Chapter 6

15 1 0
                                    

"Thanks for listening!" sigaw ni Dean. Tanging ngiti lamang ang nagawa ko. Kahit gig namin 'to ay parang naging instant free concert niya para sa mga tao dito. Kaya itong bar ay punong puno ngayon. Kahit ang dalawa kong pinsan ay nakita ko rito. Pinili ko pang tinago ang sarili ko sa hood na suot ko.

"One more! One more! One moreeee!"  sigawang muli ng mga tao.

"There's no more people. That's for tonight" at nauna itong bumaba sa stage. Hinayaan ko na lamang siyang iwan ako kasama ang mga ka banda ko rito ngunit bumalik ito upang marahan akong hatakin pababa.

Puno ng tilian ang buong lugar kaya pinili ko na itago ang aking mukha sa lahat ng tao may hawak ng kanya kanyang cellphone at kung tama ang iniisip ko ay kumukuha ito ng video at litrato naming dalawang nagkahawak.

"Uuwi na tayo" ani niya. Hindi na ako sumagot pa dahil tumatakbo na kaming dalawa ngunit nanatiling hawak niya ang kamay ko.

Hindi din ata nakuntento ang mga tao sa kanta niya ngayon dahil kahit palabas na kami ay sumusunod pa rin ang mga ito.

Nang makarating kami sa kanyang kotse ay pinapasok ako nito sa passenger seat. Inalalayan niya pa ang ulo ko upang hindi ako mauntog at siya pa ang nagseat belt sa akin.

"We need to go out of here. May media na" ani niya at pinaharurot ang  sasakyan. Pakiramdam ko ay nahuhuli ang aking kaluluwa sa sobrang bilis ng kanyang pagpapatakbo.

"Dahan dahanin mo nga! Hihiwalay na yung katawan ko sa kaluluwa ko!" sambit ko. Ngumiti lamang ito at hinawakan ang kamay ko.

"Kung hindi ko bibilisan, maabutan nila tayo" ani niya.

"Kahit na, mamaya mamatay tayo rito!" inis na sambit ko. Mukhang dadalhin niya pa ako sa instant kamatayan.

"Don't worry. We'll be safe" ani niya.

"Just hold my hand too" dagdag niya pa. Hindi ko alam kung ano lang sasabihin ko dahil sa pinagsasabi niya.

"Pagtayo talaga namatay rito, dadalhin talaga kita sa impyerno" ani ko at tumawa lamang ito sa akin.

"Naaaa. Di nga tayo mamatay, trust me Mon amour" ani niya. Hindi na ako nakapagsalita pa ng unti-unting bumagal ang pagtakbo ng aming sinasakyan. Salamat naman sa Diyos at hindi pa ako natigok.

Hindi traffic ngayon dahil madaling araw na. Kaya ganon na lang siguro magpatakbo si Dean.

"Why so quiet?" tanong niya at tanging kibit balikat lamang ang aking nasagot.

Sa totoo lang, puno ng pangamba ang puso ko. Hindi ko alam kung anong papatunguhan ng plano ni Dean. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging bukas.

Maraming fans ang nagnanais sa kanya at isa na roon ang mga pinsan kong halos sambahin na siya. Kaya panigurado kung hindi ako nagkakamali may issue nanaman yan. Kung sino yung kaduet niya kagabi o sino yung babaeng kasama niya sa bar na 'yon.

Malamang maraming iiyak nito.

"Is there something wrong? You look not okey Mon amour" ani niya. Umiling lamang ako at tumingin sa bintana ng sasakyan.

Napapa-isip ako kung tama ba lahat ng pinaggagawa ko sa buhay. Ang sumama sa kanya na walang matibay na rason, alam ko naman na mapapahamak ako sa bagay na ito.

"Hey..."

"Ayos lang ako Dean" mabilis kong sambit at hindi na muli siyang pinansin. Kailangan ko nang idistansiya ang sarili ko habang maaga pa.

"You're not okey Mon amour" ani niya. Umiling lamang ako at hindi a nagsalita pa. Ayoko humantong ang ganitong usapan dahil alam kong gulo ang dulo nito.

Nagulat ako nang ihinto niya ito sa gilid at sinapo niya ang aking mukha saka pinaharap niya sa kanya

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi ka nagsasabi kung anong problema" ani niya. Inalis ko lamang kanyang kamay sa aking mukha at tinignan siya.

"Wala nga akong problema" ani ko. Binalik niya lamang ang kanyang kamay sa aking mukha.

"Ba't ba ang kulit mo?!" inis na tanong ko saka inalis muli ngunit ibinalik niya lang ulit.

"Sabi na e, galit ka nga. Ba't ka ba kasi nagagalit? Hmm?" tanong niya at this time sobrang lapit na nang kanyang mukha sa akin.

"Hindi ako galit! Lumayo ka nga!" bulyaw ko ngunit mas lalo lamang itong lumapit. Parang hinahataw ang puso ko ng sampong kabayo sa lakas ng pintig nito. Sa sobrang lapit niya amoy ko ang alak sa kanyang labi at ang mabangong pabango nito sa katawan.

"Sabihin mo muna kung ano ang mali" ani niya. Napabuntong hininga na lamang ako sa inis. Hindi ko rin alam kung bakit ako humantong sa inis ang nararamdaman ko ngayon.

"Wala ngang mali--" naputol ang muli ang pagsasalita ko dahil sa kanyang halik.

Hindi ako gumanti sa bawat galaw nito ngunit hindi ko rin alam kung bakit hindi ko malayo. May kung ano sa labi niya na hindi ko alam kung bakit ayaw ko mismo ialis sa pagkakadikit sa aking labi

Hanggang sa naramdaman ko na pinulupot niya ang kanyang braso sa aking beywang at ang isang kamay ang nakahawak sa aking pisngi.

Sa puntong ito nag-aaway na ang isip at puso ko. May part sa akin na gusto kong gumanti sa bawat galaw niya ngunit may parte rin sa akin na humahatak na wag, dahil ang dulo nito ay paniguradong masasaktan ako.

Pinilit kong magpumiglas sa kanya hanggang sa nagtagumapay ako. Ngayon sa puntong ito sigurado na ako na uuwi na ako. Uuwi na. Hindi na muling magstestay sa puder niya.

Nang makalas ko ang seatbelt ay mabilis akong lumabas ngunit isang malakas na busina ang nagbalik sa akin papasok sa kotse.

Napahawak ako sa aking dibdib, malakas ang bawat pintig sa aking puso. Mamamatay pa ata ako ng maaga...

"See what happen? The truck almost hit you." seryosong saad nito at sinuot sa akin ang seatbelt.

"Sorry" iyon na lamang ang aking nasabi dahil sa nangyari.

"Just don't do it again. Tandaan mo nasa kalsada tayo at wala ka sa bahay na pwede ka na lang basta magwalk-out" nanlabi na lamang ako sa kanyang sinabi at upang itago ang isang ngiti.

Ang cute niya palang magalit...

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon