Chapter 20

7 0 0
                                    

Labis ang tuwa na aking naramdaman ng pumunta kami ng amusement park. Napaka daming rides at fun games ang nais naming subukan.

"Anong una nating gagawin? rides or games?" tanong ko.

"I want games" sambit niya.

"gusto ko rides" ani ko. Pasiring niya akong tinignan.

"Let play 'bato bato pick' once i win, You're going to kiss me and lets try the fun game first. But once you win, Im going to kiss you and we going to fun rides. Its that clear?" tanong niya. Tumango ako at iniready ang aking kamay.

Madali lang ito, hindi ko nga alam kung bakit kailanagan pang humantong sa 'bato bato pick' ang pagpipili namin sa laro. Pwede namang masunod ang gusto niya.

Nang manalo siya ng tatlong beses ay walang ano ano at hinila ko ang kanyang mukha at hinalikan. Nakangiti naman itong humiwalay sa akin.

"Parang ayoko nang mag laro gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kwarto" ani niya. Natatawang hinampas ko siya sa braso.

"Abno ka talaga. Tara na," sambit ko at hinila siya. Napatianod naman siya sa hatak ko tumungo kami sa isang laro.

"Kailangan mo lang ma'am, mapukpok yung ulo ng squirrel para manalo ka" sambit ni kuya na nagpapalaro.

"Anong price?" tanong ko habang nag-aayos ng buhok.

"Dipende sa segundo o minuto na mapapalo mo yung squirrel. Ayun na nasa taas, price yan ng mananalo na hindi lalagpas ng isang minuto pagnapalo na ang squirrel at ayun na nasa gitna 2 minuto hanggang lima at yung sa baba naman ay yung mga hindi talaga nahuli ang ulo ng squirrel" ani ni manong. Napatingin ako kay Dean na busy pag-aralan ang buong flat form game.

"Ako muna" ani niya. Tumango ako at tumunga sa kanyang gilid at tinitigan kung papaano ang kanyang strategy.

Ilang ulit niyang pinalo ang mga butas kung saan lumalabas ang mga ulo ngunit hindi niya ito nahuli. Hanggang sa umabot siya sa katapusan ng oras.

"My turn!" natutuwa kong sambit at kinuha ang martilyong laruan.

Ilang ulit ko munang pinagmasdan kung saan ito lumalabas at kinabisado ang bawat labas nito.

"Gotcha!" sigaw ko. Halos napatalon ako sa tuwa ng magawa ko at makuha ang premyo.

"Wow! That's fast. I should try it again" ani niya.

Pumagilid ako at pasiring siyang tinignan.

"Nakaka-intimidate yang titig mo baby" puna niya. Sinenyasan ko lamang siya na mag simula na.

"Ayusin mo yung game. Gusto kong makuha ko yun" sabay turo ko sa cute na stuff toy na monster.

Kagaya ng strategy ko ay ginaya niya rin at walang limang segundo ay nahuli niya ito.

"Darn, that's kinda easy. No sweat!" tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa biglang kayabangan niyang sambit.

"Hala 'te! gwapo oh!"

Napalingon ako sa tinig na aking narinig at saktong nakatingin ito sa akin.

" 'Te boyfriend mo? Ang hot ah!" tanong ng isang bakla sa akin. Nginitian ko ito at tumango.

"Hala! ang gwapo! hahahaha!" ani nito at may kasama pang tili ng hapitin nito ang aking baywang paalis sa game station na 'yon.

Napatingin ako kay Dean na kunot ang noo at mukhang badtrip pa.

"Hey, ayos ka lang?" tanong ko ngunit hindi naman siya sumagot.

"Dean..." tawag ko ngunit patuloy lamang kami sa paglakad. Kaya wala akong nagawa kundi ang pahintuin siya ng sapilitan.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon