"Gusto kita.." Sabi niya sakin. Nakatingin ako sa kanya. Kitang kita ko sa kanya ang kaba at takot. Ibang ibang Luke ang nakikita ko. Iba dun sa makulit at tropa ni Xander.Tumango nalang ako para makapagsalita na siya.
"Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan. Kabaliktaran ka sa lahat ng nagustuhan ko. Hindi ka party goer. Hindi ka sosyal. Hindi ka ganon ka gandahan." Tinignan ko siya ng masama. Akmang magsasalita na ako kaso pinigilan niya ako.
"Patapusin mo muna ako. Hindi ka matangkad. Hindi ka.. Basta kasalungat ka sa lahat ng babaeng naging girlfriend ko pero Gusto pa din kita. Hindi ko alam kung Love na ba to o hindi pero ang alam ko lang gusto kita kahit ang gusto mo ay ang bestfriend ko." Sabi niya sakin.
"Tapos ka na?" Sabi ko at umiling siya. Nanatili akong nanahimik pagkatapos niya yun sabihin.
"Pero ito lang ang alam ko sa lahat lahat. Gusto kita at kahit tumingin man ako sa iba. Kahit pilitin ko man gustuhin ang ibang tao. Ikaw pa din ang nakikita ko. Ikaw pa din ang nandito.." Sabay turo niya sa puso niya. " at dito.." Sabi niya habang tinuturo ang utak. Gusto kong umiyak sa mga sinabi ni Luke. Siya din naiiyak na. Gusto kong umiyak kasi naaawa ako sa kanya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan. Siguro kung walang Xander Dela Vega na nageexist ay maaari ko siyang magustuhan.
"Alam ko.. Gusto mo siya. Alam ko na baka nga mahal mo na siya. Ramdam ko.. Sinasabi ko lang sayo kasi kahit anong mangyari ay hindi ako susuko. Nagbreak sila ni Ericka. Hindi ko alam ang rason pero alam ko gusto ka na din niya.." Sabi niya sakin. Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Luke break na si Ericka at Xander? bakit? Ha?
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ano ba dapat? Anong tamang sabihin? Tama naman magsabi ako ng totoo diba?
"Luke.." Pangalan pa lang niya nasasabi ko pero agad naman siyang nagsalita.
"Jam.. Tulad ng sabi ko alam kong si Xander ang gusto mo. Pero pwede pa naman yan mabago eh. Kaya pa yan!" Sabi niya sakin.
Kilala ko ang sarili ko. Oras na marealize ko kung sino talaga ang gusto ko. Siya na talaga.
"Luke.. Ayoko umasa ka sa wala. Masakit yun! Alam ko kasi ako mismo umaasa sa wala. Wala akong pakielam kung wala na si Xander at Ericka. Oo, gusto ko siya! Sagad sagad pa nga eh.." Sabi ko ng hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya, natatakot at ayoko masaktan si Luke.
"Alam ko.. Pero hindi ako susuko.." Sabi niya sakin hinawakan niya ang kamay ko at inalis ko agad iyon. "Jam.. Kung dahil sa nalaman mo na break na sila ay bigla kang susulpot sa harapan ni Xander at sasabihin mo na gusto mo siya kasi pwede na kayo! Wag!" Sabi niya sakin ng pasigaw.
"Luke! Sa paguusap natin ngayon.. Never kong inisip na sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya! Wala akong pakielam kung habang nabubuhay ako ay hindi niya ito malaman. Masaya na akong nagmamahal ng patago kesa magmahal ng maling tao." Sabi ko at binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Buti nalang at hindi niya iyon nailock kaya nabuksan ko agad. Pero.. Sinarado ko ulit yun .
"Magdrive ka na. Pumunta tayo sa bahay mo. Gusto ko makita si Tita Clare." Nagulat siya sa sinabi ko. Pero hindi na nagsalita at nagdrive. Ang totoo ayoko siya umuwi magisa. Ayoko magdrive siyang magisa. Oo, sinabi kong si Xander ang gusto ko. Pero tulad ng sabi ko ayoko siyang masaktan at natatakot ako na baka masira ang friendship at natatakot na baka sa mga sinabi ko ay may mangyare sa kanya.
Pagkadating namin sa kanila ay nakita ko agad si Tita Clare. Si Luke ay pumunta agad sa kusina kaya naiwan kaming dalawa ni Tita Clare.
"Jam!" Sabay lapit at beso sakin ni Tita Clare.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Novela JuvenilSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...