plaza
Come and join us!

Hmmm? Zumba? Itry ko kaya to?
Nakapaskil itong detalyeng ito sa labas ng village namin. Ilang araw na kasi ako nakatambay dito sa bahay. Hindi ako lumalabas. 1 week lang bakasyon namin pero tinatamad pa ako kuhanin ung COR ko. Kaya siguro sa pasukan ko nalang kukunin.

"Ma! Magpapasama ako kay ate bukas ahh. Dun sa plaza! May zumba itatry ko lang."

"Zumba, nak?"

"Yes po! Sasama ko naman si ate ehh" si ate ung kasambahay namin dito. Only child lang ako. Si papa naman seaman kaya ayun. Si lolo, ate, mama at ako lang nakatira dito sa bahay namin.

Hindi ako sanay tawaging yaya o manang ung mga nagiging kasambahay namin. Kaya ate lang tawag ko sa kanila.

"Osige bahala ka basta uwi agad kayo ahh. Dalhin mo na ung sasakyan mo."

"Yes ma! Tulog na po pala ako ma. Good night!" Sabay halik ko sa kanya sa pisnge at panik papunta sa kwarto ko.

Nakakapagod pala magzumba pero ayos lang atleast nakakapagexercise ako. Natatawa nga ako ehh ako lang ata bata dito. Halos may mga edad na kasi andito.

"Hi!" Sabi sakin ng mga 40s siguro na babae pero makikita mo sa kanya ang karangyaan sa buhay. Maputi din siya at maganda.

"Hello po.." sabi ko ng nakangiti sa kanya.

"I'm Lorraine. You can call me tita Lorraine." sabi niya sakin ng nakangiti at sabay abot ng kanyang kamay

"Uhmm hello po tita Lorraine. I'm Jamella Ria Salvador po, pero Jam nalang po" Inabot ko din ang kanyang kamay at ngitian.

"First time mo dito?"

"Ahh opo."

"Nakikita ko sayo ung anak ko. Sana nasama din sila sakin dito para bonding ba. Mom mo pala? Bakit di mo siya kasama?"

"Ehh kasi po may work po siya ehh kaya hindi niya po ako masasamahan."

"Ay ganon ba.. Ganto nalang! Tayo nalang maging zumba buddy! Masaya un para may kasama ka na at ako din ituring mo nalang akong nanay. Punta ka rin pala sa birthday ng anak ko sa susunod na linggo. Sa saturday? Ayos lang ba?"

Friendly ni tita Lorraine sakin.

"Sige po. Magpapaalam po ako" sabi ko ng nakangiti.

"Uuwi ka na ba?"

"Opo. Nagpahinga lang po ng unti. Kayo po?"

"Oo eh kaso hindi nagrereply tong magsusundo sakin."

"San po ba kayo? Gusto niyo po hatid ko na po kayo?"

"Talaga?" Parang sa sinabi ko tuwang tuwa na si tita lorraine

"O mga kumare kay Jam nalang ako sasabay ahh. Uwi na ako wala pa kasi si Xander ehh." Sigaw ni tita Lorraine sa mga kasama namin sa Zumba

"Tara na, Jam" sabay baling naman sakin ng attensyon ni tita Lorraine

Umupo si tita lorraine sa front seat ng honda jazz ko na puti. At si ate sa likod.

Hinatid ko si Tita Lorraine sa kanila at hininge niya ung number ko.

Matapos nung araw. Walang araw na hindi kinukwento sa text ni Tita Lorraine si Xander ung anak niya na nagaaral sa Enderun. Isang international school.

Nung wednesday nakatanggap ako ng isang invitation card na nagsasabi about dun sa birthday ni Xander sa country club. 8pm ung start. Sabi naman sakin ni Tita Lorraine na isama ko daw parents ko kung gusto ko. At formal daw ung susuotin.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon