Chapter 10

10 1 0
                                    

"You are the girl who catch my eyes." ani niya at hinawakan ang aking baba. Napalunok na lamang ako sa kaba ng kanyang ginagawa.

"K-kailan?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit parang may paru-parong nagliliparan sa aking tiyan sa kanyang pag-ngiti ng sobrang tamis.

"Noong kumakanta ka sa Music room it was Febuary 14. I can't forget that day. Your sweet song, your smooth voice and your angelic face." nakangiti nitong sabi. Hindi ko na alam ang ire-react pa dahil sa kanyang sinasabi. Ang akala ko noong araw na iyon ay walang tao roon. Pero meron pala.

"Araw-araw akong bumabalik sa lugar kung saan kita unang nakita kaso hindi na ulit kita nakita roon." buntong hininga naman nitong sabi habang nilalaruan ang aking mga daliri.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa simpleng guesture na kanyang ginagawa.

"Until i saw you talking with one of my friends and giving him a good shot of your smile. Im just kinda jealous that day at inaway ko 'yong kaibigan kong 'yon sa sobrang bwiset ko sa kanya. Kala ko tataluhin pa ako e" ani niya. Pinisil ko na lamang ng kanyang ilong sa gigil.

"Sira ka talaga, baka isang simpleng pag-uusap lang 'yon. Hayst, pinahirapan mo lang yung sarili mo sa kakaselos sa wala naman. Hahahha" natatawang ani ko.

Napatili na lamang ko ng hapitin niya ang aking baywang at inilapit sa kanya.

"Im not good man when i got jealous baby. So, watch out" ani niya. Napa-awang na lamang ang aking labi.

"Im kinda possessive when i know it's mine and I won't share what's mine. Remember that" dagdag niya pa at sabay pisil ng aking ilong. Agad akong lumayo sa kanya dahil sa kanyang pananalita. Kanina parang umaamin pa siya ba't ngayon parang naging possessive na?

"Teka lang. Nag ko-confess ka kanina 'di ba?! Bakit parang naging posessive ka na ngayon?" tanong ko. Ngunit sa halip na sagutin ako ay lumapit lamang ito sa akin at samantala ako ay unti-unting umatras hanggang sa napahiga na lamang ako at. Nakapa-ibabaw ito sa akin.

"Yeah. Im confessing a while ago but Im getting jealous because i remember something. But nevermind, you're my girlfriend now. No buts" sambit niya sabay halik sa aking labi.

Halos matulala ako sa kanyang ginawa at napatitig na lamang ako sa kanyang mukha. Ang mga makakapal na kilay, nag-aalab na mata nito, matangos na ilong at perpektong hugis ng panga ay alam ko nakakalaglag panty na talaga.

"Pero...kasi...uhm..ah..."

"Say it directly. I don't understand"
Ani niya. Pakiramdam ko ay doon bumalik ang aking ulirat sa kanyang sinabi. Bakit nga ba ako nauutal?

"H-hindi mo naman kasi ako niligawan e. Tayo agad? Agad-agad?" tanong ko. Tumaas lamang ang sulok ng kanyang labi bago magsalita.

"Inuwi na nga kita e." umikot na lamang ng aking mata sa kanyang sinagot. Oo nga, inuwi niya ako pero wala naman siyang sinabing magiging  girlfriend niya ako. Ano ba naman kasing malay ko.

"So kaya pala kahit anong tanong ko sayo kung bakit mo ko dinala dito hindi mo masagot kasi 'yon lang yung rason?" tanong ko. Tumango lamang ito humiga saka isinuksok ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Ahhh, heaven" ani niya na ikinalaki ng aking mata.

"Oy! Kamayakan na yan huh!" sabay palo sa kanyang braso. Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kanyang yakap.

"Your arms is my peaceful place.." hindi na ako nakapagsalita pa ng naramdaman kong bumigat ang kanyang paghinga.

"Antukin Haha" 'yon na lamang ang aking nasambit dahil mabilis na lumalim ang tulog nito.

Ang aking mga talukap ay unti-unti na ring bumibigat at kahit anong laban ko ay hindi na talaga  kaya pa.

"Aba aba, buhay ka pa pala" sambit ni auntie. Napayuko na lamang akong tumungo sa aking kwarto at kinuha ang iilan kong gamit.

"Kung lalayas ka na, mabuti 'yon. Sabihin mo na lang sa mayaman na kumupkop sayo na wag niyang kalimutan ang usapan namin kundi alam niya na" agad akong natigilan sa sinabi ni Auntie. May usapan sila ni Dean? Ano naman 'yon? Hindi kaya....

Mabilis kong inayos ang lahat na aking dadalhin. Aalis na ako dito hindi dahil mayaman si Dean at kaya niyang ibigay lahat ng pangangailangan ko. Ito ay dahil sobra sobra na ang paghihirap na pinapadanas nila sa akin. Gusto ko nang kumawala sa posas na nakatali sa kamay at paa ko.

Nang makarating ako sa apartment ni Dean ay naabutan ko itong nagluluto. At halos mahulog ang aking panga dahil wala itong pang-itaas at feel na feel nito ang pagluluto na topless.

"Dean..." Tawag ko rito. Nakangiti itong humarap sa akin.

"Tapatin mo nga ako. Anong usapan niyo ni Auntie?" Tanong ko. Pansin kong natigilan ito sa aking tanong at nagbaba ng tingin tsaka tumango.

"We have an agreement." Sambit niya at binalikan ang pagluluto.

"I will have you but i will pay their bills as payment" napa-awang ang aking labi sa kanyang sinabi.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Hayaan mo sila--"

"I have to. Kung hindi ko gagawin 'yon sasaktan at sasaktan ka nila hanggang sa gusto nila!" Ani niya. Nabigla ako sa biglaang pagtaas ng kanyang boses.

"Hindi mo nga kailangang gawin 'yon. Hayaan mo silang magawa 'yon. Responsibilidad nilang bayaran ang mga bayaran nila monthly. Hindi ikaw ang dapat gumawa non." Hindi ko mapigilang tumaas din ang boses sa inis.

Ayoko ng ganito dahil gusto lamang nilang gatasan si Dean at gamitin akong pain upang huthutan pa ng huthutan si Dean.

Pinatay niya ang kalan at humarap sa akin saka naglakad patungo sa direksiyon ko.

"Money its nothing to me baby. It was you, the most important to me. Kahit gumastos pa ako ng sobrang laking halaga wag ka lang nilang saktan ulit, gagawin ko!" Umiling iling ako sa sinabi niya. Hindi ayoko... Ayoko ng ganito...

"Ayos lang saktan nila ako ng saktan Dean. Wag lang ganito! Ayokong ginagatasan ka nila! Masasanay at masasanay sila, ganito ng ganito ang gagawin nila!" Naiiyak kong sabi. Hindi ko alam bakit basta na lamang lumandas ang aking mga luha sa inis.

Mabilis niyang sinikop ang aking mukha at pinagdikit ang aming ilong.

"Don't mind what i lost. I don't care to lose money, baby. All i care about you... Only you..." he said and kiss me torridly.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon