13

167 4 0
                                    


Pagkatapos ng party/outing na nangyare ay naging tahimik ng bahagya ang buhay ko. Nagkabalikan sila ni Ericka. Nalaman din ni Ericka na nagpanggap lang kami kaya siguro hindi na galit sakin un. Kinuwento sakin ni Xander un nung isang araw na nagkita kami sa bahay nila. Binisita ko kasi sila Tita Lorraine nakipaglaro na din ako sa bagong alaga ni Clowie na si Lucas. Chow chow yung bagong aso nila Clowie.

Pagkababa ko ng building namin para umuwi ay may nakita akong Ferrari California na kulay blue. Na may nakatayong isang pamilyar na lalaki sa gilid ng kanyang sasakyan.

Nakakulay blue na sweater na may nakalagay na Nike, naka maong na jeans at black na kicks. Naka cross arms siya na para bang may inaantay.

"Luke!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa kanya. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Bakit ka nandito?" Pagkalapit ko sa kanya.

"Inaantay ka. Grabe natapos lang ung pagpapanggap niyo ni Xander hindi na tayo nagkita." Sabi nito.

"Inaantay mo ko?" Paguulit ko sa sinabi niya. Tumango siya.

"Oo nga! Tara sama ka sa dinner namin." Sabi niya. Kasama sila Ericka? Mago-one month palang nung huli ko silang makita. Mukhang ayoko pa sila makita ulit.

"Sinong sila?" Sabi naninigurado lang

"Sila Xander.." Sabi niya. Sabi na nga ba eh. Uwi nalang kaya ako. "Pero kung ayaw mo ayos lang naman. Kami kami lang naman boys ung nandun ehh" dugtong niya. Ngumiti ako saka pumayag na lang. Tapos nanaman un diba? Dapat tapos na din yang nararamdaman mo Jam.

NakaCorporate Attire ako ngayon kasi Monday. Naka puting pencil cut skirt ako at navy blue na blouse na. At naka pumps na red. Galing nga pala tong pumps kay Xander di ko pa na babalik. Wrong timing naman nitong pagsama namin ni Luke sakanila. Sana di niya napansin.

"Late again Luke??" Sigaw ng mga kaibigan ni Luke nung nakita nila si Luke. Nasa likuran niya ako na parang nagtatago ako sakanila. Ngumisi lang si Luke sa sinabi ng kaibigan niya.

"May kasama ka pala?" Sabi ng isang pamilyar na boses sakin. Walang iba kundi si Xander. Kaya sumilip na ako sa kanila.

"Hi!" Sabi ko ng nakangiti. Nakita ko si Ericka at Xander na magkasama. At mukhang nagulat din ang mga kaibigan niya at si Ericka na nandito ako.

"Akala ko ba kayo kayo lang?" Bulong ko kay Luke.

"Yun ung alam ko." Pabulong niya din na sinabi sakin.

"So.. Jam how are you?" Sabi ni Ericka.

"I'm good" sabi ko ng nakangiti.

"Buti hindi ka nasaktan sa na-" pinutol siya ni Xander sa pagsasalita sa pagsiko nito sa kanya. Ngumiti ako bago magsalita.

"Alam mo Ericka wala akonh pakielam sainyong dalawa ni Xander. Alam mo namanna FAKE lang ung nanyare diba? Kaya wag ka ng magmaldita sakin. Kasi kahit anong mangyare sayong sayo si Xander at never ko siyang magugustuhan." Ngumiti ako bago tumayo sa kinauupuan ko. "Excuse me, CR lang ako." Dugtong ko.

"Waaaaah!" Sabi ko ng nasa loob ako ng isang cubicle. Pagkalabas ko ay laking gulat ng nakita ko si Trisha.

"Dati si Xander ngayon si Luke. Tsk tsk tsk" sabi niya habang nagaayos siya. Nakaflared dress siya na kulay pink at close shoes na black.

"Anong pinagsasabi niyo? Hindi pa ba klaro sainyo ang nanyare?" Mataray ko na sinabi.

Umirap siya bago magsalita. "I'm just saying na.. You're not bagay to us! Hindi ka bagay samin. And wag kang magfeeling di ka maganda!"

Isang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon