Chapter 13

10 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumanta ay pinili muna naming uminom. Light liquor lang naman ang ininom ko.

Sa murang edad ay natuto akong uminom ng hard and light drinks. Dahil nga sa ganitong lugar ako nagtatrabaho ay natuto rin ako.

Hindi ko mapigilang mapa-igik sa pwesto ko ngayon. Ang isang kamay kasi ni Dean ay nasa aking likudan at nakapalupot ito sa aking beywang at ang isang palad ay namamahinga sa aking hita at ang isa naman niyang kamay ay may hawak na baso ng alak.

"Magdadrive ka pa mamaya Dean. Wag mong damihan ang pag-inom" ani ko. Tumango lamang ito at hinalikan ang aking sintido.

"Don't worry baby i know my limitation. Anyway, it's just a light drink."

Hindi na ako sumagot pa at hinayaan silang magkagulo sa video oke.

Ilang oras din kaming nagtagal sa private room at napaparami na rin ang inom.

Pakiramdam kong umaalon alon na ang aking paningin at ramdam ko na rin ang kakaibang kaharutan ni Dean.

Ang iilang kasama ko pa ay bagsak na at kung saan pwesto na lamang natulog.

"Halika na Dean, uuwi na tayo" ani ko at dinampot ang mga gamit.

"Sucks. Napadami yung inom ko. Baby can you help me to stand?" ani niya. Inilahad ko ang aking kamay upang mahatak siya patayo ngunit pabaliktad naman ang nangyari. Ako ang nahila pababa.

Halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kanyang katigasan. Imbis na siya ang masaktan mula sa pagkabagsak ko ay sa akin ito bumalik.

"Sorry baby. I don't meant to hurt you." mahinang ani niya ng makita ang aking mukha na may ininda. Napatingin ako sa aking mga ka-banda na ngayon ay bagsak at ang iba ay parang baliw na nagsasalita mag-isa.

Iyon ang epekto ng alak. Pagmumukhain kang baliw, pagnakadami...

"Madaling araw na Dean. Tara na" ani ko at tumayo na. Sumunod naman ito sa akin at hawak kamay kaming lumabas.

"Kaya mo bang magdrive? Mag-taxi na lang tayo pauwi, kung hindi mo na kaya" ani ko. Umiling lamang ito at samantala ako ay napabuntong hininga na lamang. Kinakabahan din ako, baka kung anong mangyari sa amin sa kalagitnaan ng byahe.

Madaling araw ngayon at alam kl halos lahat ng sasakyan ay over speed ang pagpapatakbo nito.

Papaano kung mabangga kami? Papaano kung masagi kami?
Papaano kung... Kung...

"Don't overthink baby. Hindi ako lasing. Kaya ko pang magdrive pa-uwi ng ligtas. Just trust me okey?" ani niya at pinasok na ako sa passenger seat. Huminga na lamang ko ng malalim at mataim na nanalangin na nawa'y ligtas kaming makauwi.

Sa kalagitnaan ng byahe hindi nawala kay Dean na hawakan ang kamay ko at halik-halikan ito.

"Im addicted to you soft hands" bigla niyang sabi. Pakiramdam ko ay hinataw ang aking puso dahil sa kanyang sinabi. Napakagat labi na lamang ako at tumingin sa bintana.

"Baka sa susunod iba na ang kabaliwan ko, hindi lang kamay..." natatawang dagdag niya. Halos manlaki ang mata ko nang makuha ko ang kanyang sinabi.

"Tumigil ka nga riyan Dean. Hahambalusin talaga kita diyan sa kamayakan mo" ani ko. Tumawa lamang ito sa akin.

"Kamanyakan bang mabaliw sa pag-ibig?" ani niya. Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi.

"Biro lang. Alam kong iba ang iniisip mo, pero hindi 'yon ang tinutukoy ko" ani niya at dinampian ng halik ang aking kamay.

"We're here baby. Tara na" ani niya. Bumitaw na lamang ako sa kanya at bumaba sa sasakyan.

Sa totoo lang, gusto kong sabihin sa kanya kung ano yung nararamdaman ko, gusto kong i-kwento sa kanya yung mga bagay na naranasan ko, yung buhay ko. Kaso natatakot ako, natatakot kong sumugal. Baka kasi sa huli ay ako rin ang masaktan.

"Take a bath first before you go to sleep." ani niya at inabutan ako ng tuwalya. Inabot ko na lamang ito at pumasok na sa banyo.

Tulala ako sa buong oras ko sa banyo. Nangangamba ang aking puso sa maaaring mangyari sa aming dalawa. Alam ko, mayaman siya at mahirap ako. Sa libro lang nagkakatuluyan ang ganitong senaryo. Hindi kasama ang realidad sa panaginip na ito.

Bumalik ang aking ulirat nang naramdaman ko ang isang mainit na yakap.

"Dean!"

"Shhh..." ani niya.

"Ba't ka ba pumasok? Nakita mong naliligo pa ko" ani ko.

"Mag-iisang oras ka nang nandidito. Nag-aalala na ako kung ano nang nangyari sayo. Akala ko nga tulog ka na, pero nakatulala lang pala. Tell me baby, what's bothering to you?" umiling ako sa kanyang tanong.

"You're lying. Tell me what it is, baka may maitulong ako" ani niya. Muli akong umiling at tumingkayad saka hinalikan siya.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa ngayon. Basta, nag-iinit ang aking katawan at parang nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa ganda ng tanawin na aking nakikita.

Gumanti siya sa bawat galaw ko. Halos tumalon ang aking puso nang masuyo niya akong binuhat at isinandal sa tiles na pader.

Habang parehas kaming nababasa ng tubig mula sa shower.

"I love you..." mahinang sabi niya. Ngunit imbis na sagutin ng salitang 'i love you too' hinalikan ko na lamang muli siya. Pakiramdam ko kasi bitin ako kanina, sobrang bitin.

Nang matapos ang mahabang halik ay pinili ko na lamang na sabunan siya at talagang maligo ng tuluyan at nang matapos ay sabay kaming lumabas ng banyo. Dumiretso siya sa walk-in closet samantala ako ay sa labas na lamang nag damit. Isang sweat short at over size T-shirt ang aking suot.

Umupo ako sa kama upang punasan ang aking buhok. Napapikit na lamang ko ng marinig kong bumukas ng pintuan ng walk-in closet. Ngayon ko lang na realize, sobrang nakakahiya yung ginawa ko kanina.

Hindi na ako nakapagreklamo pa ng kuhain niya ang tuwalya sa akin at siya na mismo nagpunas ng aking ulo.

Muli akong napatingin sa kanyang mukha at hindi nawala ang ngiti nito sa labi kahit ang mga mata nito ay kita rin ang tuwa.

"We should bought a blower tomorrow. It's kinda hard to make it dry with this towel." ani niya. Kinuha ko ang tuwalya at siya naman ang pinunasan ko.

"kailangan kasing suklayan yan para mas bumilis ang pagpapatuyo." ani ko. Tumango tango lamang ito na parang bata saka hinawakan ang aking baywang at inupo sa kanyang kandungan.

"Are you okey now? There's no more bothering you? Do you need my lips again? It's free by the way" ani niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Basta ko na lamang iniwan sa kanyang mukha ng towel saka mabilis na humiga sa kama at nagtalukbong.

Ano ba kasing trip niya? At pinaalala niya pa talaga! Goodness! Sobrang nakakahiya talaga...

Ramdam ko ang paglubog ng kama at pag-angat ng kumot.

"You, shy? It's fine baby. Im all yours..."

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon