Pagkarating namin sa bahay nila Xander ay sinalubong agad ako ni Clowie. Maganda ang kanyang suot na blue dress at naka pony tail ang kanyang buhok."Ate Ria!" Sabi sakin ni Clowie. Andun na din si Mama.
"Hi Clowie!" Sabi ko. Sabay beso ko sa kanya.
"Namiss kita! Ate Ria!" Sabi ni Clowie. Sabay yakap ni Clowie sakin.
"Jam!" Sabi naman ni Tita Lorraine. Kaya lumapit ako kila mama at kay tita Lorraine at tita Clare. Tapos si Clowie nakahawak sa kamay ko.
"Ma!" Sabi ko sabay beso kay mama.
"Hello po tita!" Sabi ko at bumeso din ako sa kanilang dalawa.
"May business kasi kami pinaguusapn ng mom mo. Kaya ko kayo ininvite dito. About sa appartments niyo." Sabi ni Tita Lorraine. May pagmamayari kasi kami ng apartment. 3 pinto dun sa montalban tapos isang buong bahay naman sa banaba.
"Pero before that let's eat first" sabi ni tita Clare
"Tabi tayo ate Ria!" sabi ni Clowie.
"Sure!" Sabi ko
"Kailan vacant day mo?" Sabi ni Xander
"Sabado. Why?" Sabi ko
"Okay. Wala lang." sabi niya.
Hindi ko nalang siya pinansin. Tatanong tanong tapos pag ako nagtanong napakasungit sakin. Tse!
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kila tita at mama mukha kasing mahaba haba paguusapan nila. Dala naman ni mama kotse niya kaya sabi ko maglalakad nalang ako. Kahit medyo malayo paglalakarin mo ung amin sa kanila.
"No hindi ka pwede maglakad lang! Xander hatid mo si Jam" sabi ni Tita Lorraine.
"Sama ako!" Sabi ni clowie
"Haay. Tara na.. No clowie you stay. May homework ka pa. Maybe some other time." sabi ni Xander
Nalungkot naman ung mukha ni Clowie.
"Ayos lang yan Clowie sa susunod nalang pagwala kang homework. Text kita mamaya." sabi ko at ngumiti na si Clowie.
"Bye ate Ria! Ingat!" Sabi ni Clowie
Sumakay na ako sa sasakyan ni Xander.
"Kaya kita hinatid at hindi ko pinasama si Clowie ay may sasabihin ako sayo." sabi ni Xander
"Ano un?"
"Kailangan mong magpanggap na Boyfriend mo ko at Girlfriend kita. Gusto ka ng mom ko. Kilala ka na ni Ericka. Kaya tingin ko magseselos na siya."
"Ha? Inuutusan mo ba ako?"
"Oo kaya sa ayaw mo sa hindi fake girlfriend na kita."
"Aba! Ayoko nga!"
"Basta fake girlfriend na kita. Alam ko kasi hindi ako maiinlove sayo. Pero binabalaan na kita. Wag kang maiinlove sakin. Masasaktan ka lang." sabi niya. Aba! Humanda ka sakin Xander De La Vega! Hindi ako maiinlove sayo! Ikaw ang maiinlove sakin! Argh! At pag nainlove ka sakin bahala ka dyan! I accept the challenge!
"Fine!" Sabi ko at nakarating na kami sa bahay ko.
Nakangisi naman si Xander at bumaba na ako agad hindi ko na siya tinignan pa!
8pm ako umalis dun kina Tita Lorraine at si Mama 10pm na nakauwi. Sabi ni Mama sakin na may negosyo at bagong apartment silang gagawin nila Tita Lorraine. Sisimula lang daw muna sa mga ganto. Tutulungan daw kami ni Tita Lorraine tas susunod na daw paupahan na pabuilding pag naging successful condo naman daw. Hindi related sa kahit anong business ang course ko pero sana magwork ito. Ang alam ko si Xander Business Management ang kinukuhang course para sa negosyo nila. Akalain mong sa yaman nila sa gantong village sila nakatira. I mean pansin ko kasi mga nakatira dito ay middle class lang hindi ganon kayaman katulad nila Xander. Kahit sabi nila may mga artista din daw na mga nakatira dito.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
أدب المراهقينSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...