Chapter 7

16 1 0
                                    

"Ikaw 'to 'di ba?" sabi ni Krisha na hawak ang aking buhok at sa kabilang kamay nito ay may litrato naming dalawa ni Dean.

Hindi ako makasagot dahil alam kong ako talaga iyon. At hindi maikakaila pa, ngunit ayokong aminin dahil mas lalong lalaki ang gulo. Dumating ang araw ng kinakatakutan ko.

"Ikaw 'to!" sigaw niya at halos pagtinginan na kaming lahat ng mga kapwa ko estudyante. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagsabunot sa aking buhok. Pakiramdam ko ay matatanggal lahat ng buhok ko kasama ang aking anit.

"Mga kabanda mo sila hindi ba? Bakit ba ayaw mong sumagot?!" sigaw niya sabay sampal sa akin. Ramdam ko na ang pag-init ng aking mata dahil sa nagbabadyang luha na malapit nang mahulog.

"Mga kapwa ko mag-aaral! Makinig kayo ng mabuti!" sigaw niyang muli at hinatak ang aking buhok upang mapaupo sa kanyang harapan.

"Itong babaeng ito ay isang malandi! Kita niyo yung nakalagay sa dyaryo diba? Pati ang mga naka-post sa group page at site ng school na ito na may malandi na umaaligid sa idol natin na si Dean!" sabi niya sabay ngisi sa akin. Halos maraming estudyante ang lumapit sa direksyon namin at mukha susugudin na ako.

Kabado ako dahil alam kong marami sila at nag-iisa lamang ako.

"Masarap bang mapahiya Sezine?" mahinang tanong nito sabay tawa at tinulak ako ng malakas. Halos mapahiga at halikan ko na ang sahig sa kanyang ginawa.

Rinig ko ang sandamakmak na tawanan at halakhakan ng mga estudyante sa ginawa nila sa akin.

"Kulang pa yan!"

"Dapat lang yan sa malanding katulad niya!"

"Malandi ka!"

"padilaan mo yung sahig sis!"

"Hahahahahaha!"

Wala akong nagawa sa mga sinasabi nila kundi takpan ang aking mga tainga. Wala akong laban dahil sobrang dami nila.

Hanggang sa maramdaman ko na hinatak ang aking buhok at kaladkadin ako sa sahig. Sinubukan kong lumaban ngunit hindi naging sapat iyon upang manalo sa bawat sabunot at sipa na galing sa kanila.

"Anong kaguluhan ito?" sambit ng isang magandang babae.

Pakiramdam ko isa siyang anghel na biglang nahulog dito uoang patigilin ang mga taong nanakit sa akin.

"Sinong may sabi na manakit kayo?" sambit niya. Lahat ata ng tao kaninang nagsisigawan ay biglang nanahimik at tanging ingay ng kanyang takong ang nangibabaw.

Nang makalapit ito sa akin ay hinawakan nito ang aking baba gamit ang kanyang hintuturo.

"Iligtas mo ko please..." naiiyak kong sabi. Ngunit ngumiti lamang ito at sinampal ako.

Sa puntong iyon ay parang namanhid ang mukha ko sa sakit ng magkabilaang sampal niya. At the same time, naaawa sa aking sarili dahil humingi ako ng tulong at sa maling tao pa.

"Iligtas ka?" tumawa ito ng plastic.

"Para saan? Para malandi mo ulit si Dean? Uh oh.. Of course it's a no. " simpleng sambit niya.

"Let me introduce myself to you. I'm Carlie Gian Delos Santos, the future wife of Dean Alistair Orlan." taas noo niyang pakilala. Halos ang lahat ay naka-awang ang bibig at gulat sa kanyang sinabi.

"Sa susunod landiin mo pa ulit si Dean, i will show you how cruel the princess and heiress of fhe Delos santos." matapos ako nitong duruin ay itinulak ako nito. Wala na akong ginawa kundi ang yakapin ang sarili ko at ang umiyak ng umiyak.

Sobrang hina ko sa lahat. Ni hindi ko man lang napagtanggol ang sarili ko laban sa mga taong iyon. Hindi ko man lang naprotektahan ang sarili ko.

"Tapos na ang palabas. Kindly go back to your classroom and let her stay here... Hahaha" ani niya at umalis ito.

Ilang minuto akong nalugmok sa kinahihigaan ko bago ako tumayo ng dahan dahan. Ramdam ko ang bawat sakit sa aking mukha, ulo, braso, tiyan at binti maski ang puso ko ay nakaramdam din ng kakaibang sakit.. Gawa ng bawat sipa, sampal, sabunot at panliliit nila.

Pinilit kong maglakad hanggang sa makarating ako sa banyo. Pinagmasdan ko ang kabuuan ko, may ilang mga pasa at sugat sa aking katawan.

Wala na akong nagawa kundi ngumiti at sabihin sa sarili na 'magiging ayos din ang lahat'  matatapos din ang kalbaryong nararanasan ko ngayon.

Pumasok ako ng classroom at puno ng pagtataka ang nasa mata ng aking nga kaibigan. Siguro ay pansin nila ang pagkamaga ng aking mata at pamumula ng aking ilong.

"Hoy, anong nangyari sayo? Bakit ka naka cardigan? Ang init-init kaya!" bulong ni Kath. Nginitian ko lamang ito at nagfocus sa discussion ng teacher.

Hanggang sa matapos ang klase pansin ko ang kakaibang titig ni Riyo at Kath sa akin. Alam ko na hindi nila ako titigilan hangga't hindi nila malaman ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.

"May gagawin pa kasi ako, una na ako ah? Pakisabi na lang sa iba na hindi muna ako pwede ngayon" sabi ko sa kanila. Wala na silang masabi sa akin nang iniwanan ko na sila roon at nagsimulang maglakad papalayo sa gate ng school.

Usually kasi sa ganitong oras ay may ginagawa kaming magkakaibigan, pumupunta sa mall o di kaya movie marathon sa bahay nila Riyo. Pero ngayon wala akong ganang sumama dahil kailangan ko ring umiwas upang hindi nila makita ang bawat sugat at pasa na aking nakuha.

Habang naglalakad ay ramdam ko ang pagsunod ng pulang sasakyan. Mas binilisan ko pa sa takot na baka kumikidnap ito ng bata.

Nakahinga ako ng maluwag nang mas nauna ito sa akin ngunit huminto din sa kalayuan. Nang nasa tapat ako ng pintuan nito naroon si Dean at tamad na nakasandal sa bintana nito.

"Sakay" ani niya. Umiling lamang ako at naunang naglakad ngunit hinatak lamang ako nito pabalik.

"Sakay, uuwi na tayo" ani niya at marahang pinisil ang aking braso. Ngunit mabilis din akong naka-igik dahil sa sakit.

"A-ayoko" sabi ko at mabilis na naglakad paalis. Lakad takbo na ang aking nagawa upang hindi ako maabutan.

"Isa! Sezine! Sakay na" ani ko. Umiling lamang ako at nagpatuloy saka tumawid sa pedestrian lane. Ngunit hindi na kinaya ng aking binti ay napaluhod na ako.

Isang malakas na busina ang aking narinig dahil sa muntik na akong masagasaan.

"Walang santo diyan para luhuran mo!" sigaw ng lalaki. Pinilit kong tumayo ngunit nadapa lang ako ulit. At napapikit sa sakit.

Hindi ko na kayang maglakad, sobrang sakit...

"Sabi ko kasing sakay e, ayan tuloy" ani niya at binuhat ako.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon