Nakita ko agad ang Tito ko at ang dalawa kong pinsan na nakatayo sa labas. Naka shorts si Ciara at naka itim na v-neck shirt. Si Fionna naman ay naka simple pink dress naman.
Naka shorts ako na maong tapos naka white na blouse ako. Suot ko din yung necklace na binigay sakin ni Xander. Nung nakita nila ako bigla silang tumakbo at sumigaw.
"Ria! Nandito ka na ulit!" Sabi sakin ni Ciara at hinug ako.
"Hi Ria! I miss you!" Sabi naman ni Fionna.
"Namiss ko din kayo! Nasan si Cj?" Sabi ko. Si Cj ang nagiisang lalaking pinsan ko. Na kapatid ni Ciara.
"Wala Couz! Busy siya madaming tinatapos." Sabi ni Ciara
"Busy? Magpapasko na ah!" Sabi ko
"Gusto kasi sumama mamaya sa mango square eh." Sabi naman ni Fionna
"Ano meron dun?"
"Bars basta ung mga ganon. Pinayagan kami eh. Pinaalam ka na din namin kay Tita nasa Manila pa kayo at pumayag siya basta kasama si Cj. Pagkatapos ng Noche Buena mamaya." Sabi ni Ciara
Tumango ako sa sinabi ni Ciara at pumunta na kami agad sa crown regency kung saan kami magstastay ni Mama for 3 days. Meron kaming bahay kami dito sa Cebu kaso hindi pa tapos irenovate kaya sa hotel nalang kami.
Pinilit pa ako nila Ciara na dun nalang sa kanila tumira kaso ayoko. Mas gusto ko sa hotel.
"Bakit di nalang kayo magstay sa Hotel?" Sabi ko naman.
"Pwede din! Makikistay nalang kami dun sa room niyo! Sure naman malaki yung kinuha niyong room ehh!!" Excited na sinabi ni Ciara.
"Bahala kayo! Basta magswimming tayo mamaya!" Sabi ko
Habang papunta kami sa Crown Regency ay tinext ko si Luke na nakarating na ako ng Cebu. Sabi niya kasi sakin Itext ko siya pag nasa Cebu na ako. Ganon din naman si Clowie tinext ko din na nasa Cebu na ako. Si Tita Lorraine naman kinakamusta ang flight namin kaya sinabi ko na ayos lang naman.
Sige salita ni Ciarra at Fionna pero hindi naman pumapasok sa utak ko yung mga sinasabi nila. Kaya tumatango nalang ako minsan.
"Oi! Ria! Magkwento ka naman! Ano meron sa Manila? I mean ano na nanyayare sayo sa Manila?" Sabi ni Fionna.
"Ganon pa din walang pinagbago." Sabi ko at nagkibit balikat nalang. Hindi naman talaga ako pala kwento kahit kanino except sa mga best friends ko sa Manila. Close kami ng mga pinsan ko pero yung mga nanyare sa Manila. Sa Manila nalang siguro yun at ayoko na dalin pa ito sa Cebu.
Ang Cebu ang takasan ko. Ito naman talaga probinsya namin eh. Parang para sakin pag pumunta ako dito gusto ko kalimutan lahat ng problema na nanyare sa Manila. Mga projects na kailangan ko gawin, mga kung ano ano pa related sa school. Sadyang ayoko muna isipin. Kahit tatlong araw lang.
"Uuwi muna kami pagkahatid namin sainyo dun sa Hotel. Dun naman tayo magNonoche Buena kila Fionna this year kaya dun nalang tayo magkita kita mamayang 6pm tapos mga 9pm or 10pm punta na tayo dun sa sinasabi namin kanina" sabi ni Ciara.
"Para kang secretary ni Ria!" Sabi naman ni Fionna na ikinatawa namin.
"Ewan ko sainyo! Mag skywalk tayo bukas ahh! Tapos swimming tapos kung ano ano pwede gawin sa crown. Bonding tayo guys! I really miss you!" Sabi ko tapos hinug ko sila. Nasa gitna kasi nila ako sa sasakyan nasa harapan naman si Mama tapos si Tito nagdadrive. Dati simula ng nakaroon ng license si CJ ay siya ang nagsusundo samin pero ngayon dahil busy siya si Tito muna ang magsusundo samin.
Nakarating kami sa Crown Regency. Hinatid nila kami sa may room namin bago sila umalis. Tumambad sakin ang isang malawak na room na may dalawang kama. Mula sa floor na ito makikita ko ang mga building at iba iba pa. Ang ganda siguro pag sa gabi. Lalo na pagnatry mo yung skywalk. Makikita mo talaga ang tanawin.
BINABASA MO ANG
Isang Umaga
Teen FictionSabi nila ang utak pwedeng turuan kung sino at ano ang pipiliin natin kung sinong gugustuhin natin. Pero ang puso mahirap diktahan kung sino at ano ang pipiliin. Ang Isang Umaga ay kwento tungkol kay Jamella Ria Salvador isang babaeng NBSB. Isang...