Chapter 18

10 0 0
                                    

Ilang ulit akong napa-isip. Bakit ko nagawa ang bagay na iyon. Masyado pa akong bata.

Alam kong hindi ito biro. Iba ito sa mga bagay na na-experience ko sa buhay. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ito ng hindi pa ako ikinakasal.

Ilang beses ako huminga ng malalim bago tumayo. Masakit ang pagitan ng aking mga hita ngunit pinilit ko pa rin na bumangon at lumakad. Ang kada hakbang ko ay katumbas ng isang guhit ng sakit na bumabalatay sa sentro ng aking mga hita.

Halos maiyak ako ng makarating ako sa banyo.

Agad kong pinuno ang bath tub ng tubig na maligamgam at agad din akong lumusong rito.

Halos kalahating oras akong nagbabad dito upang maibsan ang hapdi at kirot ng pagitan ng aking hita.

Matapos kong maligo ay nagsuot lamang ako ng preskong damit at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko roon si Dean na naghahanda ng agahan. Lihim akong napangiti sa itsura niya ngayon. Sa likod kasi ng pagiging gwapo niya at may matikas na pangangatawan ay eto siya, naghahanda ng agahan para sa amin. Na kahit na dapat ay ako ang gumagawa.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan hanggang sa ako na mismo ang lumapit at niyakap siya mula sa likuran.

"God! baby, Im sweat!" tarantang sambit niya natawa na lamang ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman masama ang amoy niya pag pawis.

"Mabango ka pa rin naman kahit pawisan ka" ani ko. Gusto ko sanang ipatong ang aking baba sa kanyang balikat gaya ng kanyang ginagawa kaso sa tangkad niya ay hindi ko ito maabot dahil hanggang balikat niya lamang ako.

"Kahit na, Im still sweat. Mamaya na tayo magyakapan pag nakaligo na ako. Di talaga kita bibitawan kahit isang segundo tignan mo" ani niya. Inilingan ko lamang ito at niyakap lamang siya.

Parang gusto kong isiksik yung katawan ko sa buong katawan niya.

"Baby..." tawag niya.

"hmmm?" sagot ko.

"We're going to eat. Stop cuddling" saway niya.

"Gusto ko ganto muna tayo. Please..." ani ko.

"Baby...."

"Please?" pagtawad ko sa kanya. Buntong hininga itong sumuko.

"Okey, fine" pagsuko niya. Napangiti na lamang ako sa kanyang tinuran.

Umupo siya sa upuan at wala akong choice kundi umupo sa kanyang kandungan paharap at yakapin.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ito hinahanap hanap. Basta nasanay na lang ako sa malambing niyang yakap.

"Why you suddenly being like this? Hindi naman kita pinalilipasan ng gutom" ani niya. Mabilis akong kumalas ngunit hindi pa tumatayo at humarap sa kanya.

"Masama ba 'yon? ayaw mo ba ng yakap?" tanong ko na parang bata. Natatawang hinigpitan niya ang kanyang yakap sa aking beywang.

"No. no. no. no. I'm just confusing about your actions. Hindi naman masama at hindi naman dahil ayaw ko sa yakap mo. I really love it baby." ani niya at hinalikan ang tungki ng aking ilong.

"Hindi ba tayo papasok ngayon?" tanong ko. Ilang saglit niya akong tinitigan. Bago sumagot.

"Kaya mo na bang maglakad? You still sore at kung papasok man tayo ay mahihirapan ka lang." ani niya.

"Bakit gusto mo bang pumasok? I can carry you naman" sambit niya muli. Umiling na lamang ako. Panigurado Issue nanaman ito. Kung noong nga na magkasama kaming kumain ay big deal na sa kanila, eto pa kayang kakargahin niya ako patungong classroom.

"Bukas na lang tayo pumasok" ani ko. Tumango lamang ito.

"Paano kayo nagkakilala ni Gian?" tanong ko. Sa expression ng kanyang mukha ay puno ng gulat. Marahil ay hindi niya inaasahan na itatanong ko ito.

"Bakit mo tinatanong?" tanong niya.

"Wala lang, gusto ko lang malaman." ani ko.

"Well, i met her in our house. Dinala siya roon ng papa niya at narinig ko noon na siya yung babaeng itinakda nila sa akin. And in my 18 birthday will be the our wedding." ani niya.

"Bakit mo siya kayo naghiwalay?" tanong kong muli. Buntong hininga ako nitong tignan.

"It's because she cheat" ani niya. "And she confess the day i caught them ng kabit niya na pera lang ang habol niya kaya sila magpapakasal at wala nang iba pa" dagdag niya pa.

"Minahal mo ba?" tanong ko. Marahan siyang tumango.

"Syempre, she's my first love but right now hindi na. She's not the right girl for me. She's a cheater" ani niya.

"Galit ka pa rin ba sa kanya?" tanong kong muli at mabilis siyang umiling.

"Noong una, syempre. Sino ba namang hindi magagalit don e nanlalaki siya? Pero ngayon it suddenly change because of you..." ani niya. Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Ano nang kinalaman ko?"

"Its simple, You change me. You fade my anger away. Hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon. Basta ng minahal kita kasabay non ang pagkawala ng galit ko sa kanya." ani niya. Tumango tango na lamang ako at tumayo na sa kandungan niya. Upang iwasan ang kilig na aking nararamdaman.

"Tara na, kain na tayo" ani ko. Ngunit hinatak niya lamang ako at pinaupo sa kanyang kandungan.

"Sa ganito tayong position kakain" ani niya. Halos manlaki ang mata ko. Umiiwas nga ako ngayon naman nakulong na ako sa kanya.

Medyo nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa naman ba kasi tinanong 'yon.

"Come on baby. Let's eat" ani niya at nagsandok sa iisang plato.

Matapos naming kumain ay pinili namin na magmovie marathon. Dahil wala naman kaming gagawin ngayon.

"Feeling ko ang Corny niyan" Commento ko. Umiling lamang ito at sinalang ang bala na cartoons.

"Tsaka bakit cartoons? Andami namang ibang movie diyan" ani ko. Matapos niyang sinalang ay tumabi ito sa aking gilid.

"I want that movie. Hindi ko kasi natapos yan. So let's watch it together" ani niya.

Gusto ko sanang matawa dahil para kaming bata na nanonood ng Hotel transylvania.

Sa gitna ng pagkanta nila ay napatingin ako kay Dean.

Malalim ang kahulugan ng salitang My Zing.

Nagtama ang mata namin ay hindi ako umiwas ng tingin. Napansin kong bumaba ito sa aking labi at parang nang-aakit ang kanyang mata sa kanyang ginagawa.

Dahan dahan akong lumapit at inilapat ang aking labi sa kanya.

You... you are my zing....

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon