Chapter 27

10 0 0
                                    

Tulala ako halos mag-iisang buwan na. Hindi mawaksi sa aking isipan ang mga salitang binitawan, mga pangmamaliit sa katulad kong mahirap lamang.

Ganon ba talaga ang lahat ng tao? Kakaya-kayanin lang ang mga taong hindi kayang lumaban? Aapak apakan lang ang pagkatao ng kung sino man ang kanilang nais. Ganoon ba talaga? O yung kaya lang nilang tapakan at duruin, ang sakiy isipin na may pera sila, mayaman ngunit kinulang sa utak, disiplina at marami pang iba.

Panay punas ko sa aking pisngi na puno ng luha. Tuwing umaga bukod sa pagsusuka at pagkahilo ay palagi rin akong umiiyak. Hindi lang isang beses akong sinugod sa Hospital dahil sa palagi akong nahihimatay o natatagpuang walang malay.

"You have to be strong. For your baby Sezine."

Muli kong pinunasan ang aking luha at napatingin kay Tita Mikara. Alam ko na nahihirapan din sila sa sitawasyon ko. Ayaw ko sanang maging pabigat sa kanila ngunit hindi ko maiwasang hindi umiyak at hindi isipin ang kalagayan ni Dean.

Palaging pumapasok sa aking panaginip
Ang paghingi ng tulong ni Dean. Ang kanyang boses ay hinang hina ay sa aking panaginip ay hindi siya makatayo, pilit ko siyang inaabot ngunit nawawala rin sa isang iglap pag ako ay nagising sa tunog ng alarm clock.

Palaging ganon ang aking panaginip, palaging siya, palagi niya akong dinadalaw at hinihingian ng saklolo ngunit hindi ko naman siya matulungan.

"You should rest and please stop stressing yourself. Alam nating malakas ang kapit ng baby sayo pero hindi ibig sabihin non ay pwede kanang umiyak at magpakastress diyan. Its not healthy for the baby."

Palagi akong pinagsasabihan nila tita. Hindi pa naman ganun kalaki ang aking tiyan ngunit bakas pa rin sa aking ang pagiging isang buntis. Actually nag crecrave ako sa iba't ibang pagkain pero once na maamoy ko ito at ayaw ko sa amoy ay mapipilitan na lamang akong itabi o itapon.

Isa sa pinagpapasalamat ko ay malakas ang aking mag supling sa aking sinapupunan. Sa aking murang edad ay maraming nagtatakang doktor dahil hindi raw biro ang aking sitwasyon lalo na't isa akong 17-year-old pa lamang at nagdadalang tao na. Kaya himala aa akin ang bagay na ito, inagawan man ako ng taong mahal na mahal ko ay biniyayaan naman ako ng anak na matapang at hindi ganon kadali bumitaw.

"Not because you don't see Dean ay parang end of thw world na. Sezine! Can you please wake up?! Pinahihirapan mo lang ang sarili mo"

Nailing ako kay Kuya. Mukhang natapos na ang haba ng kanyang pasensiya at kaya niya ako nasigawan. Naiintindihan ko naman na para sa akin din ang mga sinasabi nila ngunit hindi ko talaga maiwasang hindi umiyak kapag naaalala ko siya.

"Sorry, im so sorry baby. I don't intend to shout at you. But please... Please last thing i will ask for you. Live for the baby, be a best mother without their daddy"

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi at tumango sa kanya. Siguro, kailangan ko na rin gumising at baka mahuli pa ang lahat. Baka biglang bawiin ng maykapal ang biyayang kanyang ibinigay sa akin. Iyon din ang naging plano ko simula ng magising ako aa katotohanang hindi ko na mahahabol si Dean kahit masabi ko lamang na may anak siya sa akin.

Habang tumatagal ay lumalaki na rin ang aking tiyan. Nakakatuwang isipin na sa bawat buwan na lumipas ay nararamdaman ko na ang bawat pintig, sipa nila. Minsan naluluha ako sa saya kapag nag rerespond sila pag kinakausap.

"They're twin?!" Ligalig na tanong ni Tita.

Halos tumalon ito sa tuwa at maiyak habang nakatingin sa may kalakihan kong tiyan. Ilang beses ko pa itong hinaplos at napagdesisyonan na maglakad lakad sa labas ng aming bahay. Tanaw ang mga talahib na nagsasayawan ay may ala-alang bumalik sa aking isipan.

"What are you doing here?"

Pakiramdam ko ay nanigas ang aking buong katawan sa tinig ng kanyang ina. Pilit kong nilalaban ang bawat nakakamatay niyang titig sa akin ay anumang oras ay maaari niyang akong sakmalin sa galit.

Mga pang mamaliit na mata ang aking nakita mula sa dalawang taong nasa harapan ko. Si Gian at si Mrs. Orlan dala ang kanilang mamahalin na bag at mga kasuotan ay kabaliktaran ng tabas ng kanilang dila.

"You shouldn't be here! You poor rat!" Sigaw naman ni Gian.

"You know what?! Ikaw ang malas sa buhay ni Dean! Ikaw! Kung hindi ka dumating hindi sana magkanda leche-leche ang buhay ng anak ko! May sumpa kang babae ka! Isa kang sumpa! Ingrata! Hampas lupa--"

"Enough calling her with your dirty foul mouth!" Sigaw ni Kuya.

Hinatak ko siya paalis at wag nang lumaban pa ngunit hindi siya nagpatinag.

"Do i know you?!" Sigaw pabalik ni Mrs. Orlan.

"No, madame. But you don't have a right to give my sister foul words. I can sue you. Remember that" ani ni kuya. Marahan niya akong hinatak paalis roon.

"You can never sue me bastard! And you cursed lady! Hinding hindi kita hahayaang makalapit kay Dean! Mamatay muna ako bago ka makalapit! Isa lang ingrata! Ikaw ang dahilan kung bakit nadisgrasya ang anak ko! Wala kang delikadeza! Ingrata ka!"

Hanggang sa makaliko kami sa isang pasilyo ay inalalayan niya pa rin ako.

"Everything will be alright. I will make a way to put some burden to that woman. Okey? Stop crying.."

After three days we came back to visit Dean again ngunit huli na ang lahat dahil wala na siya roon sa ICU naisip oo na baka ay nasa recovery room lang siya at inilipat roon.

"Ahh miss, yung pasyente rito? Si Dean Orlan? Uhm, nalipat ba siya sa recovery room?" Tanong ko sa nurse na dumaan.

"Ahh yung patient diyan sa 204, ah maam lumipat na po sila ng ibang Hospital kaninang umaga. I not sure po kung saan kasi nag-assist lang ako rito kanina. Pero try to ask the information desk ma'am" tumango ako at tumungo sa kanyang sinabi.

Labis ang kabog ng aking dibdib dahil sa unti-unti akong naka-isip ng konklusyon sa mga nangyayari. Maaaring tinotoo niya ang kanyang sinabi at tuluyan ngang ilayo si Dean. Pero paano ang mga anak ko?

"Ma'am the family order to us na keep the files of Mr. Dean Orlan confidentially. We're sorry ma'am"

Gusto ko lang itanong kung saan sila nagtungo, anong hospital ang kanilang nilipatan ngunit wala na ata akong pag-asa upang makita siyang muli.

Mabilis na naghulugan ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Sobrang bigat ng aking puso habang nakatungo sa parking lot. Sa isang iglap lang, nawala na siya at walang saktong araw kung kailan ko siya muling makikita.

Maraming tao sa hospital ang nakatingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin at pilit ko pa ring tinatanaw ang malayong kalsada. Umaasang magbabalik ang sasakyang naghatid sa kanya.

"Dean..." Mahinang bulong ko sa hangin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng labis na lungkot o saya dahil kasabay nang pag-alis niya ay siyang pagdating ng isang magandang biyaya sa akin.

"That's enough sezine" ani ni Kuya aki. Inilalayan niya ako patungong sasakyan.

"I think, we should pray for Dean instead of crying. He's not dead but unconscious. Don't worry, everything will be fine..."

Hindi ko na alam kung kanino ako kakapit. Sa salita ba ni Kuya o sa mga pangako ni Dean noon. Kung hindi ko kaya siya iniwan ano na kayang nangyari ngayon? Buo kaya kami at masaya kahit na mahirap?

I sighed. I love you but it's not enough to fight for you.

Isa lang ang maipapangako ko sa kanya kung sakaling bumalik siya. Hahayaan ko siyang makilala ang kanyang mga anak at kilalanin siya bilang ama nila. Iyon ang bagay na hindi ko ipagkakait sa kanya, kahit kailan.

Hindi ko na namalayan na nakalayo na pala ako sa bahay sa kaka-isip ng pangyayari ilang buwan lamang ang nakakaraan. Mula rin noon ay wala na akong balita sa mga Orlan at kay Dean. Noong panahon na ring iyon ibinenta nila ang kanilang kompanya kay Kuya. Hindi ko alam kung ano ang kanilang usapan ngunit nang mabenta iyon ay may nabalitaan kami mula sa mga staff.

May malay na si Dean ngunit walang maalala...

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon