Pagkatapos sa timezone ay naggala gala na ulit kami. Nagtingin sila ng mga damit. Tatlong oras ata kami nagikot bago sila nakabili ng gusto nila. Hinihila ko naman sila pagnakakakita ako ng bookstore. Kaso nagstastay lang sila sa labas. Ako lang kasi may hilig sa libro eh.
Pagkalabas namin dun ay medyo gabi na. Nagpasya sila na bumalik na sa SM Aura at medyo pagod na daw sila. Kain daw muna kami tapos palit ng damit at punta sa The Fort.
Kumain lang kami sa isang mcdo at pinilit nila ako magpalit ng damit. Bumili din kasi ako ng skirt na pang corpo namin. Kulay red ang skirt na binili ko. Buti nalang may nakalagay na sapatos dito sa kotse ko. Red din! Ito yung pumps na binigay ni Xander. Ayaw ko man suotin pero mukhang kailangan.
Nagpasya ako na dun na kami magpapark malapit sa The Fort para hindi nakakapagod maglakad. Inikot ko iyon at nakita ko ang Mini Cooper na store. One day makakabili din ako ng gusto kong sasakyan!
Pagkaliko ko ay tanaw ko kaagad ang malaking pangalan ng KPub. Naalala ko dati pumunta din kami nila Xander dito. Kung saan kami pumasok ng bar nila Xander noon ay dun din kami pumasok ngayon. May natatanaw akong ibang artista na hindi ganoon ka sikat. Meron ding sikat. Agad nagtilian sila Yannie ng makakita ng Artista. Umiling nalang ako at sinundan sila. Umupo kami sa isang sofa at nagorder sila ng inumin. Isang bote ng black label.
"Malapit na birthday mo Jam! Kaya ililibre ka namin nito!" Sabi ni Mae.
"Baliw ba kayo! Kung maglalasing si Jam sino magdadrive?" Sabi ni Yannie.
"Oo nga noh!" Sabi naman ni Anne. Natatawa naman ako sa kanila. Kumuha ako ng shot glass at nagsalin ng inumin. Ayoko talaga ng gantong alak ang pangit ng lasa. Isang inom ko lang ay gumuguhit agad sa lalamunan ko.
Laglag panga ng tatlo sa ginawa ko. Tatlong shot lang at titigil na ako. Sabi ko ngumiti ako sa kanila.
"Tatlong shot lang! Promise!" Sabi ko at tumawa sa itsura nila. Buti nalang may mga kaibigan akong katulad nila. Alam kong laging nandyan pagkailangan ko sila.
"Opps! Nakakatatlong shot ka na! Bawal na!" Pagpigil ni Yannie sakin. Sinamangutan ko siya at tumayo ako. Sasayaw nalang ako. Kaso bago ako makapunta sa dance floor ay may mgafamiliar faces akong nakikita. Tumalikod agad ako at umupo sa sofa.
"Ayos ka lang?" Sabi ni Yannie.
"Nandyan sila!" Sabi ko.
"Ha? San?" Sabi niya at tumitingin sa paligid. Stop looking around Yannie! Baka makita ka nila! They know you! Argh! Bakit walang lumalabas sa bibig ko. Ang sakit ng ulo ko! Gusto ko nalang matulog!
"OMG!" Sabi ni Yannie at napahawak siya sa bibig niya. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko si Ericka at si Xander na naghahalikan sa dance floor. Kala ko ba break na sila? Akala ko ba.. Ayoko na magisip.
Kahit naman sabihin ko na ayaw ko na magisip. Gumagawa pa din ng paraan ang puso para umiyak ako. Sobrang sakit, sobrang hapdi ng puso ko. Parang dinudurog, parang pinupokpok. Kahit ayoko umiyak ay hindi ko maiwasan lumabas ang luha sa aking mga mata. Agad akong niyakap ni Yannie.
"Bwisit na Trisha yan!" Sabi ni Mae nung nakabalik siya.
"OMG!" Rinig ko si Anne. Hindi ko sila makita kasi puno ng luha ang mata ko.
"Bakit siya umiiyak?!" Sabi ni Mae.
"Akala ko ba break na sila??!?" Sabi ni Anne.
"Shh.. Tahan na.." Sabi ni Yannie sakin.
"Luke!" Sabi ni Mae at agad ako hinila ni Luke kaya napaharap ako sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko.
"Bakit?! Bakit mo pa kailangan sabihin sakin yun! Ano para umasa ako?! Sana hindi mo nalang sinabi sakin yun.." Sabi ko at umiyak muli. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga kamay. Agad naman ako hinila papalapit kay Luke at niyakap niya ako.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...