Chapter 14

10 0 0
                                    

Pinaghalo halong kaba, kilig at tuwa ang bumalot sa aking puso. Kung kanina ay inaantok ako samantala ngayon ay gising na gising ang buong diwa ko at mag-aalas kwatro na ng umaga.

Mabuti na lamang at sabado ngayon at walang pasok. Kahit matulog ako ng buong araw ay walang problema.

"Baby, i can't sleep. Galaw ka ng galaw" ani niya at halos manigas ako ng yakapin niya ako mula sa likod.

"I need to sleep. It's already 4 in the morning, may lalakadin pa ako mamaya. Let's sleep, you need to rest too" ani niya. Niyakap ko na lamang ang kanyang braso saka pumikit at unti-unting nilamon ng kadiliman na may ngiti sa labi.

Magtatanghali na nang magising ako. Ramdam ko ang bigat ng talukap at katawan ko. Ngunit nagpasya ako na bumangon at nagtungo sa kusina.

May iilang sticky note na naiwan sa Ref. Kaya dali dali akong lumapit roon at binasa ang nakasulat rito.

'I prepare you lunch, it's on the table. Don't skip your meal, understood? i'll be home before 6'
-Your baby

Napatango na lamang ako at iniit ang kanyang inihanda. At kumain mag-isa. Ngayon ko napagpasyahan na laban ang mga labahan dahil bukas ay pupunta ako sa sementeryo upang dalawin ang yumao kong mga magulang.

Matapos ang mahabang labahan ay nagpahinga ako sa sofa at binuksan ang T.V.  ngunit pinatay ko din ito ng puro telenobela ang laman nito.

"Hayst, nakakatamad. Hindi man lang ako makalabas" ani ko at pumasok sa kwarto at nagtingin tingin sa gamit ni Dean.

Sobrang maaliwalas ang kwarto at kabuuan ng apartment ni Dean. Malinis kahit hindi ka na maglinis.

Napa-awang ang aking labi ng mahulog ang isang box. Mabilis kong dinampot ito ngunit may nahulog na isang sobre at nagkalat ang mga litratong nasa loob nito.

Muling napa-awang ang aking labi sa aking nakita.

Mga litrato ko ito at halos lahat ay stolen photo. Sa likod ng litrato ay may Date at ilang dinetalyeng memories noong araw na iyon.

-June 29, 2004

'I met a girl who's love playing music. I don't know her name but im willing to know it'

Napangiti ako sa litratong iyon. Iyon ay yung nasa loob ako ng music Area at tumutugtog ng Piano.

-July 4, 2004

'I see her again but this time she's talking with one of my bestfriend Somma'

Napakagat ako ng labi ng makita ko kung gaano katamis ang aking ngiti roon. Naaalala ko pa ang araw na ito. Ito yung araw na sinabi niya sa akin na gusto niya si Riyo at syempre, natuwa naman ako dahil si Riyo ang nagustuhan niya, hindi ang iba.

-July 7, 2004

'i finally fall for her. Damn, it was so fast but i slowly loving her... In each everyday'

Mas lalong lumawak ang aking labi ng makita kong nakatalikod ako rito at naglalakad mag-isa sa corridor.

-July 10, 2004

'I always see her in free time with her friends. Gusto ko sanang kausapin at lapitan siya, kaso naduwag ako at pakiramdam ko ay mag-cocollapse ako sa harapan niya'

Ang litratong ito ay candid. Kung saan kaming tatlo ay halos mamatay na kakatawa.

Napahinto ang aking mata sa isang litrato. Kamay lamang ito na magkahawak.

-October 13, 2004

' i fetch her after her work. It's the first day i try to lose my worry and make my self brave to face her'

Napaawang muli ang aking labi dahil sa aking nabasa.

Napatingin na lamang ako sa pintuan kung saan siya nakatayo roon at nakangiting nakatitig sa akin.

Unti-unti itong lumapit sa akin at dinampot ang mga litratong nagkalat.

"I never thought you will see this kind of my collection" ani niya.

"Sorry, hindi ko naman ginusto paki--"

"It's fine. Hindi naman kawalan kung makita mo ito, it was the picture story of mine. The day i first met you and the current day we live together" ani niya at marahang pinisil ang aking palad.

Napa-angat ako ng tingin at sakto kapantay nito ang aking mukha. At unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Napapikit ako ng naramdaman kong dumampi ang kanyang labi sa akin.

Napakapit na lamang ako sa kanyang damit upang hindi mawalan ang aking balanse.

Nagmulat ako ng huminto ito at niyakap ako.

"In everyday comes, i always fall with your softness" ani niya. Gumanti na lamang ako sa kanyang yakap at napangiti ng sobrang lawak.

"Talaga lang huh?" tanong ko. Kumalas ito ng yakap sa akin at mabilis na humaba ang kanyang nguso.

"Totoo naman ah, 'di ka ba naniniwala?" tanong niya. Hindi ako sumagot bagkus natatakot ako na baka magkamali ako. Ayoko munang mag-una una sa gusto ng tadhana, bahala na siyang magbukas ng mga bagay bagay na dapat magbukas.

"Hayst, ano ba ang dapat kong gawin para maniwala ka?" tanong niya.

"Wala ka namang dapat gawin. Hayaan mo muna ako" ani ko at nag-iwas ng tingin.

"O sige, kung yan ang gusto mo. Basta lagi mong tandaan, mahal kita" ani niya at tumayo ito saka nagtungo sa banyo.

Niligpit ko na lamang ang iilang litrato at ibinalik sa lagayan nito. At saka tumungo sa sala at nagbasa ng inaral namin noong nakaraan.

Napatuwid ako ng upo ng marinig ko ang bukas sarado ng pinto at ang paglubog ng sofa sa aking gilid.

Sunod kong naramdaman ay ang pagdikit ng kanyang ulo sa aking balikat at sinamahan ako sa pagbalik aral.

"Ilang taon na silang patay?" tanong niya habang pinapanood akong linisan ang lapida ng aking magulang.

"4 years na." sagot ko. Nang matapos kong punasan ito ay nagtirik na ako ng kandila at inayos ang dala kong bulaklak at iilang pagkain na parehas nilang paborito.

"Ang tagal na pala, how you accept it? Pakiramdam ko kasi, sobrang hirap ng bahay na 'yon." tanong niya. Napasandal na lamang ako sa kanya at tinignan ang lawak ng sementeryo.

"Noong unang taon, syempre sobrang hirap. Walang araw na hindi ako umiiyak pero noong pangalawang taon na, unti-unti ko nang tanggapin ang mangyayari sa buhay. Sabi nga nila, kung may aalis, may dadating.

Siguro kaya agad silang kinuha dahil alam ng Diyos na may paparating na isang tao. Isang tao siyang masasandalan ko pagdating ng araw..."

I hope it's you...

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon