Chapter 38

12 0 0
                                    

"Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko" aniya. Tumango ako at tumayo sa kinauupuan.

"Matagal na panahon na iyon ma'am. Kalimutan niyo na, ang mahalaga ay ang ngayon" ani ko. Umiling siya at lumapit sa akin. May takot man na baka manakit siya o baka pagsalitaan ako ng masasakit at masasamang salita ay umiwas ako.

"G-gusto kong h-humingi ng tawad... bago ko harapin ang mga apo ko. Gusto kong mapatawad mo ako. Ayos lang kung hindi pero magpapakumbaba ako--"

"Hindi niya na ho kailangan gawin iyon ma'am. Matagal na panahon na iyon, nakapagpatawad na ako. Iwan na lamang po natin ang nakaraan, tanging masasakit na ala-ala lamang iyon" ani ko. Umiling iling siya.

"Nakaraan man iyon ay may malaki pa rin iyon resulta. Kung hindi ko ginawa iyon, sana, sana nasa tamang kamay ang anak ko, may ama ang mga anak mo. Hindi mo pinalaki mag-isa at huli ay hindi sana magnagkaganito si Dean" ngumiti ako at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.

"Ginawa niyo lang ang tama ma'am, siguro dahil naging ina na rin ako ay naunawaan ko na ang pakiramdam na gagawin mo ang lahat para sa anak mo. Naisip ko rin noon, kung sakaling ganito rin ang sitwasyon ko ay baka ganoon din ang gawin ko"

"Tita na lang o di kaya mama. Masyadong pormal ang ma'am" aniya. Unti-unting nanggilid ang aking luha. Iyon ay dahil tinanggap niya na ako ng buo, walang dahil kay Dean o sa mga bata kundi sa akin mismo.

"Salamat po" sabi ko habang nagpupunas ng butil ng luha na naglaglagan sa aking mga mata.

"Salamat din. Kung hindi dahil sayo, walang kaligtasan ang anak ko. Binalik mo ang dating siya, salamat at binalikan mo siya"

Galit ang mata ni Dean nang madatnan niya kami. Marahil ay dahil sa pamumula ng aking mga mata at ilong.

"Ma! 'di ba nag-usap tayo? wag kang lalapit sa mag-ina ko kung gagawa ka lang ng ikakasakit nila!" galit na sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang tinakbo. Mali ang akala niya!

"Hindi Dean! hindi ako umiiyak dahil sinaktan niya ako. Kundi dahil ayos na kami, nanghihingi siya ng tawad. Hindi niya ako sinasaktan." mahinahon kong sabi. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Yumakap ako pabalik.

"Ayos na kami, gusto niyang makilala ang mga bata Dean" kita ko ang pagtatanong sa mga mata niya ngunit umiling ako.

"Gusto niyang makilala ang mga apo niya Dean"

"Galit ako sa kanya" aniya. Umiling ako at hinawakan ang mukha niya upang tumingin sa akin. Dahil tinitigan niya ang kanyang ina na parang papatayin niya na ito.

"Oo nauunawan ko kung bakit pero bigyan natin siya ng pagkakataon na makilala ang mga apo niya" nakita ko ang biglang paglambot ng kanyang itsura. Marahan akong ngumiti at tumingkayad upang bigyan siya ng halik.

"Aalis na lang muna ako babalik sa susunod, pagmalamig na ang ulo mo anak" mabilis akong humarap.

"Hindi! Tita, gusto ka nilang makilala.." mahinang bulong ko. Natigilan siya.

"Kasama ka sa pagpapakilala ko noon sa kanila, kaya gusto ka nila makilala at makasama" ani ko. Humarap siya na may naluluhang mata.

"pasok po kayo" ani ko. Pinauna ko siya sa loob dahil nasa sala naman ang dalawa.

"Kids, meet your grandma" ani ko. Kunot ang noo ng dalawa na bumaling sa amin.

"Lola? You mean mommy? the women beside daddy's picture?" tumango ako. tumayo sila pareho at nag mano rito.

"Hi Lola!" ani ni Dein.

"Im Dylan"

"Im Deinien Alize Francisco Lola!" magiliw na pakilala ng bunso.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon