6

251 6 0
                                    


*kring kring kring kring kring kring*

Oras na para gumising. *yawn*

Nakaharap ako sa pader ng gumising ako. Teka kaninong kamay tong nakayakap sakin? Pagkaharap ko ay nakita ko si Xander na nakapikit pa din.

"Waaaaaaaaaah! Bakit ka nanditoooooo?" Akala ko panaginip lang totoo pala talaga. Natulak ko siya kaya nahulog siya.

"F*ck! Ano ba?!" Sabi niya.

"S-sorry nagulat ako sayo. Sino ba naman kasi may sabi sayong matulog ka dito?"

"Wala pero nagising ka kanina diba?"

"Akala ko panaginip lang eh.." Mahina kong pagkakasabi. At bigla kaming nanahimik. Inaayos niya ang kanyang sarili. Tapos nakahawak siya sa kanyang balakang. Mukhang mali ata ung pagkakabagsak niya kanina.

"Anong oras ka ba talaga umaalis?"

"7:30am." Bakit ba kasi tinatanong niya? "Ano bang meron?" Tanong ko.

"Hahatid ka namin ni manong. Tapos susunduin ka din namin magpapahatid sundo nalang ako kay manong para hindi nakakapagod magdrive. Ang layo din ng school niyo eh." Haba ng sinabi niya. Bakit niya ba to ginagawa in the first place. Kung tigtignan mo siya impossibleng di ka mainlove sa kanya. Pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko kasi alam kong si Ericka gusto niya at siguro ginagawa niya lang to kasi sabi ni Tita Lorraine.

"Sige, maliligo na ako. Bumaba ka na dun"

Dumiretso na ako sa banyo. Pagkatapos ko un sabihin.

Susunduin niya ako mamaya? Meaning makikita nanaman siya ng mga tao sa school. Napansin ko lang kasi simula nung mga nanyayare ay kaunti nalang nangungulit sakin. Buti naman. Ayaw ko kasi ng mga makukulit eh.

Pagkatapos ko maligo, wala na siya sa kwarto ko. Syempre. Tapos nagbihis ako ng uniform sinuot ko din ung jacket na binigay niya nun at bumaba na para kumain. Pagkatapos kumain ay pumunta na agad kami sa school.

"Nagpaalam nga pala ako kay tita" sabi ni Xander

"Para?"

"Para sa sabado may pupuntahan tayo pagkatapos ng klase mo. Sa may bgc birthday ni Ericka so isasama kita" ha? Bakit kailangan kasama ako dun. Sure naman akong di ako invited ni Ericka. Pero bakit niya ako isasama. Tsaka sabado, e diba un din ung sinasabi niyang game nila?

"Diba may laro kayo ng sabado?" Sabi ko

"Oo sa tanghali tapos sa gabi ung party ni Ericka." Dami naman kasingbalak nito. Tsaka sa sabado na pala ung birthday ni Ericka.

"Ilang taon na si Ericka?"

"Mag-20 na din" sabi niya.

Hindi na ako kumibo at nanahimik na ako. May isa akong tanong na di ko masagot. Bakit sa lahat ng sinasabi niya ay sumusunod ako? Maari kayang.. Hindi. Hindi. May balak din kasi akong masama kaya sumusunod ako.

Gabi na ng uwian namin 7pm at pagkababa namin sa FIT Building ay tanaw ko na agad ang itim na SUV nila Xander. Nakasandal siya sa pintuan at nakapamaywag. Naka polo siya na navy blue at naka jeans siya.

"Guys! Tara may ipapakilala ako sainyo." Sabi ko sa mga kaibigan kong babae at lalaki. Medyo madami din kasi akong kaibigan.

"Xander!" Tawag ko kay Xander. Na agad naman tumingin saakin. Bumeso ako sa kanya na ikinagulat niya.

"Friends ko nga pala. Anne, Yanne, and Mae" sabi ko habang tinuturo ko sila. "Tapos sila Miguel, harold, james at red." Tinuro ko din sila. Mukha atang nagulat si Xander kasi pinakilala ko siya sa mga kaibigan ko. Ayoko maging complicated ang lahat pero syempre gusto ko may benefit din ako sa lahat ng to. Hindi ako mabait. Alam ko un sa sarili ko.

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon