Chapter 9

9 1 0
                                    

"Mama, bakit tayo laging niyayakap ni  Papa kapag aalis siya?" tanong ko. Sinikop niya ang aking mukha at nilaro ang aking ilong bago magsalita.

"Iyon ang senyales na mahal na mahal tayo ng Daddy mo." napangiti ako at niyakap si mama.

"Paglaki ko, gusto ko humanap ng magiging asawa ko na mahal na mahal ako" sabi ko kay mama. Ngumiti naman sa akin ito at pinisil ang ilong ko.

"ikaw talagang bata ka. Syempre naman, kung mag-aasawa ka yung mahal na mahal ka sa hirap at ginhawa" mas lumapad ang aking ngiti dahil sa sinasabi ni mama. At umaasa ako na sana, paglaki ko ay ganon ang mangyari.

Bumalik sa realidad ang aking pag-iisip dahil sa ingay na
pagbasak ng pinto. Teka? Galit ba si Dean?

"Sobrang kapal din talaga ng mukha mo 'no?" nakapamewang niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko na ang galit na mukha ni Gian ang sumalubong sa akin.

Nagtataka ako kung bakit wala dito si Dean, saan naman kaya pumunta ang lalaking 'yon?

"At dito ka pa talaga tumitira. So, totoo nga na isa kang kirida. Napakalandi mo naman" taas kilay niyang sabi. Naiirita ako sa kanya sa part na sinabi niya na isa akong kirida. Bakit may relation ba sila ni Dean?

"Hindi ako nakatira dito at paki-usap, antayin mo na lang si Dean at siya ang kausapin mo" ani ko. Ngunit pinagkrus lamang niya ang kanyang braso at nanatiling nakataas ang kilay nito.

Tumalikod na lamang ako upang maka-iwas sa gulo ng haltakin niya ng aking buhok.

"Ah-aray!" hiyaw ko sa sakit at napahiga sa sahig. Rinig ko ang ilang lagutok ng akong buto dahil sa diretsong pagkakabagsak ko sa sahig.

"Anong nangyayari dito?" parehas kaming natigilan sa tinig niya. Tumingin ito sa akin at itinayo ako.

"Hindi ka man lang marunong rumespeto Dean! Im your fiancee!" sigaw nito. Biglang sumama ang mukha ni Dean sa sinabi niya. Itinayo naman ako nito at pinuwesto sa likod niya.

"Wala kang karapatang manakit Gian at nasa teritoryo kita kaya umayos ka. Tsaka ako ba ni-respeto? Oo fiancee kita ng ilang taon! Pero tangina! Ako nga hindi mo ni-respeto! Ikaw ang unang naging gago sa atin dalawa!" sigaw niya pabalik. Hindi ko alam kung aawatin ko ba sila dahil sa sama ng kanilang tingin.

"Kahit na! Hindi ko naman dinala doon sa bahay namin ang dating naging boyfriend ko! May respeto pa rin akong ibinigay sayo Dean!" sigaw nito.

"At ikaw na babae ka! Sobrang kati na ba? Kaya ka ganyan makakapit sa fiancee ko?! Huh?! At tumira ka pa rito sa apartment niya?" hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa kahit anong anggulo mo tignan ay mali talaga ang pagtira ko rito. Pero hindi ko naman ito ginusto, siya ang ayaw akong paalisin.

"Wag mo siyang isali rito! Labas siya sa usapan nating dalawa. Tandaan mo yan. Dinala mo man o hindi nanlalaki ka pa rin. Remenber? Sobrang taas ng tingin ko sayo noon parang di makabasag pinggan tapos sinira mo lang kasi mas mahal mo ang gagong Richard na 'yon!" ani niya. Napailing na lamang ako nang umirap ang mata niya.

"Tapos na tayo sa nakaraan Dean. Face the reality. And of course, i will Dean. Isasali at isasali ko siya. And i won't let you happy with this women!" sigaw nito.

"No, subukan mo lang Gian. Magkakasubukan tayo" ani niya.

"Uh uh! Try me Dean. Tutal wala naman kayong relasiyon ng babaeng hampas lupang yan!" sigaw niya. Hindi na ako makatiis sa mga binibitawan niyang salita! Kanina pa siyang umaga suki sa pang-aalispusta sa akin!

Mabilis akong lumapit sa kanya at sinampal siya sa kanang pisngi.

"How dare--" sinampal ko muli sa siya sa kaliwa naman. Para fair.

"Tama na ang kaninang umaga pang-aalipusta at panlalait sa buong pagkatao ko. Sobra ka na at hindi na ko pakapagtimpi pa sa mga sinasabi mo! Una sa lahat hindi ako kabit! Wala naman kaming dalawa nito! At pangalawa, hindi ka nagbigay ng kahit isang singkong duling para saktan at alipustahin ako. Pinagbigyan lang kita kanina pero sumosobra ka na." mahaba kong sambit. Tumayo ito hawak ang kanyang pisngi. Ramdam ko ang paghawak ni Dean sa aking baywang na para bang pinapahinto ako sa ginagawa ko.

Nawala ang mataray niyang kilay at napalitan ng sakit ang mata sa pagkakakita kung saan nakalagay ang kamay ni Dean.

"I swear! Sasabihin ko 'to kay Tita! Malalagot ka talaga!" sambit nito at sabay talikod.

"Sabihin mo para ilabas ko ang ibidensiya na ikaw ang unang gumawa sa atin ng kalokohan. Tandaan mo, malaki ang tiwala nila sayo. Try to lose it, you and your family will lose everything" ani nito. Sa tingin ko ay parang nanonood ako ng isang tele-nobela. Isang tagpo ng pananakot upang hindi lumabas ang kanilang mga baho.

Isang nakakalokong ngiti lamang ng ibinigay ni Gian bago ito umalis at ibinagsak ng malakas ang pinto.

"Saan ka pa niya sinaktan?" malambing nitong sambit.

"Hindi talaga mapaliwanag ang babaeng 'yon. Sinabi ko na sa kanya noon may iba na akong mahal. Tss" sambit niya at niyakap ako nito ngunit mabilis akong kumalas.

"Teka nga! Linawin mo nga Dean. Ano ba talagang meron tayo? Bakit mo 'to ginagawa? Bakit may Fiancee ka? Bakit?" tanong ko rito. Umatras lamang ito at hinaltak ako patungo sa sofa. Bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"I will tell you..." ilang beses itong lumunok ng lumunok at yumuko animo'y nanalangin.

"Sasabihin mo o aalis --" napatanga ako sa sunod niyang sinabi.

"We're engage, 3 years ago. But she cheat" panimula niya. Malungkot itong nagbaba ng tingin.

"I love her that's why i choose to engage with her. But it suddenly change when she cheat on me." malungkot na sabi niya. Pakiramdam ko ay may batong pumatong sa aking dibdib at nagpabigat dito. Kasama na ang pagbigay ng apoy sa aking mata upang mag-init ito.

"I saw her with the man she love. So, i choose to broke up with her. Wala na rin naman kwenta kung ikasal kami kasi nanlalaki na siya. At isang malaking lamat iyon sa puso ko" ani sabay punas ng kanyang pisngi.

"Mahal mo papala siya" ani ko. Hindi ko mapigilang maluha dahil umaasa ako na dinala niya ako rito dahil sa isang dahilan.

"Matagal naman na 'yon. Dalawang taon na din ang lumipas. Masakit lang talaga pag naaalala ko kasi siya yung first love ko. And that's make me traumatize and having depression. Palagi kong iniisip kung anong mali sa akin bakit niya nagawa iyon." ani niya at pinunasan pa ang mga luha.

"Kung matagal na 'yon dapat hindi mo na siya iniiyakan pa. Hindi ka pa move on sa kanya 'di ba?" tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi, kung tutuusin hindi mo na dapat iyakan pa kung talagang nakamove on ka na. Nagtaas ito ng tingin sa akin at mabilis na umiling.

"I won't brought you here, if i still love her."

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon