Chapter 4

14 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan. Alam niya namang wala akong maibibigay sa kanyang kapalit. Yung kita ko kagabi, kailangan ko 'yon pambayad at ambag ko sa kuryente at tubig para sa katapusan.

"Ano ba talagang kailangan mo? Hindi mo ako tutulungan nang ganito kung wala kang kailangan Dean" ani ko habang naghahanda siya nang makakain. Nagpresinta na ako kanina na ako na ang magluluto pero umayaw siya at sabi niya ay siya na lamang.

"Ba't ba ayaw mong maniwala wala akong kailangan sayo? I just really want to help you. Sa nakikita ko kasi sayo kailangan na kita ilayo sa mga kasama mo sa bahay niyo. You have bruises behind your back" ani niya. Kahit ako ay napa-awang sa kanyang sinabi.

"kung ayaw mong maniwala. Ayon may salamin ako don tignan mo" ani niya. Tumayo ako at pumunta sa harap nang salamin saka tumalikod. Awang ang mga labi ko sa nakita ko.

Isang malaking pasa sa likod at bandang ibaba nito.

"See? Child abuse na yang ginagawa nila sayo. You even work on a bar" ani niya. Umirap ako at ibinalik ang pagkakataas nang aking damit.

"hindi naman ako prosti. Tumutugtog ako sa banda namin. Isa pa may permit kami at legal ang ginagawa kong pagtatrabaho. I have no parents Dean. Kailangan kong kumita" ani ko rito. Umiling lamang ito at umupo.

"Just eat" ani niya. Umupo na lamang ako at kumain kagaya niya. Parehas kaming tahimik hanggang natapos kaming kumain.

"Ako na ang maghuhugas" presinta kong muli. Ngunit umiling lamang ito.

"I have no money to pay you. Kaya ako na ang maghuhugas" ani kong muli ngunit umiling lamang ito at inagaw ang mga hawak kong plato.

"Just sit or watch T.V i can manage this" ani niya. Umiling ako sa kanyang  ginawa. Kaya buntong hininga itong bumitaw sa hawak kong plato at hinayaan akong kumilos.

"Hindi naman sana ako nanghihingi nang kapalit" bulong niyang sabi ngunit hindi ko naman maintindihan. Nilingon ko ito kasama nang kunot na kilay.

"May sinasabi ka?" tanong ko. Umiling lamang ito at pinagkrus ang braso saka umiwas nang tingin.

Kibit-balikat na lamang ang naisagot ko rito at pinagpatuloy ang paghugas. Hanggang sa natapos ako ay nanatili siyang nakasandal sa lamesa at pinagmamasdan ako animo ay may nanakawin.

"Siguro kung nakakatunaw ang pagtitig kanina pa ako natunaw" birong ani ko rito ngunit hindi man lang kumurap ang mga mata nito.

"Uuwi na din ako" paalam ko rito. Umiling lamang ito sa akin.

"Kailanga kong umuwi Dean" ani ko. Umiling lamang ito at umalis.

Wala akong nagawa dahil hindi naman siya sumagot kaya inayos ko na lamang ang aking gamit at saka ay aalis.

Kahit hindi na siguro ako magpa-alam ay pwede akong umuwi. Isa pa, hindi ko siya magulang para pagbawalan ako.

Akmang pipihitin ko na ang handle nang nagsalita siya.

"Where you think your going?" tanong niya. Bagsak balikat ko itong hinarap.

"Kailangan kong umuwi Dean." ani ko rito ngunit umiling ito.

"Kailangan kong magbayad nang bills sa kuryente at tubig Dean" sambit ko.

"No, i can pay your bills" ani nito. Sinimangutan ko ito.

"No din. Ako ang magbabayad hindi naman ikaw ang gumamit" ani ko at tumalikod muli at mabilis na pinihit ang pinto. Nang mabuksan ko ito at mabilis at malakas itong sumarado. Halos malaglag ang panga ko sa gulat at saka nanginginig ko itong hinarap.

"I said no, you're not going home" tiningala ko ito dahil sa sobrang lapit nito at sobrang tangkad din. Halos hanggang dibdib niya lamang ako.

"Dean hindi ikaw ang may hawak nang buhay ko din. I have to go home" ani ko. Napatili na lamang ako nang buhatin ako nito at ibinagsak sa pang-isahang sofa

"Dean naman! Kailangan ko nang umuwi! Paki-usap naman!" sinigawan ko siya kahit sobrang lapit niya na. Ni hindi ito kumurap habang nakatitig sa akin. Halos magkaduling duling ako sa sobrang lapit nang kanyang mukha.

"If i said no. It's a no" umiling ako. Ramdam ko din ang mainit na luhang tumulo pababa sa aking pisngi. Wala na akong nagawa kundi ang yumuko at umiyak nang tahimik.

"Bakit ba ha? Wala ka namang mapapala sa akin. Wala akong pera, hindi ako mayaman at wala akong kahit a--" naputol ang aking sinasabi nang sinisid ako nito nang halik.

Sobrang lakas nang tibok nang aking dibdib at halos mapigtas ang aking hininga dahil sa kanyang ginawa. Nang ikalas niya ang kanyang labi ay mabilis ko itong sinampal. Halos lumipad din ang mukha nito sa lakas at ni isa sa amin ay hindi nagsalita.

"I don't want you to go home because they might hurt you again. Are you really happy with that family? They letting you sleep outside without anything" halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita niya pala ang bagay na iyon. Nakita niya pala ang nangyari sa akin noong araw na iyon.

"Kailangan ko pa ring umuwi Dean. Kaya nila nagawa 'yon kasi may kasalanan ako sa kanila" ani ko. Umiling lamang ito sa akin.

"I can pay everything they need kung yan lang ang pinoproblema mo." umiling ako at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Hindi mo kailangan bayaran sila kasi kaya kong kitain 'yon. Binabayaran ko lang naman lahat nang utang na loob ko simula noong mawala 'yong parents ko kaya ganito. Just let me go home Dean" ani ko. Sa huling pagkakataon ay muli itong umiling. Bagsak ang balikat ko habang tinitignan ko ang kanyang mukha.

"I can't let you go home, sasabihin ko kung nasaan ka. I let you work at night on the bar basta kasama ako at kung ano ano pang sideline ang meron ka. Pero dito ka lang sa apartment ko" ani niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko o irereact ko sa mga sinasabi niya.

Nang kuhain niya ang bag ko ay hindi na ako nakapagreklamo pa.

May nagdoor bell sa pinto. Wala akong lakas upang tignan kung sino iyon. Nanatili akong nakayuko at tikom ang bibig hanggang sa may nilapag itong ilang paper bag.

"Thanks dude" iyon na lamang ang huling narinig ko sa kanilang usapan.

Walang emotion ko itong tinignan nang yukuin niya ako. Pinunasan niya lamang ang nga luhang nasa mata ko at itinali ang kulot kong buhok.

Hindi ko alam kung bakit at para saan ang pagtulong niya sa akin. Ni hindi ko mahuluan lahat nang galaw na meron siya.

I just let him do what ever he wanted to do. Hanggang sa matapos na ang lahat nang ito.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon