34

125 6 0
                                    


"Pakasalan mo na ako." Sabi ni Xander sakin.

Natahimik ako dun. Tama narinig ko? Pakasalan ko na daw siya? Biglang lumakas ang music kaya hindi ko sigurado kung un talaga ang sinabi niya.

"Ha?" Sigaw ko.

"Pakasalan mo ako." Sabi niya sakin na parang hindi na nagtatanong, kundi naguutos.

Tama nga narinig ko.

"Ngayon na?" Sabi ko ng nakatawa.

"Hindi, pero ka na?" Sabi nito sakin.

"Oo naman!" Sabi ko.

"Talaga?" Sabi niya sakin at parang nagulat sa sinabi ko.

"Oo nga!" Sabi ko.

Sabay abot niya sakin ng isang sing sing na galing sa kanyang bulsa.

"Kanina mo pa dala dala yan?" Sabi ko ng nakatawa.

"Dati pa.." Sabi niya.

"Talaga? Bakit ngayon mo lang tinanong?"

"Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob.. At sa tulong na din nila.." Sabi nito sakin at parang nahihiya. Si Xander? Yung kilala kong masungit dati sakin at parang asar na asar ay nahihiya? Gusto ko matawa ang cute niya!

Tumingin ako sa mga pinsan ko na ngayon na katayo doon sa gilid at nakangiti.

"Pero pa ngayon ah! Sa tamang panahon." Sabi ko at nakangiti sa kanya. Tumango siya sakin.

Natapos ang gabi na masaya ako. Masaya kaming lahat. Ilang araw ang nakalipas ay dumating na din ang araw na babalik ako ng Manila. Sasama sakin si Xander kasi may gagawin din daw siya doon.

Didiretso kami sa bahay nila Xander. Doon na muna ako magiistay sa kwarto ni Clowie. Wala kasing tao sa bahay namin doon ayoko naman magisa kaya doon nalang muna ako kila Xander.

Bukas ang start ng seminar ko dito. Tatlong araw lang ang event. Monday hangang Wednesday lang kaya ngayon palang susulitin ko na ang stay ko sa Manila. Linggo ngayon at umaga pa kaya tinawagan ko agad ung tatlo.

"Yannie!" Sabi ko.

"Napatawag ka?" Sabi nito.

"Nasan ka?" Sabi ko.

"Bakit? Nasa Manila ka na?"

"Oo. Haha! Dali na! Ngayon lang ako pwede!" Sabi ko.

"Pupunta kami sa BGC mamaya nila Anne. Mga 1 siguro basta after lunch gusto mo punta ka muna dito samin!"

"Papahatid ako kay Xander. O kaya ikaw nalang pumunta dito kila Xander." Sabi ko.

"Ay sige ako nalang para naman makita ko kayong dalawa at ni Clowie. Sige magaayos na ako byeeeee" sabi nito sakin at binaba agad ang telepono.

"Nandun sila Tita Lorraine?" Sabi ko kay Xander. Alam nila Tita Lorraine na uuwi kami kaya may nagsundo samin sa airport.

"Yup! Hinihintay ka na din ni Clowie. Miss na miss ka na daw niya." Sabi ni Xander.

"Miss ko na din sila." Sabi ko at ngumiti sa kanya bago tumingin ulit sa bintana.

"Aalis ka mamaya?" Sabi niya sakin.

"Yup sama ako kila Yannie sa BGC gusto mo sumama?" Sabi ko.

"Sana.. Pero mukhang all girls kayo mamaya eh."

"Sumama ka na." Sabi ko.

"Sabi mo eh."

Nakarating kami sa bahay nila Xander at agad akong sinalubong ni Clowie at ni Tita Lorraine pati na din ni Tito.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon