Chapter 36

10 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay. Bumangon ako at mabilis tumingin sa aking wrist watch. Alas otso pa lang ng umaga. I also check my phone about the update to the compamy and to my kids also.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Sa loob ng banyo ay may lamang paper bag at note from Francis.

"When you wake up, change your clothes." Basa ko sa note. Simpleng dress lang ito. Naligo na lamang ako sa loob ng banyo, mabuti na nga lang at may mga gamit panligo na dala rito ai Francis. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako.

"Wala kang karapatan rito! Ha! Ikaw walang hiyang babae ka ang papatay sa anak ko! I deeply regret why i choose the freaking you!" Sigaw ng pamilyar na boses. Lumabas ako ng pinto at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang ina ni Dean at si Carlie. Mga mugto ang mga mata.

Kung tutuusin ay dapat hindi na ako magulat at kabahan dito dahil alam ko naman na dadating talaga sa puntong ito na magkikita kaming muli.

"Please tita, i want to see him! I know he need me!" Desperadang sabi ni Carlie.

"No bitch! Ge out! My son doesn't need you! Isa kang kriminal!" Sigaw niyang muli. May mga guards na dumating upang awatin sila dahil hindi na kaya ng dalawang nurse na hawakan ang naggagalaiting ina ni Dean.

"Dalhin niyo ang babaeng yan sa prisinto! May lawyer has the papers! You will rot in jail bitch! Hinding hindi ako makakapayag na makalapit kang muli! Sisiguraduhin kong makukulong ka sa kulungan dahil sa kahayupan mo!"

Nang makaladkad na si Carlie palabas ay pumihit sa direksyon ko ang kanyang ina. Gulat ang reaksyon nito at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"Sezina.." ngumiti ako sa tawag niya. Kahit na may kasamaan ang ginawa niya sa akin noon.

"Ma'am change po muna kayo ng hospital gown at para makapasok kayo sa loob at mabisita niya na ang anak niyo" ani ng isang nurse. Nang igaya niya ito sa palitan ng damit ay naghintay na lamang ako sa labas. Iiwan ko muna saglit dito si Dean at babalik na lang mamaya.

"S-salamat sa ginawa mo ito hija" ani niya. Tumango lamang ako.

"Aalis na muna po ako at kailangan kong umuwi. Babalik ako rito para may kapalitan ka" ani ko. Tumango ito.

"I'll go na po" paalam ko. Yumukod pa ako at tumungo na. Nag-taxi na lamang ako pauwi.

Medyo nagtataka lang ako kung bakit galit na galit ang ina ni Dean kay Carlie. Naalala ko noong halos ipaglandakan niya si Carlie kay Dean at kung tabuyin ako ay ganon din kagaya ng ginawa niya kanina.

Hindi naman pala magkaiba ang trato niya sa ayaw at gusto niyang tao. Isang himala na nga lang kanina at hindi niya ako binulyawan dahil ako ang nagsugod kay Dean doon sa hospital.

Isang linggong pabalik-balik ako sa ospital. Hindi pa rin siya gumigising ngunit hilom na ang mga sugat. Sa isang linggo ring yon ay walang araw na hindi pumupunta si Carlie rito upang magmakaawang papasukin at puntahan si Dean.

"Mommy, kailan po namin makikita si Daddy? i miss him na po" ani Dein. Huminga ako ng malalim, alam ko na bata pa ang anak ko. May posibilidad na hindi niya maunawaan ang mga sinasabi ko. Dumating din si Dylan na may nangungusap na mata.

Pumantay ako sa paningin ng aking mga anak at tinignan ang kanilang mga nagungusap na mata.

"When your daddy woke up, i'll bring you in the hospital and you will be the one who take care of him. Okey? Hindi pa kasi pwede ngayon anak dahil nasa ICU pa ang daddy. Ako, ang lola niyo at ang mga nurse, Doctor lang kasi ang pwede."

"Are you promising mommy? makikita namin si Daddy when he woke up? Promise?" tumango ako sa aking anak. Mabilis naman itong nagtatatalon sa tuwa. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking puso, panatag din kahit papaano dahil nag-iba ang trato sa akin ng kanyang ina. Hindi na kasing lupit noon na parang isang aso.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon