Chapter 26

6 0 0
                                    

Ilang beses akong nagpabalik balik sa banyo kanina pa ako suka ng suka at pakiramdam ko ay lahat ng aking organs ay lalabas na. Ilang araw na akong ganito. Hindi ko lang nasasabi sa kanila dahil ayoko na mag-alala ang sino man sa kanila.

"Sez! Its late for breakfast. You should come out and eat" ani ni Kuya Aki. Nanatiling nakasapo ang aking kamay sa aking noo habang pinindot ang flush.

"Ayokong kumain" simpleng sagot ko at muling humiga sa kama. Tinatamad talaga akong kumilos ngayon at parang sobrang bigat ng aking katawan.

"You have to eat, kagabi hindi ka rin kumain" umiling ako at nagtalukbong ng kumot. Ilang saglit lamang ay lumubog ang tagiliran ng kama. Ramdam ko din ang paghaplos niya sa aking noo.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Bahagya akong tumango at pumikit. Bahagya rin akong may naalala, mabilis akong bumangon at nagtungo sa kalindaryo.

Hindi ako pwedeng magkamali! Hindi pa ako dinadatnan noong nakaraang buwan! Jusmiyo, hindi to pwede! Hindi pwede! Kung tama man ang aking hinuha, ano ang gagawin ko?

Naluluha akong nagbihis, kailangan kong makasigurado muna. Kailangan kong bumili nang pregnancy test para malaman kung meron ngang nagbunga o wala.

Nakakapanghina man pero anong magagawa ko kung sakaling nagbunga?

"What's wrong and where you going?"

"Diyan sa pharmacy, may bibilhin lang ako. Babalik din ako, saglit lang 'to"

Nagpaalam ako saglit kay Tita Mikara bago lumabas at tumungo sa malapit na pharmacy. Meron dito non, paglabas lamang ng village nila ay meron na.

Habang nag aantay ay saglit akong napatingin sa T.V flash report iyon ng isang sasakyang nabunggo sa isang truck ng semento.

"Isang binatang sikat sa larangan ng industriyang musika ang bumanga sa Quirino Road. Napangalanang Dean Orlan ang young singer ng Orlando's music industry. Patuloy na nag-imbistiga ang mga pulisya kung anong sanhi ng aksidente"

Mabilis na nanubig ang aking mga mata, nabigla man sa nabalitaan ay pinili kong ayusin ang aking sarili at hindi bumuhos ang aking mga luha rito sa harap ng pharmacy. Pagkatapos kong binayaran ang aking binili ay mabilis akong naglakad pauwi.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang maibuhos ang lahat. Hindi ma-proseso ng aking utak ang lahat na nangyari ngayon. Ang mga rebelasyon mula sa aking karamdaman kung may nabuo nga at ang aksidenteng natamo ni Dean.

Napahinto ako at muling bumuhos ang mga luha. Kailangan ko siyang puntahan! Dahil kung tama ang aking hinuha sa nararamdaman ko ngayon kailangan niyang mapanagutan 'to! O kung hindi man, kailangan niya pa ring malaman!

Ilang hakbang pa ang aking nagawa bago ko naramdaman ang matinding hilo, nanginginig ang aking mga paa,  at mabilis na umikot ang aking paningin bago tuluyang inagaw ng dilim.

"Kumalma ka nga anak! Hindi naman ikaw ang nakaratay! Bakit ganyan ka umasta? Your over acting!"

"Ma! Sino bang hindi?! Matapos kong makita siya sa kalsadang walang malay?! Maraming pumapasok na masasamang pangyayari sa utak ko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanya! It was my fault that i let her go--"

Ginalaw ko ang aking katawan upang bumabangon. Mabilis naman akong dinaluhan ni Kuya Aki. Pinipilit kong alalahanin ang nangyari kanina. Ano ba ulit 'yon?

"I call the doctor" sabi ni Tita Mikara.

Mariing nakatitig sa akin si Kuya Aki habang hawak ang aking mga kamay. Ilang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago magsalita. Magtatanong sana ako kung anong nangyari ngunit naunahan niya na ako.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon