10

201 3 0
                                    


"30 mins na at hindi pa tayo umaalis! Tara na!" Sabi niya at naglapag siya ng pera tapos hinila niya na ung kamay ko. Lumabas kami ng bar ng nakaholding hands! Agad niya akong sinakay sa sasakyan niya at napatulala ako tapos tumingin sa kanya ng nakapasok na siya.

"What the hell?!" Sigaw ko.

"Anong what the hell?! Sinong may sabi sayong pwede kang uminom?! Kaya ba pumayag na sumama kanina?!" Sabi niya. Nakikita ko na nagalit siya sa ginawa ko. Simpleng inumin lang eh. Anong pinuputok ng butchi nito!

"Bakit ka ba galit na galit?! Hinayaan na nga kita dun muna sa mga kaibigan mo eh. Tsaka 19 na ako! In fact, malapit na ako mag 20 so anong masama dun! Parang malalasing sa 2 bote ng T.ice!" Tinignan niya ako ng masama at umirap.

"Ewan ko sayo Jam! Bar un! Madaming lokong lalaki ang andun! Tapos humiwalay ka samin tapos uminom dun ng magisa! Ano bang iniisip mo? O baka naman hindi ka nagiisip!!" Tsaka umirap sakin ulit. Sana magkadabuhol buhol ang mata niya kakairap sakin!

"Fine! Sorry, uminom ako. Pero hindi mo na dapat diktahan ang gagawin o hindi ko dapat gawin. Fake boyfriend lang kita so kung gusto ko uminom iinom ako! Ako hindi nagiisip?! Baka naman ikaw ung di nagiisip! Sinama sama mo ko dito tapos bawal ako uminom! Baliw ka ba?!" Sigaw ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko dugtungan ang sasabihin ko. "Magdrive ka na nga lang!.. Gusto ko na umuwi. Wala din naman mangyayari sa usapang ito." Sabi ko

Hindi kami nagusap hangang sa makarating na kami sa bahay. Ano bang problema niya? Diba dapat ako ung may problema! Kasi para lang akong hangin pag kasama ko ang mga kaibigan niya at sila Ericka. Lagi akong out of place. Kasi sure ako un naman talaga ang mangyayare pagkasama ko sila.

"Jam.." Sabi niya nung akmang bubuksan ko na ung pintuan ng sasakyan niya.

"Sorry din.." Sabi niya at lumabas na ako. Ayoko siya makausap o ano man kaya pumasok na ako agad sa bahay.

Sa mga nakaraang araw ay hindi kami madalas nagkikita ni Xander. Pag niyayaya niya ako sumama sa mga kaibigan niya ay sinasabi kong busy ako kasi malapit lapit na midterms namin at kailangan na namin magaral. Pumupunta punta ako kila Xander para bisitahin si Tita Lorraine at Clowie pa minsan minsan ay nakikita ko siya dun.

"Jam!" Tawag sakin ni Yannie. Maganda si Yannie saaming apat ay siya ung pinakamadaming fans? Suitors? Stalkers? Haha hindi ko alam ang tawag. Kasi may boyfriend ang isang to.

"Bakit?"

"Sama ka samin?"

"San?" Sabi ko.

"Swimming party pagkatapos ng midterms.." Sabi ni Yannie.

"Sino mga kasama?"

"Tayo tayo mga magtrotropa. Ano sumama ka na? Kung gusto mo isama mo nalang si Xander. Tsaka parang christmas party na din natin to!" Sabi niya. Saaming magkakaibigan ay ako at si Anne ang walang boyfriend syempre hindi consider na boyfrien ko si Xander kasi fake lang naman un.

"Tignan ko." Sabi ko.

Pumasok na kami sa classroom at isa isa ng nagdadatingan ang mga kaibigan at kaklase namin.

Bigla naman akong pinaulanan ng tanong ng mga kaibigan ko tungkol dun sa christmas party na sinasabi nila. Papayagan siguro ako kung si Xander ang magpapaalam kay Mama. Yun ang ayaw ko mangyare na sumama siya samin. At isa pa December un! Ibig sabihin tapos na kami. Tapos na ang lahat ng time na un!

"Jam! Bakit ba kasi ayaw mo sumama?" Sabi ni Anne sakin

"Hindi naman sa ayaw pero kasi magpapaalam pa ako. Tsaka malayo pa naman diba?" Sabi ko sa kanila.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon