Gusto ko maging masaya. Pero ang hirap. Pagkatapos ng New Year ay naggala lang sila ulit. Nagpaiwan ako sa bahay at sinabi ko na masakit ang aking ulo.Hinanap nila ako nung nagsisimula na sila magcount down. Tinatawagan pero hindi daw ako sumasagot.
Tumayo ako dun sa damuhan kung saan ako bumagsak at umiyak. Pumunta ako sa CR at naghilamos at naglagay ng make-up kailangan hindi mahalata na umiyak ako.
Hindi ako tumitingin kay Xander. Nagisisimula nanaman akong umiwas sa kanya. Nagsisimula nanaman silang kumain. Pero hindi pa ako ginugutom ng dumating ako dun.
"San ka galing?" Sabi ni Fionna.
"Naunsa ka?" Sabi ni Ciara. Minsan binibisaya ako ng mga kamaganak namin naiintindihan ko sila pero hindi ako nakakasalita.
"Wala sumakit lang tyan ko kanina!" Sabi ko at kumaha ako ng pagkain. Kakain ako ng kakain ng kakain. Ayoko magisip. Ayoko na isipin yung nanyare. Gusto ko na makalimutan.
Tulala lang ako ngayon sa mini bus habang nagiisip sa mga nanyare. Gusto ko malayo kay Xander, kay Luke o sa kahit kanino. Pero alam ko mahirap mangyare yun. Ngayon pa na nakagawa kami ng circle of friends sa pamilya nila. Mahirap ang isang tao kung ang nakapaligid sa kanya ay close sayo.
"Ria.. Tara baba muna tayo.. Kakain daw muna.." sabi ni Fionna. Tinatapik niya ako. Nakatulog pala ako habang nagiisip. Kaninang umaga ay hindi sumabay samin si Ericka. Hindi ko alam kung nagaway sila ni Xander o ano man pero wala akong pakielam.
Hangang ngayon nandito kami kumakain ay hindi sila magkasama ni Ericka hindi ko alam kung bakit at ayoko na isipin buhay nila yan. Dumating sila Luke.
"Kumain ka.." Sabi ni Ciara.
Napansin niya siguro na nilalaro ko lang yung pagkain. Maya maya ay may nagabot pa ng pagkain sakin. Tinignan ko kung iyon at si Xander pala. Nakasimangot siya sakin at umiwas agad ako ng tingin.
"May something.." Sabi ni Fionna.
Tinignan ko nalang siya ng masama at kumain nalang ako. Pagkatapos kumain ay bumalik na agad kami sa mini bus hindi ko nalang sila pinapansin.
Isang araw lang nagstay ang mga kamaganak namin sa bahay at bumalik na agad sila sa Cebu.
"Jam! Next year ah! Pagkagraduate mo dun na kayo titira sa Cebu." Sabi ni Ciara sakin
"Oo nga!" Sabi naman ni Fionna
Hinug ko sila at mangiyak ngiyak ako. Mamimiss ko kasi sila. Sure ako na matatagalan nanaman bago ko sila makita.
Tumango lang ako sa kanila at ngumiti. Yun naman talaga ang balak ko. Matapos ko lang ang lahat ng ito ay dun na kami tiyira sa Cebu. Dun na ako magtatrabaho.
Unang araw namin ngayon para sa 2015. Monday is corpo day! Nakasuot ako ng kulay dark green na dress at naka blazers simpleng doll shoes lang ang suot ko. Hindi ko na sinuot ang dalawang necklace na binigay ni Xander. Bibili ako ng box at ilalagay ko lahat ng bigay niyang damit at shoes at kung ano ano pa doon.
10am ang start ng class namin. 9:30 ng makarating ako sa recto. Sila Yannie, Mae at Anne ay nagtetext sakin kung nasaan ako. Siguro dahil dun sa gusto nilang ipakwento sakin. Sinadya kong magpalate para hindi muna ako makapagkwento. Ayoko. Ayoko. Ayoko muna.
"Jamella Ria Salvador! Bakit ang tagal mo dumating?" Sabi ni Yannie
Nakarating na kasi ako sa classroom at magtitime na. Bumili ako ng mga pasalubong para sa kanila galing cebu na dried mangoes at key chain galing sa baguio. Tuwing pupunta ako sa cebu ay may dried mangoes silang pasalubong sakin.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...