Chapter 35

6 0 0
                                    

Tahimik akong naghuhugas ng pinggan nang napansin kong tumahimik ang paglalaro nang aking anak sa aming sala. Mabilis akong tumungo roon, masyado pa kasing maaga kung sila man ay nakatulog na.

Nanlalaki ang aking mata nang masaksihan ko ang aking nga anak na yakap ang kanilang ama.

"Dean..." mahina kong bulong. Nang tignan ako nito ay masasamang tingin ang ipinukol nito sa akin.

"Daddy, bakit po ngayon ka lang? We wait you for so long.." sambit nang aking anak na si Dylan. Nanatiling nakatingin sa akin si Dean bago niya ibinababa ang tingin sa dalawa kong anak na naka-yakap sa kanya.

"Daddy did so many things, kaya natagalan. I'm sorry my babies" mahina niyang sambit dito at hinalikan sa noo.

"Let's play Daddy! Let's play" aya nang aking anak na si Deinien. Sa tagpong ito hindi ko mapigilan na hindi umiyak, alam ko na matagal nang nangungulila ang aking mga anak sa kanilang ama. Hindi naman namin ito ginusto ngunit ito ang binigay nang Diyos sa amin na tadhana.

Bumalik ako sa lababo nang lumuluhang mata. Ilang ulit ko man itong punasan ay di pa rin tumitigil ang pag-agos nito sa aking mga mata.

"Bakit mo hinayaang ngayon ko lang makilala ang mga bata?!" tanong nito. Hinarap ko siya nang may lumuluhang mata.

"How i could say na may anak ka kung wala ka na ni-isang ala-ala?" tanong ko rito. "Hindi ako pwedeng basta na lang sumulpot kung saan na parang kabute at sabihin sayo na may anak tayo dahil una sa lahat pinagbantaan ako nang nanay mo!" umiiyak kong dagdag.

"Hindi yan ang paliwanag nila sa akin! Umalis ka at iniwan mo ako! At ano hahayaan mo na lang na walang kikilalanin na ama yang anak natin?!" sigaw niya.

"Hindi ko intention 'yon Dean! Umalis ako kasi pinilit nila ako! Inilipat ka nila nang ospital kung saan wala akong kakayanan na puntahan ka! They force me to accept their money just to buried you in my own memories!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Sa tingin mo ba iiwan kita na buntis na ako noong oras na iyon?! Sa tingin mo ba hahayaan kong walang ama itong batang dinadala ko?! Dean naman! Hindi ko kaya! Mahirap mabuhay nang walang ama! Dahil doon na mismo ako nang galing!" dagdag ko pa. Sa sobrang sakit nang aking nararamdaman ay mas may masakit pa pala sa kanyang salitang sinambit.

"Kukuhain ko ang mga bata. Magpapacustody tayo"

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta na lamang umikot ang aking mata at nagdilim ang aking mundo.

Nagising ako sa marahang tapik sa aking pisngi. Unti-unti akong nagmulat at tinignan ang may gawa non.

"Hi Hatty..." Mahinang bati ko sa pusa ni Dein. Bumangon ako, nasa kama na pala ako. Marahan kong hinilot ang aking sintido at inalala ang nangyari kanina.

Nang maalala ay mabilis pa sa alas kwatro ay tumakbo ako patungong silid ng aking mga anak

Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko silang mahimbing na natutulog at tahimik na nakamasid ang kanilang ama.

Teka, magpapacustody siya?

Hindi ko naman ipagdadamot ang mha bata kung gusto niyang makita at makasama ito pero ang desisyon niyang ito? Sinong tangang papayag?

"Dean"

Nilingon niya ako na may pagod na mata.

"Mag-usap nga tayo ng maayos, hindi ako papayag sa balak mong magpacustody!"

Nagsimula siyang maglakad patungo sakin, ang aming distansiya ay unti-unting lumiliit ngunit napansin ko rin na unti-unti ring bumibigat ang kanyang paghinga at mas lalong bumagal pa ang kanyang paglakad.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon