Chapter 23

6 0 0
                                    

"You leave him because of his mother?" tanong niya. Wala sa sarili napatingin ako sa malayo at tumango.

"Tapos ngayon iiyak ka?" umiling ako at pinunasan ang luhang nasa mata ko pa at hindi tumutulo.

"Kailangan ko e" ani ko.

"Alam mo, kaya kita hinayaan noong unang beses pa lang na nasa kanya ka na kasi ang akala ko kaya ka niyang alagan. Tapos ngayon, tss" umirap ako at sumimsim sa kapeng nasa harapan ko.

"Mas maghihirap siya kung ipagpapatuloy ko. Ako na ang umalis para mas madali na lang sa kanya ang desisyon na bumalik sa magulang niya"

"Hayst, tapos ngayon nagluluksa ka diyan na parang may patay. Eto lang mapapayo ko bilang kuya mo. Wag mo munang seryosohin ang buhay ngayon habang bata ka pa. Feel free to live and feel young. Don't stress yourself with this kind of problem. You're too young to deal with it." ani niya at ginulo ang aking buhok.

Napa-irap lamang ako at hinayaan siyang ayusin muli ang gulo kong buhok at saka tumayo na.

"I have to go. I have a bunch of meeting to attend. So, pumasok ka sa school okey? Isang buwan na lang bakasyon na. Tiis tiis ka lang ng konti at makaka-move on ka din" ani niya at sumilay ang abot tengang ngiti niya

"oh! before i forgot, this is your allowance for a month" ani niya at nilapag ang sobre. Mabilis akong umiling at binalik ito sa kanya.

"Kaya ko ang sarili ko Aki--"

"i don't care. Basta tanggapin mo yan. Bahala ka, hindi ka makakapasok sa Bar na pinagtatrabahuhan mo pag di mo tinanggap yan. So, see yah!" ani niya at mabilis na lumabas ng coffee shop at naiwan akong natulala.

Wala sa sariling pinasok ko ang sobre sa aking bag at lumabas saka tumungo sa school na nasa harap lamang ng coffee shop.

Kinakabahan ako sa totoo lang, sa tuwing makikita ko kasi si Dean mula sa malayo umiiwas ako at kung lalapit naman siya ay nagkukunwari akong busy o may ginawa.

Mabuti na lamang at sa malayo pa lang ay nakikita ko na si Dean naka yukong nakasandal sa kanyang sasakyan. Mabilis kong sinuot hood ng hoodie at nakapamulsang naglakad patungo sa entrance ng gate.

Nang makalagpas ay nakahinga ako ng malalim saka nagtungo sa girls room at doon hinubad ang aking hoodie saka pinasok sa bag at pumunta sa classroom.

Habang nasa room ako ay hindi mawala sa aking isipan ang itsura ni Dean. Alam kong nahihirapan siya ngunit kailangan niyang magtiis, hindi habang buhay ay dapat hawak kamay kami at magkasama lalo na ngayon ay kontrolado ng magulang niya ang sitwasyon. Dahil alam namin na parehas lang kami mahihirapan.

Naisipan kong silipin muli ang sobreng binigay ni Aki sa akin. Halos lumuwa ang aking mata sa kapal at dami nito.

Mabilis kong dinail ang kanyang numero at ilang ring pa lamang ay sinagot na ito.

"Yes, baby girl? im in the middle of my meeting with my staff. Why you called?" bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Sobrang dami nito, baka isang buwan ay hindi pa ito ubos. Kung nagsasayang ka ng pera wag mo akong idamay" seryosong saad ko. Sa totoo lang, ilang taon ang agwat niya sa akin. At nitong nakaraan ko lang nalaman na isa na pala siyang business man at may ari ng iilang factory sa buong bulacan.

"Im not wasting my money baby girl. I spend that money i earn for you. I know you really need it. That's why last time we talk i asked you to study hard and feel free without thinking about your expenses. I can handle everything you need" ani niya. Umiling ako kahit na nasa kabilang linya siya.

"I actually don't want you to go back on your work. I don't want to see you again on bar singing. If you want to sing then lets rent a video oke room" dagdag niya pa.

"Hindi ko kayang basta na lang iwan ang mga kasama ko sa banda Aki."

Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Pero kahit na. I really want to do this. So please, please? just this thing..." wala sa sariling napabuntong hininga ako at mukha wala talaga akong magagawa sa gusto niya.

"Okey, fine. Nandito na si Ma'am mamaya na lang. Sunduin mo ko ah?"

"Sure baby girl"

Matapos ang ilang subject sa morning time ay nagtungo na kami sa Cafeteria upang kumain. Alam ko na may posibilidad na magkita kami rito ni Dean ngunit iniwaksi ko na lamang sa aking isip na makikita ko siya upang mabawasan ang aking kaba.

"Yan lang kakainin mo Sez? Feeling ko, sobrang bitin yan" ani ni Kath. Napatingin ako sa tray na hawak ko. Isang cup ng kanin, isang order ng ulam, isang mansanas at tubig.

"Diet ako" simpleng sagot ko habang paupo sa pwesto namin sa cafeteria.

"Sobrang slim na ng katawan mo tapos magdidiet ka pa? Ano ka na sa susunod? buto't balat?" sarkastimong tanong ni Riyo. Nailing na lamang ako at kumain.

"Wag niyo na lang ako pansinin. Isipin niyo, pangatlong kain ko na 'to" biro ko. Bumuntong hininga na lamang sila at nagsipag kain.

Wala talaga akong gana kumain, unlike before na kaya kong umubos ng sobrang dami ng pagkain.

"Sez, i need to talk to you" mariin akong napakapit sa aking tinidor at kutsara. Hindi ko din alam kung aangat ko ba ang ulo ko o mananatili na nakayuko. Ayokong mag-usap kami ngayon!

Mahina pa ang buong sistema ko pagdating sa kanya. At nitong nakaraang araw gustong gusto ko siyang makita. Miss na miss ko na ang lahat sa kanya.

"Baby... we need to talk" ani niya muli.

Uminom ako ng tubig at umiling.

"May klase pa ko. Una na ko girls" mabilis kong sinukbit ang aking bag sa balikat at umalis roon ng hindi na muli silang nilingon.

"Sezine!" halos manginig ang buo kong sistema dahil sa pagsigaw niya. At iilang mga ulo ng kapwa ko estudyante ay nakatingin sa amin at animo'y nanonood ng isang pelikula.

Gusto ko siyang bulyawan sa paghatak niya sa akin patungong Music room. Hindi naman masakit o marahas ang pagkakahatak niya, sobrang rahan non. Pero wala na kaming dapat gawin pa. Umalis na ako sa kanya, nakipaghiwalay na ako sa kanya.

Mabilis niya akong napangko sa pader. Halos mapatid ang aking hininga dahil sa sobrang lapit niya. Iba pa rin ang epekto niya sa sistema ko!

"Baby... i don't like what you do" bulong niya. Nilayo ko pa ang mukha ko sa mukha niya. Pakiramdam ko ay mapuputulan na rin ako ng ugat sa pagpipigil ng hininga.

"Hindi mo man lang ako kinunsulta kung anong mararamdaman ko" bulong niya pa. Napatitig na lamang ako sa kanyang mata.

Mariin akong napapikit ng paulanan niya ako ng maliliit na halik sa akong labi.

"Baby... do you hear me? please comeback to me right now" mabilis akong umiling sa kanya. Hindi. Hindi pwedeng maging marupok ako sa kanya. Kailangan kong habaan ang pasensiya ko sa paghahabol niya. Babalik ulit siya sa paghihirap!

"Hindi pwede De--hmp!"

Naputol ang aking sasabihin ng sisirin niya ng halik ang aking labi.

Goodness!

Mas lalong lumalim 'yon kahit na hindi ako humahalik pabalik sa kanya.

Pinipilit ko siyang itulak palayo ngunit mas malakas siya sa akin. Pinipilit kong wag madarang sa bawat halik niya, pinipilit kong wag ibuka ang aking labi. Pinipilit ko!

Sa sobrang inis ay naluha na lamang ako.  At doon lamang siya tumigil. Panay ang hikbi ko, hindi ko maintindihan bakit ganon na lang siya ka-desperedo na makuha ako pabalik.

"Baby... did i scare you? Im sorry..."

Iiling iling akong yakap ang sarili at nanghihina ang tuhod. Napadausdos na lamang ako pababa at doon bumuhos ang lahat ng luha.

"Baby, please listen to me. We don't have to follow what my mother's want. Baby, listen please? hindi ko kayang mawala ka... You're my light baby. Please? please?"

I miss him badly but I don't know what to say anymore.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon