Chapter 24

7 0 0
                                    

Tahimik akong naglalakad pauwi ng bahay at halos hindi mawala sa isip ko ang nangyari nitong mga nakaraang araw.

Napahinto ako at tumingin sa paligid. Gusto kong uminom, baka sakaling makalimot ako sa problemang ito. Kahit saglit lang, ang dami dami na lungkot at sakit sa puso ko.

Mabilis kong pinara ang taxi na aking nakita at itinuro ang address na gusto kong puntahan. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan ay tumuloy pa rin ako.

Nang makapasok sa bar ay mabilis kong tinungo ang pwesto lagi kong pinupwestuhan tuwing iinom ako mag-isa.

"Hi Sez!" bati ni Bark. Yung baklang bartender sa bar. Ngumiti lamang ako sa kanya.

"The usual" sambit ko. Mabilis naman siyang tumango at mi-nix ang aking paboritong inumin. Nang ilapag niya ito sa harapan ko ay dali dali kong nilagok at inubos ng isang tunggaan. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang guhit ng init sa aking ngala-ngala.

"Sis! kalma! grabe ka naman! sobrang lakas ng amats nito. Loka-loka ka!" sambit niya. Thumbs up lamang ang naging sagot ko sa kanya. Nang mag-serve muli siya at ganun parin ang ginawa ko hanggang sa maramdaman kong umiikot na ang aking paningin.

Palaging mukha niya ang pumapasok sa aking isipan sa tuwing pipikit at lalagok ako ng alak. Ganun ko ata ka-mahal si Dean at kahit anong sulok ng mukha niya ay alam ko.

Hindi ko na alam kung ilang baso na ang aking nainom. Ti-nry kong tumayo ngunit pakiramdam ko ay sobrang lambot ng sahig at parang tubig na umaalon.

Naramdaman ko na lamang na may pumulupot sa aking bewang at nakaalalay sa aking katawan upang makapaglakad pa ng tuwid.

Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking buong katawan dahil sa hawak na iyon.

Kahit na hindi ko na maimulat ang aking mga mata at pakiramdam ko ay bagsak na bagsak na ngunit ang aking isipan ay buo pa din at nakakapag-isip pa.

Kailangan kong umuwi mag-isa at lumayo sa nilalang na may hawak sa akin! Mahirap sa panahon ngayon! Maraming babaeng nare-rape dahil sa ganitong sitwasyon!

"Kaya ko mag-hisha!" bulyaw ko.

"We both know that you can't walk properly anymore, baby" Halos pamindigan ako ng balahibo sa aking buong katawan sa aking narinig. Masydong malapit ang kanyang bibig sa aking tainga na siyang nagbigay kiliti sa buong katawan ko.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw kong muli at sinibukang manlaban ngunit hindi ko talaga kaya ang lakas niya. Siguro dahil lasing lang ako o babae lang talaga ako.

Hindi na siya nagsalita pa ngunit patuloy lamang niya akong inalalayan hanggang sa nasa harap na kami ng kotseng itim.

"Ayoko sumakay! mag tataxi ako!" Sigaw ko. Ilang ulit pa akong sumigaw ng sumigaw, pakiramdam ko mapupunit ang aking ngala-ngala dahil dito.

"Kidnap 'to! Kidnap! Hoy!"

Ngunit hindi na ako makareact ng sunod sunod na ang nangyari. Parang sako akong binuhat at binaba sa upuan ng sasakyan at sinuot sakin ang seatbelt.

"Ang hirap talaga pag nalalasing ka." ani niya at lahat ng aking nasa paligid ay naging itim. Tuluyan na kong kinain ng dilim.

Muli akong nagising nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Nagpumiglas pa ako ngunit ramdam ko ang kanyang matigas na palad sa aking magkabilaang kamay.

Alam ko na kahit may tama ang aking utak ng alak ay nasa wisyo pa rin ako ng aking sarili. Ngunit wala nga lang lakas para kumilos pa.

"Listen baby, you are in the safe place! Hindi mo kailangan mag-alala" Halos hindi ko na maunawaan ang lahat. Halos mag black out ang aking isipan.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon