Chapter 19

9 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala matapos kong marinig ang sinabi ng ina ni Dean.

Paulit-ulit na narerewind sa aking utak ang bawat salita na kanyang sinabi.

"Hindi ka bagay sa anak ko." ani niya. Kagat labi akong tumingin sa kanya at nilalabanan ang bawat mapangutyang titig na meron siya.

"Mas mabuting hiwalayan mo na siya habang maaga pa. Sa sususunod na buwan ay ikakasal na siya kay Carlie. Kaya kung ayaw mong masaktan sa huli, gawin mo na ang aking sinasabi." dagdag niya pa.

"Ma'am, wala po sa akin ang desisyon." magalang na sagot ko. Kahit na may gusto siyang na ayaw ko ay pinilit ko pa rin siyang irespeto.

"Anong wala?! anong gamit niyang utak mo? Dapat ba lahat ng bagay na kay Dean ang desisyon?!" sarcastimo at may halong galit na sambit niya. Umiling ako.

"Then decide for it. Leave my son. Name your price" ani niya. Ganon ba kadali sa kanya na presiyohan ang lahat ng bagay para makuha lang ang gusto niya?

"Magkano ba ang gusto mo? One hundred thousand? One million? ten? name it, i'll pay it" muling sambit niya. Iling lamang ang aking nagawa. Wala akong balak pagpadala sa pera niya. Kaya kong kumita sa kahit anong paraan, pero ang iwan si Dean? Mukhang mahihirapan ako.

"Hindi ko ho kailangan ng pera niyo para hiwalayan siya. Hindi ako nasisilaw ng pera ma'am. Itago niyo na lang ho yan dahil mas kailangan mo yan" sambit ko at tumayo.

"Bastos kang bata ka!" biglaang sigaw niya sabay sampal sa akin. Gusto ko nang umiyak at sabihin na tama na, pero alam kong hindi ko siya malalabanan. Mataas at may katayuan sa buhay

"Mas kailangan ko?! hija, let me remind you. Mas mahirap ka pa sa akin. Ni one fourth ng pera ko ay wala ka--"

"Alam ko naman ho na wala akong pera. Pero never akong nag-asam na yumaman at never din akong nang-gamit ng tao para yumaman " sambit ko. Mabilis na nagtangis ang kanyang bagang.

"Hindi ka nga ba gumamit ng tao? then why are you living with my son? Ano 'yon trip mo lang?" sarkastimong tanong niya.

"Hindi ho, Si Dean ang nagpasya ng bagay na iyon." sagot ko.

"Tss. You making me laugh hija. You're such a gold digger. Look, you have 24 karat of gold necklace. Sa tingin mo kaya mo bang ma-afford na mabili yan kung hindi mo ginamit ang pera ng anak ko?" sambit niya.

"Tss. Of course, its a no! You now what? you have a beauty but Dean doesn't  deserve you. You poor rat!" sigaw niya at halos lahat ata ng tao sa coffee shop na ito ay napatingin sa aming direksyon.

"Alam niyo ho ma'am, alam kong mahirap ako, alam kong malayo ang agwat namin ni Dean kung katayuan ng buhay ang pag-uusapan pero kahit kailan ay hindi ako nanliit ng tao para makataas ako. Atleast ho. Ako, kahit mahirap, marunong rumespeto. Hindi niyo ho ako katulad, kahit na ako ay mahirap atleast may class" sambit ko. Ayoko siyang patulan, hangga't maaari palihis ang aking mga sinasagot sa kanya. Matamaan man siya ay hindi ganon kasakit sa ego.

"Aalis na ho ako at may klase pa po ako." dagdag ko pa at iniwan siya roong nakatulala.

Nang makalabas ako ng Coffee shop ay hindi ko mapigilang lumuha. Sobrang sakit ng sinabi niya at halos tagos sa puso ang bawat salitang binitawan niya.

Oo, alam kong mahirap ako, walang pera at walang pamilya. Pero sana, hindi na nila ako ganituhin, ang maliitin.

Napahawak ako sa kwintas na ibinigay sa akin ni Dean noong huling kaarawan ko. December 31. New year at kapanganakan ko ang sabay naming isinelebrate.

Isa itong 24 karat gold G-clef necklace. Para sa akin, sobrang special ng necklace na ito. Dahil sa likod nito ang pangalan naming dalawa.

"He's going to suffer once you don't do what i want. Im going to cut all of his cards, his recording in music industry! I'll  do everything until i wreck you! He will end up a poor rat like you!" sigaw niya. Hindi ko na siya nilingon pa at mas binilisan ko ang bawat hakbang ko upang makalayo.

Muli akong natulala at ilang ulit na nag-iisip. Hindi ko inaasahan na darating sa punto na kailangan kong alisin ang kaligayahang nararanasan ko ngayon. Ang saglit na kaligayahan ay muli na aangkinin ng tadhana.

Hindi ko din in-expect na kaya niyang pahirapan ang kanyang anak sa ganitong sitwasyon lamang. Kung tutuusin, pwede namang si Dean ang sabihan niya at hindi ako. Pero kung hihiwalayan man ako ni Dean sa tingin ko ay hindi ko rin kakayanin.

"Baby, lumalamig na ang pagkain. Come on, eat up" ani niya. Kahit na wala akong gana ay kumain pa rin ako ng kaunti upang hindi siya mag-alala sa akin.

"May problema ba?" umiling ako at niyakap na lamang siya. Kahit papaano ay naalis ang bigat ng aking puso.

Ilang araw pa ang lumipas ay napansin ko na nagkakaproblema si Dean. Palaging kunot ang kanyang noo. Pero pag humaharap sa akin ay biglang nawawala ang mga linya at tanging guhit na ngiti sa kanyang labi ang lumalabas

"Did you what?! wait! No.no.no.no! you can't do this ma!" halos ibato niya ang cellphon ng patayan siya ng kausap niya na sa tingin ko ay ang kanyang ina. Ilang beses niyang sinuntok ang pader at puno ng frustration.

"Dean..." sambit ko sa kanyang ngalan. Mabilis na lumambot ang kanyang expression at mabilis na tinawid ang aming distansiya at niyakap ako.

Ayokong magtanong dahil alam ko naman na kung ano ang sinabi sa kanya at kung ano na ang kasalukuyang nararanasan niya. Hindi ko inaasahan na darating sa punto gagawin ng kanyang ina ang kanyang sinabi. Handa siyang pahirapan kami para makuha ang kanyang nais.

Pero, Siguro ito na ang tamang panahon upang gawin ang tamang Desisyon. Gipit kaming dalawa, inipit ang cards niya samantala ako ay inipit sa desisyon na sobrang hirap.

Ayokong dumating sa punto na baka mawala sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya. Katayuan, kasikatan at kayamanan. Mahirap kuhain pabalik 'yon kung sakaling mawala. Alam naman natin ang tao ngayon, kung ano ang nakaraan kung minsan di na binabalikan. Kaya yung mga taong natanggal na sa isang industriya hindi na pinapansin pa.

Gabi na at parehas na kaming nakasandal sa head board ng kama at nanonood ng isang pelikula na alam kong wala naman kaming naiintindihan.

Yumakap lamang ako sa kanya at ginawang unan ang kanyang braso.

ilang araw pa, please... panalangin ko.

Susulitin ko na muna ang ilang araw na kasama siya, kakabisaduhin ko na muna ang detalye ng kanyang gwapong mukha. Bago ako magdesisyon ng buo. Ayokong padalos dalos sa pagdedesisiyon, mahirap dahil nasa huli ang pagsisisi.

"May bumabagabag ba sayo? tell me..." malambing na sambit niya sabay dampi ng maliliit na halik sa aking noo. Umiling ako at itinanday pa ang aking paa sa kanyang katawan.

"Ang tigas ng katawan mo" puna ko kanya upang maiba ang aming usapan.

"of course, alagang gym at alagang Sezina e. Anyway, walang pasok bukas 'di ba? Let's go some other place." anyaya niya. Tinanguan ko lamang siya.

"Saang lugar naman tayo?" tanong ko.

"Maybe on amusement park or somewhere." ani niya. Muli akong tumango at ipinikit ang mata.

"Basta kahit saan at kasama ka, go ako" ani ko.

"I love you..." dagdag na sambit ko.

Ramdam ko ang saglit na pagkatigil niya. At halos hindi gumalaw ang kanyang dibdib, natigilan ang pagtaas baba nito.

"Dean ayos ka lang?"

"Say it again" ani niya.

"Ang ano? ayos ka lang?" tanong ko.

"No.. the first one"

"I love you?" clueless kong sambit. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Say it again"

"I love you."

"Again"

"I love you"

"I love you too..."

Napangiti ako at ibinangon ang taas ng aking katawan upang maipababawan siya at saka dinampian ng marahang halik.

I don't even know if i can do it.. if i can decide to open my fist and let you go...

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon