Chapter 21

7 0 0
                                    

"Pupunta lang ako sa C.R Dean, wait mo na lang ako dito" sabi ko. Tumango siya at umupo doon sa mga upuan. Ako naman ay dumiretso na sa cubicle.

Pang-ilang cubicle pa lamang ako ay may humaltak sa akin papasok sa isa. Nais ko sanang sumigaw ngunit hindi ko kinaya mabilis nitong natakpan ng palad ang aking bibig at kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko siya kaya. Malakas siya at isa pang lalaki.

"Shh. I won't hurt you" mahinang sambit niya. Umiling ako at nagpupumiglas pa rin. Tinanggal niya ang kanyang sumbrero at doon ko lang napagtanto kung sino ito.

"I won't hurt you. Listen, i have to say something important to you" ani niya. Doon ako bahagyang natigilan.

"Hindi kita kilala." 'yon lang ang naging sagot ko.

"Listen to me. I know you already know my name. Kakasabi ko lang kanina" sabay irap niya.

"You have to listen to me. Hindi naman ako nandito para guluhin kayo ng nobyo mo or agawin ka sa kanya. Im here to say, im your half brother" nanlaki ang mata ko. Kahit kailan ay hindi nasabi sa akin ng aking mga magulang na may kapatid ako sa labas. May kapatid ako sa ibang ina or ama.

"Sigurado ka? e bakit magka-iba yung last name natin?" tanong ko. Huminga siya ng malalim.

"Speaking of that. Of course, i use my mother's Last name" ani niya. Umiling ako at hindi makapaniwala.

"Bakit hindi mo sabihin ng harapan? sa harap naming dalawa ni Dean?" tanong ko.

"Your boyfriend was too possessive. Kanina, tinitignan lang kita halos patayin niya na ako sa titig. And should i expect he would believe at me? of course, not" sabi niya.

"Uhm, Medyo nga"

"Pero ikaw maniniwala ka ba kaagad?" tanong niya. Marahan akong umiling

"Syempre, Ano ba kasing ini-expect mo? Pag nagpakilala ka, tatangappin ka ng bukas ang mga braso ko? syempre hindi. Dahil kahit kailan ay walang sinabi sa akin ang mga magulang ko tungkol sa bagay na yan." paliwanag ko.

"I know, that's why i approach you kahit na ayaw ni mommy" nanlaki muli ang aking mga mata.

"So half brother kita sa tatay?" naguguluhang tanong ko.

"Exactly" sabi niya habang nakapatong ang kanyang kamay sa kanyang baywang.

"You're half japanese?" tanong ko. Tumango lamang siya.

"Tumatagal ka na, baka hanapin ka na nga possessive mong boyfriend. Lets meet some other time and talk about something we need to talk to." tumango ako at lumabas na sa cubicle. Hindi na ako nakapagbanyo, pakiramdam ko ay umatras ito dahil sa mga nalaman ko.

"Bye Akiro!"

Hindi ko din alam kung papaanong natago ito sa akin ng magulang ko. Kaya ko naman na intindihin ito. Isa pa, gusto ko ng kapatid. Hindi ko rin naman siya pagkakaitan sa ama kung sakali dahil siya ang nauna sa aming dalawa.

"Ang tagal mo" ani niya ng makalabas ako ng banyo. Tumaas ang dalawa kong kilay at ngumiti.

"Ano bang aasahan mo sa mga babae Dean?" ani ko sabay tawa ng mahina. Iiling iling itong umakbay sa akin palabas ng amusement park.

"Hindi ko inexpect na ganito kasaya rito" ani niya. "Kahit na may asungot na nakabuntot at gustong mang-agaw" dagdag niya. Napahawak ako sa kanyang kamay habang patungo kami sa parking lot.

"Asungot talaga?" sabay tawa. "Hindi nga nila ako maagaw Dean. Kahit anong gawin nila, sayong sayo lang ako" ani ko. Lalo na ngayon napagtanto ko kung ano siya sa buhay ko.

Pero kailangan ko pa ring kumpirmahin kung ano talaga siya sa buhay ko. Mamaya modus pala 'yon! jusme!

Pagod ng umuwi kami. Hawak kamay na papasok sa kanyang apartment. Labis ang kaba ko ng makita kong bukas bahagya ang pinto ng kanyang Apartment. Alam ko at alam niya na ni-lock namin iyon at sinigurado pa namin ito.

Mahigpit niya akong hinawakan at saka nauna siya sa pinto. Sinenyasan niya akong wag maingay upang mahuli namin ang sino mang nanloob sa apartment niya.

Abot tahip ang aking kaba. Sa pagtulak ng mahina sa pinto. Pakiramdam ko ay may sasalubong sa amin na bagay na matulis at nakakamatay.

"Dean" Isang diretso at ma-awtoridad nitong sambit. Parehas kaming natigilan ni Dean ng makita namin ang kanyang ina.

"Mommy..." sambit niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin ng bumaling sa akin ang kanyang ina.

"Hindi mo ba siya ipakikilala sa akin?" tanong nito. Bakas sa kanyang boses ang kakaibang tono.

"Para saan pa mom? I don't think i have to do that, may ibang tao ka rin naman na gustong ipakasal sa akin" diretsong sabi ni Dean.

"ah! of course, sino ba namang hindi magugustuhan ang tulad ni Carlie? My dear Carlie was a good girl, may standard, a heiress and pretty." mayabang niyang pagpapakilala kay Carlie. Napa-iwas ako ng tingin. Alam ko namang pinapatamaan niya ako sa mga salita niya. At alam ko din na ang lahat ng sinasabi niya ay kabaliktaran ko.

"And also, kung ikakasal kayo, Our music industry will bloom easily. Pero kung sa babaeng yan ka mapupunta wala kang kinabukasan! Carlie is a heiress, You have a great future once our company and their unite!" sabay sigaw niya at may halong galit ang mga mata.

"Ma! ano ba! i said stop! stop trying fixing things about me and carlie! I don't need that woman! Mas gusto mo 'yong babaeng 'yon kasi mayaman! physical rich! but her attitude is diminish! I don't care if our company won't bloom that easily. I prefer to have hardship rather than this!" Napapikit ako sa sigaw ni Dean. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng husto. Wala akong nasabi kundi pagmasdan silang mag-ina.

"I don't want to marry a woman with diminish personality. Its better to marry a woman even its poor, do not have company or even a little stocks on the company! At least, she have dignity!" dagdag niya pa. Pilit ko siyang inaawat sa pamamagitan ng paghatak ng kanyang braso. Upang hindi niya labanan ang kanyang ina. Ina niya pwedeng basta basta na lamang sagot-sagutin.

"Binabastos mo ko para sa babaeng 'to?" sabay duro niya sa akin.

"Binihisan at pinakain kita Dean ng ilang taon! tapos ito lang ang ibabalik ko sa akin? how dare you!" ani niya sabay sampal kay Dean. Halos lumipad ang kanyang mukha dahil sa lakas non.

"Wala kang utang na loob. Sa tingin mo ba, makakarating ka sa kinatatayuan mo kung hindi dahil sa akin?!" sigaw niya muli.

"Hindi 'di ba?! without me, you're nothing! Dean! you're nothing! Im still the root of your success! tapos babastusin mo ko para lang sa mahirap na daga na yan?!" hindi ko mapigilang manggilid ang aking mga luha.

"Ma! ano ba--"

"Tama na Dean... Please?--wag mong b-astusin y-yung m-agulang mo!" halos manginig na ako. Hindi, hindi ko 'to kaya.

Ito ang pinaka-iniwasan ko ngunit hindi ko aasahan na darating pa ito sa akin. Sabi ko, ilang araw. Ilang araw pa, pero hindi na ata kinaya ni tadhana at pinagdamot sa akin ang oras. Ang oras para makapagdesisyon.

"Aalis ako Dean. Para sa kapakanan mo. Tama na--"

"No! No! No! baby please! No!" naghuhumirantado niyang sambit ngunit iling at pagtakip na lamang ng bibig ang aking nagawa.

Mahirap 'to, sobrang hirap. Alam kong maaari mabasag ang mga puso namin pero ito ang tama. Kailangan ko siyang iwan para may kinabukasan pa siya.

Aalis ako dahil para sa kanya rin ito. Lilisanin ko ang mundo niya para sa ikakaganda niya.

Umatras ako at tumingin sa kanyang ina na nakangiti.

"Hindi ko kayang makitang naghihirap ka dahil sakin Dean. Dibaling ako. Ako na lang, sanay na ako sa bagay na yan. Pero ikaw? kailangan mo sila Dean..."

Im so sorry baby... I really need to do it, its for you.. for your own good.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon