Wakas...

18 0 0
                                    

Dean

"Morning babe" napapaos niyang sabi. Parehas kaming nakahiga pa sa kama. Siya ay kakagising lamang samantala ako ay kanina pa rito natulala.

Isang buwan mula nang nagtungo kami sa ibang bansa. Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko ay ito wala akong maalala ni isa.

"What you thinking?" tanong niya. Umiling lamang ako. Wala akong balak magsalita dahil hindi ko kilala mismong ako.

Palagi rin siyang may pinapainom sa aking tableta kailangan ko raw iyon upang mas mabilis ang paggaling ko at makaalala na ngunit sa bawat gamot ay palagi akong binabangungot.

Ilang buwan nang lumipas at nakita ko ang CCTV video kung paano bumanga ang sasakyan ko sa isang poste. Halos mahati ito sa gitna dahil sa lakas ng pagkabangga ko

"Don't watch it. Mag cocontrast ang memories mo" aniya at inagaw sa akin ang ipad. Tumango lamang ako na parang na bata.

"ilang linggo pa ang gamot niya Carlie hija?" tanong ni mama. Iyon ang pakilala sa akin ng ginang na ito na hawig ko. Katabi niya naman ang aking ama.

"Hangga't hindi pa po bumabalik ay hindi pa pwedeng itigil ang gamot" mariin nitong sabi. Tumango lamang ang magulang ko habang ako rito ay tulala at nag-iisip kung paano babalik ang ala-ala.

Tuwing nasa veranda ay palagi akong humiginga ng malalim at iniisip ang nakaraan. Kaso isang babae na kulot lamang ang aking nakikita. Sa loob ng bahay namin ay walang kulot na babae kaya nasisigurado ko na maaaring may iba pa sa buhay ko.

Bawat buwan ay nadadagdagan ang mga gamot na iniinom ko at lumipas ang tatlong taon ay mas dumoble ito. Unti-unti akong nahihirapan at kung minsan nakabantay pa sila kung iniinom ko ba ang gamot o hindi.

Habang nanood ng ilang clips sa internet ay may napanood akong isang illegal na gamot kung saan ay halintulad sa gamot na iniinom ko. Doon ay nagsimula akong magtaka kung ano talaga ang pinapainom sa akin ng nga taong ito.

"Here's you salary for this week. Tomorrow we have a opening near at time square, okey?" tumango ako sa aking amo na si Mrs. Mallori. Binilang ko ang ilang dolyar sa aking kamay sakto iyon upang makapagpacheck up ako sa isang doctor dito sa  New york.

"This medicine are illegal. You shouldn't drink this, it can cause more on your brain and as you said a while ago its about 4 years when the accident happen and you drank a lot of this kind of drug but still there's no improvement. You should stop drinking this drug, it will harm you" tumango ako habang nagsusulat siya ng reseta.

"Here, buy this and take it twice a a after meal and don't drink this drug anymore"

"thank you doc"

"Next check up, i'll check you brain if there's a affected area. We'll try to run of some MRI test to check the whole body, especially your brain."

Tulala akong umuwi at tinago sa aking jacket ang gamot na ibinigay ng doktor. Huminga ako ng malalim saka bumaba sa taxi. Nasa pinto si Carlie, naka-krus ang kamay habang masamang nakatingin sa akin. Walang pasubaling sinigawan ako nito.

"Where have you been?! You know your condition! Hindi ka ba nag-iisip?!" galit na bulyaw nito sa akin. Anger fastly spread on me. Mabilis kong hinawakan ang kanyang balikat at iniyugyog ito.

"You know my fucking condition but you didn't  help me! you make my condition worse! you fucking poisoned me! you're a bitch!" nanggagalaiti kong sigaw. Halos sumakit ang lalamunan ko at sumakit ang kamay ko kakayugyog sa kanya.

"i did not poison you! What are you taking about?!"

"You didn't?! are you fucking sure?! this fucking medicine is a forgetting pill! a forbidden drug!" sabay tapon ko sa kanya ng mga gamot na ipina-inom niya sa akin.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon