7

223 4 0
                                    

Pagkagising ko. Tulog pa si Clowie sa tabi ko at si Xander wala na sa kwarto. May kagawian ako na pagkagising ko ay maliligo na agad ako. Kaya un ang ginawa ko. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Xander na nagthrethreadmill. Meron kasi kaming equipments ng panggym dito. Pinabayaan ko nalang siya at pumasok na ng banyo para maligo. Pagkalabas ko ay nageexcercise pa din siya kaya bumaba nalang ako. Tinignan ko ang laman ng kusina. Nagluto na din ako ng corned beef at egg. Tsaka ako pumunta sa mga kagroup ko.

"Hello!" Bati ko sa mga kagroup ko.

"Jam, tapos na kami sa Introduction tapos may nasimulan na din kami sa -" di niya natuloy ang sasabihin niya kasi biglang hinawakan ni Xander ang bewang ko na ikinagulat ko kaya natulak ko siya.

"Xander!" Sabi ko. Nagpalit lang siya ng pangitaas niya

"Bumaba lang ako para uminom ng tubig. Akala ko tulog ka pa." Sabi niya

"Di na kita inistorbo kanina nung nagthrethreadmill ka." Sabi ko

Tumango siya at umalis. Pero bago siya makaakyat ay may sinabi siya. "Dalian mo diyan at pupunta pa tayo kila Luke" sabi niya at umakyat.

Kumain muna kami ng almusal at ginising ko si Clowie. Hangang matapos ay walang imikan kasi sobrang intimidating na si Xander sa mga kilos niya. Nilalagyan niya din ung plato ko ng pagkain. Tinigil lang niya nung tinig ko siya ng masama. Pagkatapos nun ay gumawa na ulit kami ng thesis.

Matapos namin gumawa ng 2 hrs para sa documents namin sa thesis ay bumaba naman sila Clowie. "Hatid ko lang si Clowie at magbibihis lang ako sa bahay. Be ready in one hour. Sakto na siguro un."

"Pero Xander-" agad naman pinutol ni Xander ang sasabihin ko

"No buts" sabi niya at tumalikod sakin.

"Bye ate Ria! Visit ka naman sa bahay minsan! Miss ka na ni mommy" sabi niya at hinug ako.

"Ingat, clowie! And sure! Vivisit ako. Soon" sabi ko. Nginitian ako ni clowie at nagpaalam siya sakin.

Nagbreakfast muna kami tapos dumating na si Xander.

"Suotin mo to." Sabi niya. Sabay abot sakin ng jacket na blue at black sa sleeves. Mukhang couple jacket nanaman to. Tapos inabot niya din sakin ang white v-neck shirt. Ito nanaman ako sumusunod sa utos niya kahit alam kong hindi naman kailangan.

Kinuha ko ung damit at hindi na ako umimik umakyat na ako. Sinuot ko ung damit na binigay niya at nagshorts na maong ako tapos nag converse ako na blue. Sinuot ko din ung necklace na binigay niya noon.

Hinanap ko si Xander pag baba ko kaso wala siya. Nakita ko naman sila Harold na nakatingin sakin. Kaya nginitian ko sila.

"Ibang klase talaga Jam pagmay lovelife na no! Lalo kang gumaganda!" Sabi ni James

"Baliw!" Sabi ko.

"Babaeng babae ka!" Sabi naman ni Harold

"Ewan ko sainyo. Sasabay ba kayo?" Sabi ko.

"Oo, sana.." Sabi nila.

"Xander!" Sabi ko. Palabas na ako pero nakita ko ung isa pa nilang sasakyan na andun at ung sasakyan ni Xander.

"Babe!" Sabi ni Xander na ikinagulat ko. Endearments? What?

"Babe?" Pabulong kong sinabi.

"Oo." Sabay hawak niya ulit sa baywang ko. What the hell?! Xander! Gusto mo ng gantong laro ah!

"Uhmm. X-xander" bakit ako nauutal! Umubo muna ako para maalis ung utal ko. Nakita ko naman na ngumisi siya. "Xander! Nga pala sasabay da-" sumagot siya bago ko matapos ang sasabihin ko.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon