Chapter 1

27 3 0
                                    

"Sezine! Bumangon ka na diyan! Marami pang ligpitin!" Sigaw ng aking tiyahin. Bugnot akong bumangon at nagtungo sa bintana upang maghilamos roon at saka itinali ang aking buhok at lumabas nang aking kwarto.

Makalat ang buong sala sanhi nang pagmamadali nila dahil sa kanya-kanyang pag-aasikaso nang trabaho nila.

"Magluto ka na, tapos linisin ang bahay, mag-laba nang labahin! Wag kang papasok kung hindi malinis ang bahay! Naiintindihan mo ba?!" Sigaw niya. Tumango lamang ako at nagsimula nang magluto ng agahan nang aking mga pinsan.

"Kristel! Tignan mo oh! Nasa magazine si Dean! May bagong record nanaman siya!" Matinis na sabi ko krisha. Tahimik akong nakikinig sa kanilang dalawa habang nagluluto.

"Oo! Sobrang gwapo niya talaga no? Nako! Pare-parehas pa naman tayo nang school! Makikita natin siya mamaya!" Tiling sabi nito. Inilapag ko sa kanilang harapan ang sinangag at piniritong itlog at hotdog.

Pinili ko na munang mag-almusal bago kilusin ang lahat nang gawaing bahay.

"Ang gwapo niya talaga no? Tapos mamaya after daw ng class nasa Club 98 daw siya! Maglalaro ng billiard tsaka poker! Shit! Nakaka-excite manood!"

Hindi ko na sila muling pinakinggan at nagsimula na akong magligpit nang bahay. May tatlong oras ako upang gawin ang lahat nang gawain. Bago pumasok, isa akong 3rd year students ng BHS.

Tahimik akong bukuntong hininga nang lakadin ko mula sa aming bahay hanggang sa eskwelahan. Di gaya nang nga pinsan ko ay naka-service ang mga ito ng pedicap.

Pawisan ako nang makarating ako ng eskwelahan. Mas pinili kong dumiretso sa banyo ng school bago sa aming classroom.

"Sez!" Sigaw nila kath at Riyo. Ngumiti lamang ako sa kanila, bakas sa kanilang mukha ang pamomoblema sa sitwasyon ko.

"Pagod ka nanaman no? Tanong nakatulog ka ba nang maayos?" Umiling ako sa tanong ni Kath. Halos wala pang tatlong oras ang tulog ko kanina dahil 2 na ako nang madaling araw naka out sa gig at halos 3 na ako nang madaling araw naka-uwi sa mismong bahay.

"Ayos lang, sanay naman na ako. Tsaka mamayang 3  magpapahinga din ako" ani ko. Busangot lamang ang sagot nito sa akin.

"Pero kahit na, hindi sapat ang tatlong oras na tulog, baka mamaya, maubos na lahat nang dugo mo kasi lagi kang puyat!" Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni kath. Hanggang sa dumating ang aming guro ay nanatili akong tahimik.

"Ahhh!" Napalingon kaming tatlo nang nagka-tilian sa loob nang amphitheater. Humugot  nang malalim na hininga si Riyo samantala si Kath naman ay humaba ang nguso.

"'yong kalandian nang mga yan.. isang students lang naman 'yan si Dean Orlan! Masyado nilang sinusu-porthana!" Reklamo ni Kath. Iling lamang ang nagawa ko at hindi na nagsalita pa. Nakita ko pa si Kristel at krisha na malapit sa stage sa harapan at isa sa mga nagtiti-tili roon at animo'y ngayon lang nakita si Dean Orlan.

Totoo, gwapo naman siya at may talent sa pagkanta. Ang parents niya ay may-ari nang isang music company at isa sa pinakasikat sa larangan ng music industries.

Noong una beses kong nakita siya sa magazine nang mga pinsan ko, totoong nakakabihag at nakakalaglag nang panga ang kanyang ka-gwapuhan. Isang tanga o bulag lamang ang maaaring magsabi na hindi siya gwapo. Mata pa lamang nito sa litrato ay parang manghihigop na.

"Tara na, hayaan niyo na sila diyan mabaliw!" Ani ki Kath habang parehas kaming hila ni Riyo hanggang sa makarating kami sa canteen.

Pare-parehas kaming tahimik na sumisipsip nang zesto at kumakain nang junk foods nang nagsipagpasok sila Dean at ang mga kaibigan nito.

Hindi ko na sila binigyang atensiyon at pare-parehas kaming umalis sa loob nang canteen at nagtungo na sa classroom.

"Hindi na ata magbabago 'yong mga tao rito no? Hindi pa nga totally sikat 'yong tao, ina-idolize na agad nila" ani ni kath. Kibit-balikat lamang ang naisagot ko sa tingin sa akin ni Rio. Hindi naman siguro masamang mag-idolize nang isang tao kung wala namang itong ginagawang masama sa iba.

"Hayaan niyo na lang siguro sila. Mapapagod din yan pagnalaos" wala sa sarili kong sabi na halos lahat nang aking kaklase ay nakatingin sa akin.

"Anong sabi mo Francisco?! Sinong malalaos?" tanong ni Lorie na kaklase ko.

"Si Dean" simpleng sagot ko. Ngunit mabilis tumaas ang kamay nito at balak sanang isampal sa akin ngunit may kamay na humarang rito na halos lahat ay napapanganga kung sino ito.

"D-dean!" sambit ni Lorie sa pangalan nito. Madilim na mukha naman ang ipinakita nito kay Lorie.

"Para lang sa salitang laos mananampal ka na?" tanong nito at marahas na binitawan ang kamay ni Lorie. Kahit ako ay naiwang laglag ang panga sa ginawa nito. How he can do it with a girl?

"Hey guys! Enough with this, magsisimula ang klase" sigaw nang aming president naming si Jamaica.

"Hindi pa tayo tapos" ani niya. Uupo na din sana ako kaso natigilan sa salitang namutawi sa kanyang bibig.

"S-siya naman 'yong may kasalanan kaya na-trigger akong manakit!" dipensa nito sa kanyang sarili. Pinag-krus ko na lamang ang aking braso at tinaas ang kilay.

"Sa tingin mk ba may karapatan kang manakit? He's right. Para lang sa salitang laos mananakit ka na? Nag-aral ka ba nang GMRC?" tanong ko. Umiling na lamang ito at pumunta sa upuan niyang umiiyak.

Hindi ko talaga ugali ang mang-away nang maliit lang ang kasalanan. Natuto akong hayaan na lamang kaysa patulan.

Umupo na lamang rin ko at inilabas ang mga gamit para sa susunod na subject. Nagtatakang tinignan ko si Dean na nakatayo pa rin sa aking gilid.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko. Nang hindi ito sumagot ay ipinitik ko pa sa ere ang kamay ko upang maging siya sa katotohanan.

"W-what?!" gulat nitong tanong. Umiling na lamang ako at hindi na siya pinansin. Nang dumating ang aming guro sa T.L.E ay nakinig na lamang ako mabuti na lamang at nakapag-review ako dahil may Quiz ito matapos nagdiscuss nang kanyang lesson.

"Nice, taas nang score niyo" ani ni Gilbert na nakatingin sa mga papel namin.

"Mag-aral ka kasi" ani ko rito. Umiling lamang ito.

"Computer ang buhay ko. Pinupuri ko lang kayo na mataas, nakakalahati naman ang score ko" ani niya at bumalik na sa kinauupuan nito. Natatawa ko itong nilingon.

"Ano bang meron sa Computer at naging buhay mo na siya?" tanong ko. Ngumiti muna ito bago sumagot.

"Nakakapagbigay ligaya nang hindi kayang ibigay nang iba. That's what computer does" ani niya. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil hindi ko rin lubusang maunawaan ang kanyang sinabi.

Sa sumunod na klase ay tamad akong nakinig sa science. Sa dami nang subject science ang pinaka-ayaw ko lalo ang chemistry at physics. Bukod sa hindi ko maintindihan ang bawat computation, hindi ko rin alam kung bakit pa ito pinag-aaralan.

"The velocity of an object is the rate of change of its position with respect to a frame of reference" discuss nang aming guro. Nakatalumbaba akong tinignan ang projector nito at tamad na nakikinig. Wala din namang pumapasok sa aking isipan kahit isang salita.

"And is a function of time. Velocity is equivalent to a specification of an object's speed and direction of motion" dagdag niya pa, sa mga susunod na salita ay hindi ko na pinangkinggan pa at tinignan ko na lamang ng mga paa na nilalaro ko upang hindi antukin.

"Psst!" tumingin ako sa bintana dahil sa sitsit tumatawag. Napa-awang ang labi ko nang nakita ko Dean na nakatingin sa direksiyon ko. Napatingin pa ako sa aking gilid dahil baka hindi naman ako ang kanyang tinatawag ngunit lahat naman ay focus sa discussion ni Ms. De guzman.

Kumindat lamang ito bago umalis. Napahawak lamang ako sa dibdib dahil sa kabang aking naramdaman.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon